Ano nga ba ang aking talento?

Avatar for carisdaneym2
3 years ago

Ngayong gabi ay naisipan kong magtipa at ibahagi ang aking saloobin sa pamamagitan ng aming pambansang lenguwahe na Wikang Filipino. Marahil karamihan sa inyo ay maninibago ngunit nais ko lang ipabatid na akin pa ring tinatangkilik ang sariling atin.

Ayon sa aking pamagat ay ilalahad ko kung ano nga ba ang aking talento. Minarapat kong gumamit ng salitang ito upang mas madali kong maipaliliwanag kung ano talaga ang nararamdaman ko at kung ano ang nais sabihin ng puso ko.

Ano nga ba aking talento?

Bata pa lamang ako noong ako ay namulat sa mga gawaing bahay, kami ay inaasahan na matuto bago makapag tapos sa ika-anim na baitang. Pinaka paborito ko ang pagluluto at natutuwa ako kapag may mga bagong putahe akong natutunan at mas ikinagagalak ito ng puso ko sa tuwing ang aking pamilya ay labis ang papuri rito.

Hindi nagtagal ay mas minahal ko ito at minsang pinangarap na ako'y maging isang mahusay na tagapagluto, makapagtayo ng sarili kong restawrant upang makaahon sa kahirapan. Ngunit may mga pag kakataon na hindi sumasang-ayon ang panahon na tila ba pilit na sinasabi na hindi ito ang para sa akin.

Lumipas ang mga ilang taon nang kinailangan kong mag aral sa bayan sapagkat sa aming barangay ay walang sekondaryang paaralan. Dito ako mas nahubog pa at mas dumarami ang aking nakahalubilo. Nag-aral ako sa isang pampublikong paaralan ngunit napakalawak nito, ang bawat baitang ay mayroong dalawanpu na silid aralan. May mga silid na para sa mga sadyang mahuhusay na kung tawagin namin ay "Science section" kung nais mo na mapabilang sa kanila ay kakailangin mong kumuha ng pagsusulit at siguraduhin na mataas ang iyong grado, sila ang mga estudyanteng tinitingala at sa tuwing may mga patimpalak sa patalasan ng utak, paniguradong nasa kanila ang huling halakhak.

Mayroon ding silid na inilaan para sa mga mag aaral na may angking galing sa paglikha ng arts, kadalasan sa silid na ito ay nandirito ang mga mag aaral na mahusay sa pag-awit, pag-sayaw, pagpinta, pagkuha ng mga larawan at iba pa.

Sa silid aralan na aking nabanggit ay hindi ako kabilang, isa lamang akong normal na mag-aaral at hilig ko ang magbasa ng mga bagay na kabuluhan patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay.

Kung aking aalamin kung ano nga ba aking talento, balikan atin ang mga sinabi ko. Sa pag-awit ay marunong ako, hindi naman ako sintunado kahit papaano ngunit likas naman sa mga pilipino ang ganito kaya hindi ko rin masasabi na ito ay aking talento. Mahilig ako makinig sa musika at pangarap ko ang tumugtog ng gitara kasama ka.

Sa pagsayaw ay nakakasunod naman ang mga paa ko pero kung sa husay masasabi kong isa lang akong normal na tao na kayang iikot ng tama ang baywang ko. Hindi ko hilig ang pagsayaw, mas gugustuhin ko pang matulog na lamang kaysa balii angkatawan ko.

Marunong din ako magtahi ng sarili kong damit ngunit dahil sensitibo ang kamay ko, nahihirapan ako sa tuwing matutusok ng karayom ay sumusuko na ako.

Ang pag guhit at pag pinta ng mga larawan ay isa sa mga hinangaan ko at pinangarap na sana ay nabibiyayaan ako ng kamay na kung ano ang taglay na meron sila, ngunit sadyang pinagkait sakin ang ganitong talento. Sumubok ako ngunit sa huli ay umiyak lamang ako.

Minahal ko ang mga papel na laging aking nahahawakan, dahil sa pagbabasa ng mga libro, isulat ang kwento ng buhay ko ang isa sa mga naging libangan ko. Sa mga papel at aking imahinasyon ay nakagagawa ako ng mga bulaklak gamit ito. Hindi ko maipaliwanag ngunit ang mga bulaklak ay parang nagsisilbing katulad ko, may mga panahon na nakatiklop ito pero alam ko na darating ang araw na ito ay mamumukadkad ng napakandanda at napakaaliwalas sa mata.

Ang dami kong gustong sabihin ngunit sa tuwing ako ay masisimula ay tila naputol na ang aking dila. Dinadaan na lamang ito sa mga salita, mga hinaing na gustong ilathala dahil sa sarili ay walang tiwala.

