Get some air now and let your edge out
9:10 PM - May 17, 2022 Tuesday
Lumalalim na ang gabi
Bumibigat na ang talukap ng mga mata
Gusto ng magpahinga
Ngunit di pa rin mapigil tumipa
Sa patuloy na pagbalot ng kadiliman
Mga isipi'y hindi maiwasang sumakop sa isipan
Isa lang ang pilit sumasalit
At yon ay ang buhay na may kasayahan
Iniisip na bakit walang kulay ang sariling buhay
Iniisip, bakit sa iba'y puno ng buhay
Hindi maiwasang mainggit, hindi maiwasang mag-isip
Bakit kahit gustuhin ay parang di pa rin makakamit?
Uhaw pero hindi magawang gumalaw
Gusto daw ng pagbabago pero bakit hindi magawang simulan?
Nag hahanap ng makulay na buhay pero hindi ginagawan ng paraan
Naghihintay ata ng resulta, kahit wala namang ginagawang hakbang
Gutom sa karanasan, nag uumalpas ang damdamin
Gustong pumalaot sa magulong mundo at ng matikman ang dinadalangin
Pilit na sinisingit na sapat na kung anong mayroon
Ngunit ang kagustuhan na kumawala ay mukhang mahirap ng pigilin
Nag iisip kung ano bang dapat gawin
Gustuhin ma'y takot kung mayroon bang mararating
Insekyuridad isa lang sa isipin
Pano pa kaya kapag nasabak na sa mundong gustong marating
Pilit tinatanim sa isipan na sapat na ang lahat
Kakuntentuhan nalang ang kulang malamang maaalis lahat
Ngunit hindi ganon kadali, lalo at uhaw na sa bagong karanasan
Kung hindi lang sa takot, malamang ay nakatawid na at naipag sapalaran
Ni hindi pa nga nasusubukan, pero umaatras na sa laban
Hindi ba at maigi ng subukan muna bago ito sukuan?
Ngunit bakit kahit anong piit mo sa isipa'y hindi pa rin magawang humakbang?
Gusto ko ba talaga to o nagdadahilan nalang?
Minsan ng naranasan kaya naisip na bakit di muling subukan
Maaaring ang oras na ito ang syang oras na para muling subukan
Makikipag sapalaran at baka sakali ng palarin
Ngunit bakit tuwing susubukang humakbang, parang pinipigilan?
Isang hakbang nalang at maaabot na ng kamay
Maganda at panibagong buhay, maaaring syang nag hihintay
Ngunit kung kelang isang hakbang nalang
Saka pa'y lakas ng loob ay bumubuway
Kagustuhan laban sa takot, Alin ang mas matimbang?
Hindi ko na rin alam, isip ko rin ay syang naguguluhan
Hindi na alam sa sarili kung dapat pabang makipag sapalaran
Bakit pa tutuloy, kung sa huli'y ititigil din lang?
Tulong! Tulong ang aking kailangan
Baka doon, lakas ng loob ay di na masubukan
Baka lang naman, mas gustuhin nalang na maranasan
Yong hindi na aatras at kakasa nalang sa laban
Posible kaya?
O baka sakupin na naman ng takot ang puso at maisipan na namang umatras sa laban
Bakit kay hirap mo kasing masungkit?
Kalayaan na di naman pinagkakait, pero kung umasta'y kala mo'y pinagkakait
Im about to sleep but then suddenly some thought just appear in my head and I feel like being emotional. I already put my phone to sleep and put it on my durabox but after 5 minutes lying in my bed I cant still sleep. Maybe because I am thinking that it is still early. Like I go to bed at 8:47 PM and just about to sleep. I don't know, this thought just suddenly appear inn my head it is just about life and the life that I really want.
But in the end, I can't still decide if what kind of life do I really want. Even I - don't know what I want. I want to try this and that but I'm not doing things to change something in my life. It's like someone is stopping me but I think is is just me whos stopping my own self. Screw this damn excuses! Tsk. I am just making excuses coz of this fudging insecurities. Why this have to be the obstacles of my growth no? Or should I change my brain so that I won't be affected anymore?
But anyways, I finish writing this at 950 PM and it's like I type this for 40 minutes I also go to bed at that time and let myself in - in the dreamland.
May 18, 2022
--
Minsan tlga sis nkkpg isip lalo na kung maraming iniisip na pwedeng gawin at paano sisimulan ang mga bgay na gustong gawin