Ang Love language namin ay Trashtalk-an

25 52

Taglish muna tayo for today okay ba? So nabasa ko yung article ni @immaryandmerry about doon sa love languages pero ang sinulat niya kasi ay tungkol naman sa bullying as love language. Siguro ganun talaga kapag mga totoong kaibigan no? So wag ko na ikwneto dahil halata na sa title kung ano ung ikekwento ? Charot.

Anyways, hindi to tungkol sa love life ko kundi sa mga kapatid ko. So apat kami magkakapatid, Si Anne, Ako tapos si J at si RV. Onti lang gaps namin pero sumunod naman sa family planning ang magulang namin kaya di na din masama. Ang saya nga minsan dahil halos magkaka-edad lang kami at alam na namin mga kulo ng isat' isa.

Ang love language namin ay trashtalk-an

Yes, ganyan kami dito sa bahay. Epekto na din to ng kaka-cellphone namin at Tiktok. Kung andito lang kayo as viewers namin magkakapatid maririnig nyo kami na grabe magsalita sa isat isa katulad ng mga ganito:


Anne: Libre mo nga kami coke para may maiambag ka naman sa pamilyang to.


RV: Ang bait mo naman, sana di ka pa mamatay.


J: Di ka pa kumakain? Kawawa ka naman.


Ako: Oorder ka na naman sa shopee, wala ka na nga pakinabang ( I will always say this to RV kasi sya bunso tapos sagot namin sya ni Ate Anne minsan)


So ganyan kami mag-mahalan sa bahay. Pero di kami nag mumura ng P.I kasi bawal un. Sampal ka agad kay mama. Yes kahit ganito edad ko sinasampal pa ko ni mudra, syempre di ako ang paboritong anak. Isa lang akong bunga ng MU nila ni papa dati, Charot. Paano ba naman kasi laging kulo dugo nun sa akin. lol

Balik tayo sa mga kapatid ko. Well, kahit ganyan kami mag-trashtalk-an eh mahal nam namahal namin ang isat'-isa. Lalo na kapag wala sila mama dito eh magsisigawan pa kami niyan pero for fun lang syempre. Di rin kami nagkakasakitan kaya okay kaming lahat.

Siguro isa lang sa mga pinag aawayan namin ay kung sino maghuhugas ng pinggan. Doon eh talagang mauurat kaming lahat.

For me naman, mas okay ung ganitong love language namin kasi mas lalo kaming nagiging open sa isat isa. Parang magkakibigan lang ganun. Naalala ko nga noong bata pa kami eh lagi namin sinisiraan ang isat isa. Lalo na nung panahong rebelde pa ko, nako itong mga kapatid ko eh napaka sumbongero sa mama ko. Naging toxic sila pero totoo pala na kapag nagsimula na silang mag mature eh titino rin. Kumbaga alam na nila ano ibig sabihin ng amoral, immoral, non-moral and so on.

So ayun, healthy naamn ang relationship namin ng mga kapatid ko at siguro swerte lang ako sakanila din at ganoon din sila. Buti nga eh natutupad kahit paano ung gusto namin na hindi kami maging toxic gaya ng mga kapatid ng parents namin. Sabi ko nga sakanila, sana pag laki wala kaming pag aawayan sa lupa kasi mayayaman na kami. hehe.

Well, I can say naman na may mga pinag aralan naman kaming lahat kaya alam ko hindi kami matutulad sa ibang mga magkakapatid. Kung hindi mana pag aawayan eh ung lupa at bahay no?

Anyways, yun lang kwneto ko. Maraming salamat sa pagbabasa. 😊

Previous Articles:

PUBLISHED: MARCH 16, 2022   TIME: 5:22 PM PST 

12
$ 4.53
$ 4.21 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @kingofreview
+ 7
Sponsors of Usagi
empty
empty
empty

Comments

Ganyan na ganyan din kami WAHAHAHAH kasi hindi kami yung tipo na lovely na pamilya eh Lalo na kaming magkakapatid. Hindi kami sweet sa isat isa, yung lambing namin sa isat Isa is puro bangayan at trashtalkan araw araw. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

wahaahah akala ko nga kami lang ung ganyan pero diba ang saya lang ganyan kayo araw araw.

