* SATURDAY MORNING VIBES *
Laba muna. At eto magtutupi ng sinampay. Hahahaha! Grabe, ilang araw din sa sampayan ito. Hehe! Minsan kasi tlaga walang time para maggawa dito sa bahay. Lagi kasi kami nasa tindahan. Almost lahat ng time nacoconsume sa tindahan. Minsan naman kapag di gaano nagmamadali, ipinapahinga. Kasi sobrang nakakapagod. Ngayon maaga tlaga ako gumising para makapaglaba ng ilang damit. Kasi mamaya uuwi naman ng bulacan dahil fathers day bukas. Nakakapagod pero wala magagawa, ganito tlaga ang buhay. Hahaha! Osya, gawa muna ng mga gawain. Baka tamarin pa mamaya e. Hahaha! Ingats po
* LEGO CP STAND *
At dahil wala na yung mga cellphone stand namin, dahil nasira na lahat. Eto at gumawa nalang ako gamit ang mga Lego ng bebe ko. Hahahaha! Minsan kailangan mo lang tlaga ng konting creavity para maging kapaki-pakinabang ang mga bagay sa paligid mo. Hehe! Patungan lang naman kaya pwede na yan. Buti nga at kinaya ng lego. Mejo may kabigatan kasi yung cellphone e. Tsaka kaya ako gumawa nito ay kakain din kasi kami. Wala kami maayos na dining table kaya hawak kamay nalang ang plato pag kakain. Hahaha! Sharelangs!
* WATCHING AGAIN - VIRAL SCANDAL EP 92 *
Dahil wala pa masyadong gawain kaya manonood muna ako ng Viral Scandal sa IwantTFC. Hehehe! Libre naman manood, meron nga lang ads. Tsaka hirap inavigate pero pde nadin. Hahahaha! Nakakapanabik na kasi ang mga eksena. Pati na nakakakilig din. Hehehe! Yung simpleng tinginan lang e nakakakilig na. Pogi kasi ni Joshua at Jameson. Nyahahaha! Bagay sila sa mga roles nla. Hindi ako napopogian kay Jameson dati pero dito ang pogi nya. Bagay sakanya ang role nya. Osya magshare ako mamya ng mga spoilers. Hahahaha!
* VIRAL SCANDAL - EPISODE 91 *
Grabe. Nakarelate ako sa sinabi ni Kakay. Yung pumayag sya maging kabit kasi akala nya okay na yun. Akala nya wala ng magmamahal sakanya ng buo. Kasi ako may point na ganun din. Dahil di ako maganda at kaakit-akit, pumayag ako na kahit ano nalang ibigay sakin ay okay lang. Kahit walang time, okay lang. Kahit walang paramdam, okay lang. Kahit niloloko ako, okay lang. Tumagal ng 3 years. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Ang nakatatak kasi sa utak ko that time ay okay lang yun kasi hindi naman ako maganda. Buti nga may nagtyaga sa akin. Lol! Pero mali pla yun. Narealize ko yun nung dumating si Hubbybi. Kasi sya nagpatunay sakin na ano man ang itsura o tingin mo sa sarili mo, may taong magmamahal ng buo sayo kahit ano ka pa man. Yung hindi titignan yung mga pagkukulang mo pero ibibigay parin yung buong makakaya nya para maparamdam na mahal ka nya. Ganorn! Kailangan mo lang tlaga antayin yung tao na yun kasi for sure dadating at dadating yun. Hahaha! Thankyou Lord! Lagi man kmi nag aaway ni Hubbybi pero loves na loves ko sya. At sana mas gabayan pa kami ni Lord. Sharelangs!
