Ang Babae sa Puting Karwahe!
Maputla at nagbabalat na labi, magulo at kalat kalat na hibla ng mga buhok na nagkalat sa pisngi. Hindi katangusan ang ilong pero mahalaga nama'y mukhang tao. Matambok nga lang ang pisngi na akala mo'y siopao, panggigilan mo na daw syang yakapin, pero wag mong pipisilin ang kanyang pisngi at baka ika'y tumalsik at mabali ang lamesa. Dalawa, tatlong baba pero mahalaga nga'y mukha ng tao pa rin. Mahilig sa filter para mag mukhang tao, umepekto pero peke pa rin. Pero wag ka't tunay na kaibigan naman yan. Yon nga lang minsan di nya maiiwasan ang mag taas ng kilay, ka'y nipis naman pero ang lakas ng loob na gawin. Ganyan ilarawan ang babaeng baliw sa pagkain at sa salitang "Crush". Ang hilig magka "Crush" ni isa nama'y walang tumumpak, sa lahat sya'y lumigwak. Marami raw pangarap "Kasama na ikaw kwash" pero di nagsusumikap para sana umangat kahit isang ounce. Ang daming gustong abutin, kuhain, angkinin pero sa lahat ng yon isa lang ang kayang tupadin. Bitcoincash sa bulsa - isa yon sa kanyang naangkin. Kay rami raming hiling, unti unti sana'y marating. Simpleng babaeng matakaw sa atensyon ng minamahal, kindatan mo't mamimilipit sa kilig. Pangakuan mong "Susungkitin ang Bituin" at ika'y lalagapak - pagkain lang sapat na iya'y kanyang hiling. Kay rami ng nakilala't naging kaibigan pero ni isa walang tumagal, walang maituturing na "Bestfriend" dahil yong mga itinuring nyang kasanggang dikit, lahat nakahanap na ng kadikit, mga hangal ngayon nawalan sila ng Aling Marikit, si marikit - hindi sya kasing liwanag ni marikit pero sa pisngi nya may nakaukit na ngiti, Hindi yon pilit - papatawanin. Gagawing katatawanan ang iyong problema, huhugot, tatalon, hihingi ng lagay para sa effort magpasaya. O diba, kahit papaano napasaya ka nya. Ganyan ang tingin nya sa mundo, lahat ginagawang biro. Parot sa pagbabago, iboto para sa senado, gaganda ang buhay mo, kukulayan ng itim - pababalikin ka sa black and white theme. Umiikot man ang mundo nya sa apat na sulok ng kwarto nyang madilim, pero hindi dahilan iyon para ika'y di sagipin. Hindi tatawid sa pitong bundok, hindi magpapakalunod sa dagat dahil baka una pa syang tangayin, ng anghel na may Black Wings, teka teka ang Black Ripper ba'y may pakpak? Walang buwis buhay na magaganap pero marami namang pweding maging solusyon, hindi lang yang pagpapatiwakal na daan. Hihilahin ka palabas at sabay na susuong sa panganib, mabuhay o mamatay, mahalaga'y importants. Ang isiping may karamay sa lahat ng bagay, hindi ba't yon ang mas mahalaga? Hindi susukuan, bagkus sabay na lalaban. Para lang yang bacteria - antibiotics lang ang katapat. Kung madaming bacteria ee di masohin. Yan si Parot, mabait, matulungin (kuno) tatakbo para sa pagbabago - tatakbo palapit SAYO at "babaguhin mo ang surname ko, idudugtong mo yang sayo. Yan ang malupet na pagbabagong hinahangad ko! Para sa future ko, hindi para sa future ng maraming tao kasi sakim ako." Hindi naman masamang maging sakim paminsan minsan, pero kung ikaw ang ipagdadamot - "gagawa pa ng trap para lahat ng magtatangkang umagaw sayo, mahuhulog sa patibong ko hanggang ako nalang ang matira sa mundo mo." Kung saan saan na napunta ang usapan, ibalik natin sa seryoso. May nabasa ako kahapon, artikulo ng isang user. Nag Pop-up sa messenger, ang