$ 0.00
2 years ago

I can relate sis! Ganito rin kami sa bahay bardagulan. Ang saya lang na sa super close namin, di kami naooffend, pero baka sa ibang tao nako, magkagulo.

$ 0.00
2 years ago

pag nadinig kami ng ibang tao eh para daw kaming mga anga anga wahahah pero di kasi nila alam ganun talaga kami palagi.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha! I wish I had sisters too. Nakakatuwa kaya yan, naku sila hubby all boys kaya bardagulan naman sila magmahalan, may kasamang murahan pero wag ka kahit below the belt yung murahan nila kinabukasan parang walang nangyari, except dun sa kuya🙈🙊

$ 0.00
2 years ago

Ahahahaha ikaw ba wala ka kapatid ate?? Kami kasi ng ate ko nahawa lang kami doon sa trashtalk talaga at doon sa mismo beki.

$ 0.00
2 years ago

Meron naman two boys, only girl lang ako😆

$ 0.00
2 years ago

tapos ikaw pa ata ate sis kaya parang kagalang galang eh.

$ 0.00
2 years ago

Naku gitna ako sis kaya di nila ako ginagalang hahaha!

$ 0.00
2 years ago

Wahahahahahaa di naman ata sa ganun ate.

$ 0.00
2 years ago

: Ang bait mo naman, sana di ka pa mamatay.

Natawa ako dito eh, grabe, hahahaha! Kami naman magkakaptid eh di ganyan pero may sarili kaming asaran.

$ 0.00
2 years ago

Kayo ba ate paano kayo mag asaran ng mga kapatid mo? Kami kasi galing kami sa iba ibang class kumbaga ung ate ko, professional trashtalk tas ung isa, natural trashtalk tapos ung isa naman baklang trashtalk kaya ayan kpag kami nag sallitaan eh kala mo lagi namin sinisiraan isat isa wahahha

$ 0.00
2 years ago

Kami naman eh tawagn ng kung anu anong pangalan.. Like un sumunod sa akin eh tawag ko kalbo, tapos un bunso eh baluga, tapos tawag naman nila sa akin eh tekla..

$ 0.00
2 years ago

Ayyy feeling ko ate uso yan dati. Nadidinig ko papa ko kapag kausap ung isa niya kapatid tawag nya bulate. 🤣

$ 0.00
2 years ago

Mas bet ko na yang ganyan talagang kagulo sa bahay aakalain pa ng makakaita na laging may away di nila alam bonding time pala hahahaga. Ako naman kahit kelan nakakpag mura. Lahit sa harapan pa nina mommy hahahaha. Sa kanila lang ako natuto ee pero kahit ganon expression lang naman yung samin walang pinapatungkulan ba haha.

$ 0.00
2 years ago

ayy wait, may kapatid ka ba ruffa? feeling ko kasi wala at di mo sya gaano napopost eh.

$ 0.00
2 years ago

Same here, bardagulan yung bonding 🤣

$ 0.00
2 years ago

yeah ayuun ang tamang term, bardagulan moments whahaha

$ 0.00
2 years ago

May ganun talaga Langga. Lambingan lang Langga. May alam din akong ganyan din sila magkakapatid Langga. Hehe pero hindi ganyan magkakapatid. 😁

$ 0.00
2 years ago

hahahah feeling ko iba kayo mag bonding ng kapatid mo ate.

$ 0.00
2 years ago

Nako sis baka pagganyan dito sa bahay palayasin kami ng dosoras, kung kaming mga kabataan magkakasama pwese pa HAHAHAAH

$ 0.00
2 years ago

ayy hahha nadidinig kami ng mga magulang namin pero mema na lang dahil kumbaga nasasany na sila samin.

$ 0.00
2 years ago

Whahaha, relate ako sah maghugas ng pinggan, syempre ako ang eldest kawawa ang youngest,whahha.

$ 0.00
2 years ago

yung oldest namin dito, sya kasi bread winner kaya ako ang laging utusan,

$ 0.00
2 years ago

Whahaha, kaya pala, pero ok lang yan,

$ 0.00
2 years ago