* CHEESY BACSILOG *
So eto yung isa sa mga inadd namin sa aming menu. Alam ko marami na naggagawa nito. Pero masasabi kong iba padin ang lasa ng samin. Hahaha! Sarap na sarap nga si Mister dito. Parang gusto yata araw araw na Bacsilog. Di nagsasawa yan? Hahaha! Pero masarap nga namam talaga. Yung Cheese sauce kasi namin ay sarili namin gawa at di sya powder na nilalagyan lang ng tubig. Kaya di sya sobrang alat at nagbeblend tlaga sya sa Bacon at Cheese. Hehehe! Kagabi ito ang dinner namin, need kasi namin idispose yung mga natirang Bacon. Yes! Minsan may disposal at kahit dpa totally nabibili. Kasi pinapangalagaan namin ang quality ng products and ingredients. :)
* NOON AT NGAYON *
Dati sobrang sipag ko mag update at magpost dito sa NC. Ngayon naman super dalang na. Super bihira na tlaga. Dati halos araw araw at every nangyayari update ko agad kay NC. Ngayon inaabot minsan ng ilang araw bago ako magpost. Hahahaha! Grabe langs! Laki na ng pinagbago. Dko alam kung sobrang busy ko ba tlaga o sobrang demotivated lang talaga ako. Ang dami kasi nangyayari na dko na alam ano ba ang gagawin. Hahahahaha! Kaya parang di ko na matutukan lahat ng bagay. Hays! Kaya ayun. Hehe! Taas kasi ng gasolina e. Sana bumaba na charizzzz! Hahahahaha!
* My breakfast - Pancit *
Flex ko lang ang biniling breakfast ni Mister sakin kanina. Meron tindahan ng almusal malapit samin. At kadalasan ito ang binibili nya sakin o kaya yung spageti. Dito at sa spageti lang kasi ako nasasarapan. Hahaha! Yung ibang binibili nya ay di masarap. Minsan nakakaumay na kaya lang thankful padin at nakakakain padin kmi. Yung iba nga gnyan palaging gutom. Tsaka sa halagang 20pesos, ano pa ba naman ang hahanapin kaya oks na oks na to. Itong tanghalian naman bumili nalang din sa karinderya. Minsan mas okay pa na ganun. Nakakain kana, dka pa pagod. Hahaha! Share langs!
* Z FOR ZEL *
At syempre ang last letter sa alphabet ay ang letter Z. At ang naisip ko dito ay ang aking nickname which is Zel dahil ang pangalan ko ay Riezl. Hahaha! Itong doodle na ito ay gawa ng aking pinsan. Noon, nauso ang pagdoodle na ganito ang style. Sabi nya igagawa daw nya ako kasi taga edit ako ng mga kung anu anong character nya sa online games. At iyan nga! Mano mano ang pagkakagawa nya jan. Nag aaral pa sya that time kaya sguro pag wala pang klase kung anu ano ang ginagawa. Hahaha! Ang cute langs! Nakalkal ko lang to sa mga albums ko sa fb. Nakakatuwa lang kasi may mga artistic tlaga na mga tao. Sanaol!
* Y FOR YUMMY *
Kain po tayo! Eto nakasharon kagabi ng cake sa birthdayan. Hahaha! Ang sarap kasi buo buo yung cherry. Black Forest yata ito pero dko alam ang tatak. Di ako masyado mahilig sa chocolate cake pero keri naman to kasi masarap naman. Pero mejo nangingilo nako. Hahaha! Ganito ako kapag nakakakain ng masyado matamis kaya iwas din ako sa mga nakakatrigger. Hehe! Tara kain na! Bawal magpagutom kasi mraming gawain lalo na ang maglaba. Hahaha!
* X FOR X *
Ilang araw nako nag iisip kung ano bang bagay ang pwede kong ipost na nagsisimula sa letter X pero wala tlaga akong maisip. Hahahaha! Masakit na sobra sa ulo ito. Kaya yan nalang. X dahil ekis. Wala akong maisip! Hahaha! 6days ago napala yung last post ko. Nakakaloka! Ganun kabilis ang araw. Actually dko namalayan e. Kasi akala ko mga 2-3days lang ako di nagpost. Nakakalokaaaaa! Bat ganun! Hahaha! Totoo nga yata na bukas makalawa paggising natin ay kakain na tyo ng salad. Charrr! Hahaha! Kamusta po ang lahat? Ingat po tayo at dasal po lamang :)
* W FOR WATER *
Sa panahon ngayon, isa ito sa pinaka kailangan ng tao. Ang tubig. Sa lahat ng gawain at pagkain, kailangan ang tubig. Lalo ngayon, sobrang init! Sobrang nakakarefresh ang pag inom ng tubig. Ngayon din na maraming nagkakasakit, number 1 padin ang tubig. Lalo na sa mga may diabetes o highblood. Iwasan na dapat ang pag inom ng juice o softdrinks dahil masama ito satin. Ito ang nagdudulot ng karagdagang sakit. Okay lang kung minsan pero yung parang gnawa ng tubig yung softdrinks, super big No! Sakit lang ang makukuha sa ganun na lifestyle. Ngayong mainit din ang panahon, minsan di na sapat ang pag inom lang ng tubig. Dapat maligo din ng palagian at maghugas ng katawan at muka. Grabe tlaga! Super essential ng tubig sa buhay nating mga tao!