ibig kong sabihi'y sa Notification at pinamagatang "Ano nga ba ang aking talento." Isinulat ng cute na kabute na may pangalang @carisdaneym2. Isa syang magiting na kabute na katulad ng kabute'y - alam mo na ang ibig sabihin ng kabute kaya deretso na tayo. Napatanong din ako sa sarili ko, "Ano nga ba ang aking talento!" Hindi ako magaling sa argumento kaya ito ang unang unang aalisin sa listahan. Ang tingin ko sa "Debate" ay pag aaway na pag nagkapikuna'y magbabatuhan ng kutsilyo, kaya umiwas tayo kung ayaw nyong madali ng espada na may tatak na ahas. https://read.cash/@carisdaneym2/ano-nga-ba-ang-aking-talento-f2bb7bc8 Sinubok ko ang Potograpiya - kumuha ng litrato ng aso, kawali, atis, puno at pusa. Ayos ang anggulo pero hindi pa perpekto. Masasabi mong walang karanasan at pwd mong bansagang "Baguhan." Tumuwad, tumingala at nagmukhang ulaga - para sa Potograpiya gagawin ang lahat para sa isang kuha na di man perpekto'y maaapreciate naman ng bente katao. At tulad ng aking komento sa artikulo ng kyuti na kabute - may isang talento na hinangad kong meron ako. Pagguhit, kung saan lahat ng nararamadaman mo'y maaari mong ibuhos. Ang sakit at pighati gagawing desinyo - bubuo ng larawan, walang deriksyong guhit pero para sa lumikha yon ang ilang bahagi ng kanilang nalulumbay na puso. Nasaktan at nagluksa - ipininta lahat at nakabuo ng isang likha - Abstract. Magulo, iba iba ang kulay pero sa magulong kulay na iyon, nakatago ang awts, pain, lumbay, poot, pighati at dusa. May kunting saya't ligaya pero lamang ang kalungkutan dahil sa pag-iisa. Sa imahinasyon ko'y isa akong magaling na mangguguhit, kung mamarapati'y pipintahan ko ang mundo ng lahat - gagawing makulay kung saan nagkalat ang mabangong sampagita. At dadalhin ng simoy ng hangin ang bango patungo sa mga pusong pinaghaharian ng dusa. Maganda ang hangad pero hindi nabiyayaan, subalit, datapwat, magkaganonpaman! Maaari ko naman kayong kantahan, ang konsyertong naganap hindi na halos mabilang - tabo, timba, tuwalya ang nagsilbing manonood. Pinalapakan, sinipulan, iyong giliw hinangaan. Pero lahat ng itong kathang isip lamang dahil sa ako'y may boses na di pinagpala. Dinaig pa ang palakang inipit na nagpipilit kumawala. Alam kong hindi ako maaaring maging manganganta. Sa takot ko sa tao, baka malugi ang kompanya, sermunan pa ako ng di mabilang na salita. Kung sana'y pinursigi ko ang pagpupulis, malamang ako'y naging hero na pero di ako sisigaw ng "Ding ang Bato!" kundi "Taas Kamay, napapalibutan kana namin Hulyo!" At tulad ng sabi ko, hindi ko alam ang talento ko. Nabuhay lang ba ako sa mundo para pasayahin ang ibang tao, o baka lang di ko pa nadidiskubre dahil naka focus ako sayo? Pero kahit ano paman yan. Hindi naman mahalaga kung ika'y talentadong Pinoy o hindi, basta masipag ka, may pangarap sa buhay maliban sa kanya at may pagpupursigi na makamit ang gusto - keri na yon. Tataas at tataas ka pa rin basta ba hindi iikot ang mundo mo sa Pera. Sungkitin, trabahuin ibigay ang buong lakas - napagod ka man sa simula pero sa huli, makakamit mo ang tunay na ligaya. Walang daya yun, kasi tinrabaho mo, nag effort ka, binigay ang best kaya ngayon damhin mo ang tamis ng tagumpay. Mabuhay ka Bonifacio!!! "Karwaheng puti, pinapatakbo ng maliliit na aso, pero wag'kat mga lobo. Isang babaeng