Happy na Birthday Pa
Petsa: Setyembre 15,2021 Manunulat: Sequoia Isang napakaganda at mapagpalang araw sa inyung lahat mga masusugid kong taga suporta mula noon magpahanggang ngayon. Charot. Bago ko simulan ang artikulong ito, nais ko munang humingi ng paumanhin kung hindi ako naging aktibo dito sa readcash kahapon. Ito ay sa kadahilanang naging abala ako sa munting selebrasyon na aming idinaos sa kaaraawan ng aking minamahal na tiyahin. Nais kong ibahagi sa inyo dito ang mga nangyari kahapon. Maaaring mabagot ka sa artikulong ito kaya't binibigyan kita ng kalayaan na lagpasan na lamang ito. Ngunit, bago ko simulan ang aking pagbabahagi, ipapakilala ko muna ang aking tiyahin sa inyo. ________________________ **Minamahal kong Tiyahin**
Rosalyn Navarro ang kanyang buong pangalan ngunit mas kilala sya sa tawag na nanay. Masasabi kong siya ang nanay ng lahat. Kapatid sya ng aking ina at pinakamatanda sa kanilang anim na magkakapatid. Si nanay ay walang asawa kaya't maituturing na sya ay matandang dalaga. Noong ako ay bata pa, siya ang nag aruga at kumalinga sa akin sapagkat abala ang aking ina sa pagtatrabaho. Siya ang aking kinalakihan at sobrang mahal na mahal niya ako. Si nanay ay mayroong nervous breakdown kaya't may mga panahon na inaatake sya nito at hindi ito maintindihan ng ibang tao. Siya ay pinagtatawanan at sinasabihan ng masasakit na salita ng ibang tao. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay ganoon siya. May mga panahon okay siya at nakakausap mo ng maayos. Kahit ganun ang aking nanay ay lubos ko siyang hinahangaan. Mahal niya kaming lahat at ako ang kanyang pinakapaborito. Hihi. **Selebrasyon ng Kaarawan** *Setyembre 14,1962* Ito ang araw at taon na iniluwal sya sa mundong ibabaw. Simple lamang ang aming ginawang selebrasyon kahapon ngunit sobrang natuwa naman si nanay dito. Nag ambag-ambag kami ng aking pinsan at nakakatandang kapatid para sa mga pagkain. Samantala, ang aking ina naman ang abala sa pagluluto.
Gumawa din kami ng alternative na karaoke upang mas maging kasiya-siya ang araw na yaon. Siyempre, hindi makukumpleto ang handaan kong walang panulak. Bumili ang kami ng isang kahon na beer at sila ay uminom. Hindi naman sila ganun kalasing. Tipsy lamang. ________________________ Maagang natapos ang selebrasyon at mga bandang alas 8 ng gabi ay nakahiga na kaming lahat upang matulog. Ngunit bago kami matulog, kinausap ko muna ang aking nanay at tinanong kong siya ba ay nasiyahan sa aming munting handaan. Sinabi niyang lubos siyang natuwa at hinalikan ako sa pisnge bilang tanda ng pagpapasalamat. ________________________ **Mensahe ng manunulat** Medyo nawewerduhan ako sa aking ginamit na lengguwahe dahil nasanay na ako sa englis. Ganunpaman, ito ay sinadya kong isulat sa wikang Filipino sapagkat naubos na ang aking mga salitang englis at nais ko ding i practice ang paggamit ng ating sariling wika.
56 comments
Happy Birthday π§‘π§‘ nganu bitawng weird kaayo mag tagalog no. Hahaha. Mag conyo nalang hahahah
Lagi gani dzai
Happy birthday sa tita mo, more birthdays to come to her π
Salamat poooo
Uy ang saya ..happy birthday sa nanay mo sis... ang bongga.. is that lato?
Yes sisss. Lato iyan.
Andami sis fave ba ni nanay yan?
Oo sis. Favorite hihi
Happy birthday kaau anteee. Gos bless π₯°β¨
Salamat dang.
Happy Birthday sayo Auntie...patikim nang shrimpππ
Nakooo beb naubos na huhu.
Maligayang kaarawan sa iyong butihing tiyahin, Nawaβy siya ay pagpalain ng Poong Maykapal ng malusog na pangangatawan at mahabang buhay. Sana rin ay naging masaya siya sa inyong munting selebrasyon.πππ
Salamat po sa pagbabasa at greetings.
walang anuman sis:)
Happiest Birthday sa tita mo sis, belated though :) May she always be healthy and happy :)
Thank you pooooo.
I am glad to hear your relation with your aunt and this is so nice, the way you celebrated her birthday to make her feel special. I am sure she would be happy.
I hope so π€
Happy birthday nanay, siguro kung ininvite moko magiging masaya si nanay kase kakain ako haha joke. alam kung proud sayu nanay mo kahit sa simpleng bagay ay nag effort kayu para sakanya. Gobless
Thank youuu sa iyong panahon.
I can't understand this language but felt that it was for your mother's birthday. Right dear? And sorry if I am wrong.
This is for my aunt π€. It's fine π€
Makatawa kos happy na birthday pa. Haha! Siaw gajod ning mga bisaya. Happy birthday kay nanay!
Jud mars. Salaamaat.
Happy na, birthday pa, to her pa! Happy birthday po sa inyong tita. :)
Maraming salamat po.
Maligayang Kaarawan saiyong Tiyahin. Sana ay maging malusog sya parati at magkaroon ng mahaba pa na buhay.
Saalmat din sa iyu.
Happiest birthday to your dearest auntie. I can see the overflowing happiness on her face. May her life will sprinkled with blessings π€
Thank youuuu
Belated happy birthday sa imong tiya sis. Naglaway ko nagtan-aw sa handa.haha Kalami gyud sa shrimp. Makita jud sa nawng sa imong tiya nga lipay kaayu siya.π
Unta jud maam nga nalipay sya hihi
Happiest birthday sa imong nanay mars! May God bless you all with healthy lives β£οΈ Cute kaayo iyang smile π
Gani mars. Gwapa kaau hihi. Salamat
Happy bornday nanay!. πβ€ sana palagi kayong healthy. π
Salamat po. Stay safe po.
Maligayang kaarawan as iyong napaka buting tiyahin. Ika'y napakaswerte sapagkat nagkaroon ka ng pangalawang ina na kumalinga at nag-alaga sayo. Sana'y ipagkaloob ng Poong Maykapal ang masaganang buhay.
Maraming salamat po sa iyong mga salita.
Maligayang Kaarawan sa iyong tiyahin. Kitang kita naman na masaya sya. Nawa'y maraming kaarawan pa ang dumating sa kanya. Kay bubuti nyong pamangkin. Pero wait lang, ano ung katabi nong Pansit? Yong maberde berde kulay?
Lato yan ate. Seaweeds.
Happy birthday sa imo tiya sis..
Happy birthday po sa tita mo!. May mga tao po talagang pagtatawanan at Pag uusapan ka nalang kahit na hindi slam ang buong kuwento. Maligayang kaarawan po muli bakas sa mukha niya ang Saya ng araw na iyan
Oo nga po eh. Mga mapanghusga hihu. Slamat po
Belated Happy Birthday kay Anteβ£οΈBasin naa pay pakals dhaa Hahaha
Salamat danf hahaha. Hurot namn
Belated happy birthday po, nay!
Salamaat po
Happy Birthday sa imong tita beb! π You're so generous to prepare a celebration for her. Ang close niyo lahat. Sana all talaga close sa mga tita sad ay. Sa amo kay dili kaayo.
Salaamat ateee . depende rapud lagi te uy kung naay okasyun hahah.
More comments