* V FOR VOLCANO PIZZA *
Syempre dahil ito ang aming produkto kaya ito ang naisip ko. Hahaha! Ilan beses ko nadin napost ang aming Pizza dito. Pero iisa pa ako ulit kasi wala lang, baka meron pang di nakakita. Hehe! Share ko lang ulit ang aming pizza with a twist kasi ito ang pizza with a dip! Ang aming Volcano Pizza. Meron syang cheese sauce sa gitna na nagsisilbing cheesy lava. Yung cheesy lava ay nagsisilbing sawsawan para sa mga taong nabibitin sa cheese sa pizza hahaha! At ito ay nakaka enhance din ng flavor ng pizza lalo na sa Beef Burger Flavor. Actually yun ang favorite kong flavor kasi bagay na bagay ang cheese sauce dun. Hehe! May 4 Flavors ang Pizza namin. Ang Hawaiian, Pepperoni, Bacon n Mushroom at Beef Burger. At kahit ano man sa mga ito, bagay ang cheese dip. Sguro dahil tlagang magandang combination ang tomato sauce at cheese. Naglalabas sya ng umami. Hehe! Yun lang. Share langs!
* U FOR ULAM *
At ito nga ang ulam namin ngayon, homemade siomai. Hehe! Mas mura at marami kasi ang nagagawa kapag homemade. Kaya nga lang mejo nakakapagod nga lang. Hahaha! Pero okay nadin, mas masarap din kc ang homemade. 33pcs ang nagawa ko. Hindi namin nilahat ang pagsteam. Kasi yung iba iuulam namin mamaya. Hehehe! Tipidity is real dahil sa sobrang taas ng bilihin ngayon kaya yung isang ulam eh gnagawa namin pang isang buong araw na. Kahit paulit ulit na ulam basta makakain nalang ang goal. Hahahaha! Ingats everyone!
* T FOR TREE *
Sa panahon ngayon, eto talaga ang isa sa dapat pagtuunan at pangalagaan ng tao at gobyerno. Ang mga puno dahil parte ito ng ating kalikasan. Laganap na ang landslide. Grabe nadin ang init na nararanasan natin. Oo, progresibo dahil marami ng building ang nakatayo sa mga siyudad. Ngunit kung iisipin, iba padin kung puno ay nakapaligid sa mga building na ito. Sobrang init ng panahon. Kapag naulan naman, walang masilungan. Sobrang polusyon nadin dala ng mga sasakyan at kung anu anong mga pabrika. Kaya dapat tlaga ay maibalik sa dati kung ano man ang mga nawala o nasira. Nakita ko sa isang article na delikado na ang Sierra Madre. Kung di ito mapapangalagaan, tuluyan ng masisira ang lahat. Kaya sana, at sana talaga! Mabigyan ng pansin ang pagtatanim ng mga puno.
* S FOR SENTIMOS *
May halaga pa nga ba ang mga sentimo? Nung nakaraan lang, may nabasa ako sa facebook na nagbayad sya gamit ang sentimos pero di daw tinanggap at binalik sakanya. Tapos may mga comment na sa jeep at ibang public transport, ayaw din daw tumanggap ng mga sentimo. Kung wala ng halaga ito para sakanila, paano na? Kami? Ang dami namin ganito. Iniipon namin tapos kapag magpapadeposit ako sa bank, pinapasama ko. Hirap din kasi minsan dahil marami na nga na ayaw tumanggap nito. May halaga pa namam ito kung tutuusin. Kaya nga lang mabigat sa bulsa. Noon namam di problema ang sentimo e. Ngayon ayaw na ng mga tao.