mahimbing ang pagkaka himlay, may ngiti sa labi. Animo'y pinapalibutan ng sari saring hayop - pinapasaya at sinasayawan. Kapayapaa'y nakaguhit sa mukha - marahil ay nananaginip yan." Ganitong obra ang pangarap kong iguhit sa mukha ng lahat. Walang mababakas na problema purong saya lamang, kung sana'y isa akong mangguguhit. Kaya ngiti ka kaibigan, at hinihiling ko ang iyong kapayapaan. Kalimutan ang lahat, ika'y magsaya lamang. Kahit sa panaginip naranasan mong maligayahan. Nawa'y sa paggising mo, dala mo yan hanggang sa maalipungatan. Laban lang kaibigan! ๐ -- **Lead Image Address** https://pixabay.com/photos/woman-girl-freedom-happy-sun-591576/ Recent Article https://read.cash/@Ruffa/for-the-love-of-her-child-259bb8a4#recent-article **Newly Added Assets in Juungle.net with the help of Bitcoincash** https://read.cash/@Ruffa/my-newly-added-assets-in-juunglenet-with-the-help-of-bitcoincash-bf903956 **Young Love, You Only Love Once?** https://read.cash/@Ruffa/young-love-you-only-love-once-968224a0 **Second Most Important Thing in my Life** https://read.cash/@Ruffa/second-most-important-thing-in-my-life-41e5285b Read these to Start inย Club1BCH https://read.cash/@Ruffa/memories-with-mama-and-aaron-2ea8bbe8#read-this-to-start-in-club1bch **โก๏ธ****Club1BCH - The Genesis** https://read.cash/@PVMihalache/club1bch-the-genesis-dbb27252 **โก๏ธ****Club 1BCH ๐ฑ** https://read.cash/@Eybyoung/club-1bch-df96508b **โก๏ธ****What Is #Club1BCH?** https://read.cash/@bmjc98/what-is-club1bch-914bdccd **โก๏ธ****Club1BCH is Up!** https://read.cash/@Eybyoung/club1bch-is-up-fbf69cde July 03, 2021 --
68 comments
Ahhhh i really admire how you write article making ur readers smile and laugh pero at the same time may natutunan๐โค๏ธโค๏ธ๐โค๏ธโค๏ธ
Ahahaha thanks chachan, this is just about the bees, the flowers and trees ๐
..yung hinanap ko talaga yung "Kwash' pero di ko makita ๐๐ nice sis, try ko nga din tagalog mas madali magsulat pag sa sariling wika ๐
Meron jang isa, ung dalawa kasi binago ko wahaha
Ang masasabi ko lang, magawa mong patawanin ang maraming tao ay masasabi ng talento. Isa ka sa hinahangan ko dito sa online na mundo. Wala akong masabi, gusto kong bigyan ka ng isang yakap sa oras na ito. Nawa'y makuha mo ang apelyido na kwash mo at maitugon sa pangalan mo.
Ahahahahaha, salamat naman kung ganon ๐. Sino kaya sa kanila ang nanakawan ko ng apelyedo ahaha
Wahahaha. Marami yata sila aa ๐
Marami nga hanep, ang hirao mag decide ahaha
Idugtong mo lahat HAHAHA
Tried to read it by copy pasting it in Google translator... Got a Messed up translation ๐ Is it about "woman empowerment" ?
Oh, sorry about that. No, it's just about me and if I have some talent ๐
Oh'kay
Ang galing.. Naoamangha ako sa talento mo.. Talento sa pagsulat ng tagalog na artikulo.. Di ko akalaing may nakatago ka palang dugong makata.. .. Baka nga yan ang tunay mong talento.. Ang magpasayang ibang tao.. Amazing Parot
Hahahaha, lahat naman madam ee magaling sa ganito ๐, pero ay talent nga pala ako nalimutan ko ilagay, talent ko ang kumain wahaha
Lahat tyo may talent na ganyan ๐คฃ๐คฃ
Ang Iyong pagkakasulat ay sobrang kahanga hanga, aking nagustuhan at ako'y napasaya ng iyong Artikulo . Ika'y aking iboboto para maging makulay ang madilim kong mundo๐ ang galing mo po bumigkas ng wikang filipino .