Sa huli ay naisip ko ang buhay ay isang napakahalaga, may mga bagay na gusto nating makamit ngunit tila ito ay ipinagkakait sa atin ng tadhana. Kung magsisikap ay makakamit mo rin ito, sabi nga sa librong nabasa ko, palaging may nakalaang daan sayo patungo sa kung ano talaga ang gusto mo. Sa pamamagitan ng dedikasyon ay masasabi kong darating din ang araw na makakamit mo ang ninanais mo. Sa ngayon ay magtiwala ka sana muna sa proseso, huwag mong mamdaliin at paniguradong ikaw ay madadapa. Ngunit sa pagdapa ay alam kong makakangonka rin hanggang marating ang dulo ng daan kung saan ang pangarap mo kumakaway sayo.

Gusto kong sabihin na sana ay huwag mong pagkumparahin ang mga nakamit ng iba sa kung ano ang meron ka, bagkus gawin itong inspirasyon upang mas umunlad ka pa. Maging kontento sa meron ka at magpasalamat sa mga bagay na meron ka ngunit wala sa iba.

Lahat tayo ay naiiba, may kanya-kanyang husay at karisma. May kani-kaniyang buhay na dapat ay iniingtan at pinahahalagahan dahil ang tulad mo ay walang katumbas na halaga, katangi - tangi ka, kagaya ng isang bulaklak na mamumukadkad pa.

Sa tingin ko, hindi ko pa rin alam kung ano ang talento na mayroon ako, isa akong pilosopo ngunit disiplinadong tao.

Sa tingin ko ay napahabana rin ang kwento ko. Sana ay nagustuhan mo ang mensahe ko para sayo. Tatapusin kona ito rito.

Liham mula sa manunulat:

Salamat sa pagbabasa, nais ko ay sana napangiti kita!

Ipagpaumanhin kung ito man ay maraming pagkakamali sapagkat ang aking mata ay pumipikit na rin talaga.

Itong aking artikulo sa bilang na #69

July 02, 2021

Want to be connected with my nonsense life?

You can always find me at:


19
$ 20.52
$ 19.60 from @TheRandomRewarder
$ 0.30 from @immaryandmerry
$ 0.20 from @Ruffa
+ 9
Sponsors of carisdaneym2
empty
empty
empty
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Nakakatuwa ang pagtatagalog mo. Ako, alam ko ang talento ko pero hindi ko ito masyadong naipapakita dahil hindi aakp kampante sa aking sarili. Maraming tao ang nagsabi na magaling akong sumayaw pero dahil sa mga insekyuridad ko sa aking sarili, hindi ko nalinang ang aking talento. Kaya nagsisisi ako ngayon sa panahon na nasayang ko.

$ 0.05
3 years ago

salamat po sa pagbabasa! darating po yung time na maillabas niyo ang talentong iyan at kapag dumating ang araw na iyon, maaari po ba akong mag paturo?

$ 0.00
3 years ago

Parang wala na po yatang panahon para dyan. May anak na kasi ako kaya malabo nang maipagpatuloy ko ang pagsasayaw.😁

Salamat po pala sa upvote.😊

$ 0.00
3 years ago

No doubt you made me smile, and inspired me in a way, because with this publication, we must understand that we are full of skills, qualities that perhaps today make us doubt what we know, but if we do what you say: Work hard, we will understand and know what we are made of, everything in life deserves the effort, your talents are in plain sight, you turn the simple into something wonderful, your words are a work of art because they are easy to understand, to analyze and in a few words you leave great teaching and believe me not everyone has that talent or ability, my respects.

And I know that you will continue to discover new talents, do not let anything or anyone deprive you of them, greetings.

$ 0.10
3 years ago

Hey, I really appreciate your effort to translate my work so that you can understand it. Thank you so much!

$ 0.00
3 years ago

Ang lalim ng tagalog, nanibago tuloy ako don sa "Want to be connected..."

$ 0.00
3 years ago

Ako din eh🤣😆🙈😹

$ 0.00
3 years ago

Ahahaha, may kasama pa ring hugot Carismatic ahahaha.

Mahusay Carismatic, pulido at malinis ang pagkaka gawa ngunit dahil ika'y pikit na nong tumitipa, palalamapasin natin iyang ano. Charowt ahahaha

Ako? Ni hindi ko nga gaanong kilala ang sarili ko kaya pati talento hindi ko alam kung meron ako. Katulad mo'y may kagustuhan rin akong hiniling kong sana'y meron din ako. Katulad na lang sa pagguhit. Labis akong humahanga sa mga taong may ganitong talento, pilitin ko mang maging isang magguguhit ay hindi ko kaya, kahit anong pursigi ko alam ko hindi ako pinanganak para sa talentong ito. Pero alam ko ring ako'y nandito sa mundo para paligayahin ang katadhana ko. Maaga pa naman, marami pa akong panahon para diskubrehin ang kung anumang talentong meron ako. Kung meron nga'y ee di maganda, pag wala nama'y hindi ako magwawala syempre - pero hihilingin ko nalang na maging isang kulangot ako. Para kahit bilog bilugin ako ng kung sino mang tao sa daliri nila. At least maraming nag pursiging sungkitin ako!