* R FOR RANT *
Rant. Usong uso to. Lalo na sa social media. Konting kibot, konting mali na makita, meron agad rant. Makaramdam ng konting discomfort, rant agad. Pero wala e, ganun tlaga ang buhay. Sguro mas sensitive na kasi ang tao ngayon. At sguro mas outspoken nadin. Dami na tlaga nabago sa mundo. Kaya minsan napapasabi nalang ako ng “noon, ganito ganire kami”. Lagi naikukumpara dahil malaki naman tlaga ang kaibahan. Ngunit ano magagawa natin dba? Kahit sino naman sa atin, panigurado meron rant sa buhay. Kasi tao lang tayo. Nahihirapan, nasasaktan. Wala naman masama e, kailangan din minsan para mailabas ang bigat na nararamdaman. Pero after natin magrant, magthanks din tyo. Kasi kahit mahirap ang mabuhay sa mundo, marami parin biyaya na binibigay satin ang Panginoon. Goodnight everyone!
* Q FOR QUANDO QUANDO QUANDO *
So ayan, throwback muna. Wala kasi akong ibang maisip na Q. Haha! So eto nga, pag linggo noon, maririnig mo ito sa mga videokehan habang nag iinom ang mga tatay. Tapos si Nanay, nasa kusina at nagluluto naman. Na akala mo me handaan o may okasyon kahit wala naman. Hahaha! Lakas maka nostalgic feels. Maulan din kasi kaya kung anu anong pagbabaliktanaw ang naiisip ko. Ngayon kasi hindi na ganun e. Iba na ang panahon. Iba nadin ang ginagawa ng mga tao tuwing linggo. Yung iba, nasa bahay at natutulog lang. Meron naman na family day at kumakain sa labas. At yung karaniwan na paggawa ng paglalaba at paglilinis ng bahay dahil pag weekdays, nagtatrabaho halos ang lahat. Masarap nalamg tlaga magbaliktanaw. Nakakatuwa na nakakalungkot kasi alam mong baka di na maulit muli. :)
* P FOR PERA *
Halos lahat ng tao ngayon, eto ang pinoproblema. Lahat ng tao ngayon, eto ang kailangan. Sa totoo lang, parang di din talaga totoo yung kasabihan na money cant buy happiness no? Kasi kapag nakakabili ka ng mga bagay na gusto mo para sa sarili mo at para sa pamilya ml, nagiging masaya ka e. Halos karamihan ng tao ngayon, ang goal nila sa buhay ay kumita ng pera para mabgyan nv maluwag na buhay ang pamilya nila. Sa totoo lang kasi, mahirap tlaga ang buhay ngayon e. Swerte tlaga kung nailalabas mo at napapakain sa restaurant ang pamilya mo. Kung napupuno mo ng grocery ang ref nyo. Kung nakakapag-abot ka ng panggastos sa mga parents mo. Kung nakakabili ka ng mga bagong gamit para sa sarili mo o para sa bahay nyo. Daming blessings sa mundo. Pasalamat nalang din tayo. Mahirap kumita ng pera pero worth it naman kung para sa pamilya. :)
* O FOR OPINYON *
At ang lahat nga ay ginulantang ng hiwalayang Jason at Moira. Ang daming opinyon na naglabasan sa social media. Ang daming kuro kuro, ang daming hinala at ang daming reaksyon. Pero iisa lang ang point, walang taong deserve maloko at ano nga ba ang point bakit nagloloko? Kahit ano pa man rason meron ang isang tao, di sapat at hindi magiging valid yun para manloko tayo ng tao lalo na yung taong sinasabi natin na mahal natin. Masakit. Nakakapanghina. Nakakasira. Kapag yung taong pinagkatiwalaan mo ay nalaman mong niloloko kapala. At kung ano man ang pinagdaraanan nila ngayon, mas mainam na irespeto nalang. Dahil wala naman tayo sa sitwasyon nila at di alam ang buong katotohanan. Kung hindi man para sakanila ang magandang wakas na magkasama, wala tyong magagawa kundi ipagdasal nalang sila na makabangon at makaahon sa pagsubok na ito. Maaaring di man magkasama, pero bawat isa sakanila ay mahanap ang lakas para magsimula mula at harapin ang panibagong bukas. :)
* N FOR NILAGANG KAMOTE *
Eto ang nilutong pagkain ni Tatay para sa aking bebeloves. Heheh! Mula kasi nung huling magkasakit si Bebe, sinabi ko na wag na pakakainin ng mga candy, junkfoods at matatamis na biscuit si bebe para maiwasan ang magkasakit. Mas okay to kasi mainam to sa katawan. Mabigat din sa tyan ang kamote kaya for sure mabubusog sya. Hehe! Buti nalang tong batang to ay di mapili sa pagkain. Kahit ano pakain mo, kakainin naman. Pero pag ayaw nya tlaga ang lasa, di nya kakainin kahit ano pa gawin mo. Iiyak nalang sya bgla kapag pinilit mo sya. Hahaha! Lalo pag sa gulay. Dko din masisi kasi may mga gulay naman tlaga na di masarap. Pero sana paglaki nya, maappreciate nya. Kasi ako noon, yung mga gulay ay ayoko. Pero nung tumanda nako, nagustuhan ko nadin ang lasa ng mga gulay. Ganun naman kasi tlaga e, pag bata iba pa ang panlasa.