Ahahahaha, sigi makata - aasahan ko ang iyong pag boto ๐. Para sa pagbabago, isulong amg kulturang pinoy ๐ช๐
Asahan mo dahil aking tutuparin haha๐ pag asang Senado para sa kultura ng filipino, Pinoy lang sakalam hahaha.
Ay wag ng tumakbo sa senado bka c lubz mo pay maagaw ng ibng tao๐คฃ.. etong babae sa karwahe na hinihila ng maliliit na lobo na nagsabing walng talento pro pag nagseryoso, sa gilid ikay tumakbo dhil sa kanyang limbag ikay mapapabow-wow๐
Wahahaha, okay lang bahala na sya sa buhay nya, ee di humanao ng panibago ๐ป๐. Whaahaha enebe keshe medem โบ๏ธ๐๐๐๐
lah HAHAAHAH ang galing. nagrarhyme syaaaa AHAHAH nakakatuwang basahinnn parang yung mga nagbabasa sa entablado
Ahahahaha, salamat ๐คง๐. Nirhyme ko nga, ang ano kasi basahin pag tugma tugma ๐๐
Yan si Parot, mabait, matulungin (kuno) tatakbo para sa pagbabago - tatakbo palapit SAYO at "babaguhin mo ang surname ko, idudugtong mo yang sayo. Yan ang malupet na pagbabagong hinahangad ko Gusto ko to! ๐ ๐ ๐ ๐ base sa aking nabasa, ikaw ay talentadong pinoy ngunit di sigurado sa sarili ๐ peaceyow. You're talented sis. Especially sa pphotography and making short story with not happy ending ๐๐ ๐
Wahahaha, ayt yong huhugot ๐. Pwd ng banatan si kwash wahahaha. Di nga ako sure sis, nakagawa nga lang ako ng story nong nasaktan ako wahaha. Pero ngayong happy na wala na ako masulat ahahaha
Ang iyong artikulo ay npakasayang basahin d ka bibitiw dahil sa aabangan mo ang mga susunod na ganap.. dahil dyan masasabi ko na may talento ka sa pagsulat. Salamat sa pagpapasaya mula sa iyong munting artikulo
Ahahaha, ang isang milyong salamat sa pagbasa at pag dalaw ๐คง๐๐
Hahahaha di ko ma gets bakit babae sa puting karwahe ๐คฃ dami kung tawa.
Wahahaha walang ngang connect title ko sa artikol wag mo na hanapin ang connection nga ๐๐. Pero wait, si BCH wari koy tumataas ๐คฉ
Hahahha hinahanap ko nga saan banda yung puting karwahe ๐คฃ oo nga haha bukas mag sell ako parang maganda takbo hahaha mag up pa yan bukas.
Wahshaha, pati nga LI ee wahaha
Ang masasabi ko lang ay isa ka sa mga totoong tao na nakilala ko. Maging ang pagkakasulat mo ng iyong artikulo ay nagpapatotoo dito. Masasabi kong tunay nga na ang iyong talento ay ang magpasaya ng ibang tao. Maraming salamat sa iyong artikulo, maraming salamat sa mga salita mo, tunay nga na ngiti sa aming mga labi ang palaging bunga nito.
Pagbati, Binibining Marikit ๐ป. Salamat sa mga salitang may papuri, ako nama'y naliligayahan dahil sa kind words na iyan. At ikinagagalak kong iyong nagustuhan ang akinh artikulo ๐ป
Ikinagagalak ko na ikaw ay naligayahan, gaya nalang ng pagbibigay mo din sa amin nito.
Isang kakaibang artikulo na naman ang aking nabasa at namangha, taong mahilig kumain at ayun nga daming kwash kulang nalang kumanta ng pash pash na parang boses palaka na iyong iminungkahi hahaha, sikaping hanapin ang talento dahil mayroong tinatago na di pa nailalabas. Akoy natuwa dahil ito ay nakakaaliw basahin at malaman ang iyong buhay kahit na ikay puro kalokohan!