$ 0.10
3 years ago

Sa haba ng sinabi mo, masasabi ko lang na sana all kulango🤧🤧🤣

$ 0.00
3 years ago

Wahahahahaya, at least sinusungkit 😎

$ 0.00
3 years ago

Mahilig ako makinig sa musika at pangarap ko ang tumugtog ng gitara kasama ka.

smooth!

maraming salamat sa artikulo na ito. tunay nga na napangiti ako. tama nga naman, may kanya kanya tayong talento at angking karisma. hindi natin kailangang ikumpara ang sarili natin sa iba, bagkus ang dapat nating gawin ay gamitin sila bilang inspirasyon upang tayo ay umunlad pa.

tayo ay parang ibat ibang uri ng mga bulaklak. may kanya kanyang ganda at may kani-kaniyang panahon din kung kailan sisibol.

$ 0.05
3 years ago

Nais ko lang sabihin ang aking mga saloobin, salamat sa pagbabasa at masasabi ko na isa ka mga bulaklak na nahbibigay ligaya sa aking mga mata🤣🤣🤣🤣😆😆😆😆

Naliga na lines ko hahaha basta rhyme🤣🤧

$ 0.00
3 years ago

sana all nakakapagbigay ligaya haha

$ 0.00
3 years ago

Galing namn magsulat sa tagalog... Salamat sa artikulo na ito na nagbahagi ng parte ng iyong buhay. 😊

$ 0.05
3 years ago

Salamaaa po :)

$ 0.00
3 years ago

Ang galing mong magsulat. Ang dami mong naibahagi na mga advice na makakatulong sa ating buhay. Mukhang ang dami mo nang napagdaanan.

$ 0.05
3 years ago

Salamat sa pagbabasa! Nakatutuwa na ang daming magandang pagtugon sa aking ulat☺

$ 0.00
3 years ago

Ang galing mo kaya. Di ako masyado magaling sa Filipino kaya good job sa kagaya mo :)

$ 0.00
3 years ago

Hindi rin ako magaling, trying hard lang🤣

$ 0.00
3 years ago

Hindi ko rin alam ano ang aking tunay na talento 🤣

$ 0.05
3 years ago

Hahaha sa dami ng inyong talento ay hindi na kayo makapili haha.

$ 0.00
3 years ago

Wala kc pagpipilian 🤣

$ 0.00
3 years ago

Isa po kayong magaling na manunulat! Kayo po ang isa sa aking naging inspirasyon para subukin ang aking sarili na maglathala rin at magbahagi ng mga artikulo. Patuloy ko po kayong susuportahan kahit sa simpleng paraan lamang.

$ 0.05
3 years ago

Maraming salamat sa suporta! ☺💚

$ 0.00
3 years ago

Napakagaling! Nakakahanga! Mahusay! Sadyang biniyayaan ka nga ng talento sa pagsusulat. Natatangi ka sa lahat at salamat dahil iyong napagdesisyunan na ibahagi ang talentong ito sa amin. Tunay ngang iba-iba ang ating angking mga kakayahan at hindi dapat natin ikompara ang ating sarili sa bawat isa.

$ 0.05
3 years ago

Ako'y natutuwa sapagkat nang gamitin ko ang sariling salita ay kayo ay aking naanyaya☺

$ 0.00
3 years ago

Sobrang galing kasi.

$ 0.00
3 years ago

Tingin ko ay mahusay din kayo sa pag gawa ng tula. Kapansin pansin po kase sa gawa nyo. Tama kayo na lahat tayo ay mayroong pagkakaiba huwag mainggit sa iba at magpasalamat sa kung anong mayroon ka. Marami pang oras para alamin kung ano talaga ang ating talento darating ang tamang panahon na lalabas din ito. Napahanga po ako sa galing nyo sa ibat ibang bagay :)

$ 0.00
3 years ago

Siguro ako hmmm di ko alam ang aking talento dahil hindi ako marunong sumayaw hindi ako marunong kumanta . Hindi ako mahilig sa sports noon pero mahilig ako sa music haha pero marunong naman ako pag dating sa baking 😊 tama Cutie huwag natin ikumpara ang sarili natin sa iba. Makuntento kung anong meron tayo ngayon .

$ 0.05
3 years ago

Napakahusay mo kaibigan, ngunit katulad mo hindi ko din alam ang aking talento, hehe siguro sa pagdating ng panahon matutuklasan ko din ito pero sa ngayon hayaan muna nating nakatago....hidden talent nga daw...hahaha

$ 0.05
3 years ago

Yung hidden talent talaga iyon eh🤣

$ 0.00
3 years ago

Multi-gifted! Magandang pagkakalathala at magandang pagpapaalala sa wag pag kumpara sa iba ^_^ nakakalibang!

$ 0.05
3 years ago

Salamat at nagustuhan mo ang aking ulat, nakaka taba na puso ang iyong sinabi :) 💚

$ 0.00
3 years ago