Wahahaha, yo' Patty kun. How's Levi? Tumaas na baga? Wahahaha. Salamat sa iyong pag dalaw kaibigan. Nawa'y napasaya ka ng artikulo kong walang kabuluhan. Nanggaling pa sa kasulok sulokang bahagi ng amygdala ko iyan, kaya hiling ko'y Popcorn lang ๐๐๐
At tulad ng sabi ko, hindi ko alam ang talento ko. Nabuhay lang ba ako sa mundo para pasayahin ang ibang tao, = I must say it takes talent to make other people laugh... that's your talent then..
Teheee, kaya madam?
Ang galing mo sa tagalong bes, hindi ko kinaya. Isa sa pinakamahirap isulat ang mga sanaysay sa Filipino. Ipagpatuloy mo lang ito binibini.
Hahahaha, magaling my ass ๐ chorrrr wahahaha pero thank youuuu ๐ญ. Sana napasaya ko kayo ng gahintuturo teheee
Parang nahilo ako magbasa ng buong artikulo na nakasulat sa Filipino. Damdamin ko ay napukaw, mga mata ko'y naligaw. Yun lamang, baw.
Paumanhin Kudo, hayaan mong ihayag ko ang aking tugon. Hindi ko intensyong ika'y hiluhin, ang tanging hangad ko'y kayo'y pasayahin. Subalit, hindi ko ata nailahad ng tama ang aking artikulo, kaya akoy humihingi ng paumanhin.
ang aking komento'y iyo nawang palipasin, at tila yatang hindi ko naihayag yaring saloobin. Ang iyong katha ay tunay ngang kagiliw giliw. Ang pagkukulang at ang kamalian ay nasa aking panig, subalit ako'y hindi sanay at mulat sa ganitong lathain. Ika'y walang dapat ipaumanhin, sapagkat itong lathala ay siya nga namang nagpamalas ng iyong angking galing. :D
Hahaha ako lang ba yung binabasa tu na pina spoken poetry yung tunog? Hahaha nakakaaliw na artikulo, nais kung ipagpatuloy mo to. Mahusay at napakagaling, sana ay kanya ka ng lambingin ๐คฃ
Ahahahaha, ganyan ko din sya ginawa ee kaya ni rhyme ko na wahahaha. Salamat binibinin at nag enjoy ka. Iyan lang naman ang hangad ng artikulong ito. Ang pasahin ang mga sawi, sa pag-ibig na di nagwagi. Brahahaha
I cannot see the connection of the title and the content but I was laughing while reading this one hahaha mdjo kakaiba ka rin po talaga :)
Natatawa ako dito sa part na >"Parot sa pagbabago, iboto para sa senado, gaganda ang buhay mo, kukulayan ng itim" Lol Hahahahaha ๐ Why naman ganon akala ko story talaga siya eh, kaya binibini ako ay iyong nabihag sa iyong kakaibang talento. Ang magsulat ng isang magandang artikolo -Artikolo na hindi lahat ng pamagat ay may kaugnayan sa bahagi. ๐ฅฒ๐
At hindi nawala ang ngiti sa aking labi sa buong pahina nang aking pagbabasa. Sumakit ang panga sa kakangiti na parang nabaliw pa nga.(wala talaga akong talent maging makata baby gerl..lol!) "hihingi ng lagay para sa effort magpasaya." ano to hahaha baliw ka talaga..at wag ka may mga kaibigan ka kahit hindi sa pisikal..andito lang naman kami plagi di nawala..ituring mo naman kaming malapit na kaibigan oi.. God Bless! wabyu!
Grabe wait first 2 paragraph pa lang ako mars, at ayon masakit na ang aking jaw ahhaha ๐คฃ Laban! You really are amusing:) tapos hindi mo pa alam ang talent mo niyaaan ayan na yun girl. :) you can make a lonely girl smile :)
Ahahahahahahaha, omooo ๐๐ฅง๐ฎ๐. Hindi ko nga alam, meron nga baga? Wahahaha
Hahaha the thing is we rely on others talent, kaya nagfefail tayo na makita yung talent natin :) Versatile ka at yun yung talent mo :)
More comments