* M FOR MANTIKA *
Grabe no? Ang taas na ng presyo ng mantika. Halos lahat pala, tumaas na ang presyo. Pero etong mantika, kasi kasama ito sa daily life na gnagamit ng tao. Lahat yata halos ng niluluto ay nilalagyan o gnagamitan ng mantika. Miski nga tuyo, na sana ay pinakamurang pwedeng ulamin ay ginagamitan din ng mantika. Wala naman ibang substitute. Hehe! Mejo apektado kami talaga nito kasi yung pizza namin ay ginagamitan namin ng mantika. 3months ago, nung nagsisimula palang kami,ang presyo ng 500ml na mantika ay nasa 59pesos lang. Ngayon ang 500ml na mantika ay nasa 68pesos na. Grabe! Ang laking tinaas. Sana naman unti unti na bumaba ang presyo ng mga bilihin. Kapag kasi ganito ng ganito, talagang malulubog ang mga negosyante. Hindi naman basta pwede magtaas ng presyo dahil syempre apektado din ang mga buyer. Maski naman sila ay kinakapos din sa budget. Sana maging maayos na tlaga.
* L FOR LEMON *
Ang lemon ay isa sa mga prutas na maraming benefits. Isa din ito sa masasarap na prutas na masarap gawing juice. Masarap itong gawing Lemonade. Tunay na nakakapawi ng uhaw. Ginagawa din itong detox drink. Pero ako, iniwasan ko yun. Kasi acidic ako e. Sinisikmura ako kapag umiinom ako nun. Masarap din itong ilagay sa mga ulam, yung zest at katas nito. Magaling din itong panghalili kapg may ubo lalo na pag may halong honey. Dahil ito ay citrus fruit, mabisa din itong source ng Vitamin C na kailangan para mapalakas ang ating immune system. Isa sa wonderful fruit tlaga ang lemon kaya gustong gusto ko ito. Sobrang bango din pero mejo may kamahalan ito sa market. Pero nakakabili kami nito ng 4 for 50pesos. Hindi na masamang presyo. Sa palengke kasi minsan nasa 20-30 pesos each ito. Depende sa nagtitinda. Hehe! Ikaw? Gusto mo din ba ang Lemon?
* K FOR KURTINA *
Itong kurtina na to ay sobrang tanda na. Dko sure kung kasing tanda ko ba o mas matanda pa sakin. Hahaha! Nung bata kasi ako uso yung mga ganyang kurtina e. Yung maninipas lang at parang lace ang tela. Tinago pa ito ni Tatay. Ngayon di na nya sa bintana kinabit kundi sa lumang narra na kabinet nalang. Yung kabinet kasi wala ng pinto. Nasira at natanggal na. Kaya yung kurtina nalang ang ginawang panakip. Sobrang luma nadin nung kabinet. Antique nadin kung tutuusin pero napakatibay pa. Mahilig magtabi ng mga gamit c Tatay. Hindi sya basta nagtatapon kasi katwiran nya ay baka magagamit pa. Kaya yung mga gamit nya ay pagkaluma luma na. Eto ngang kurtina ay halata mong luma na kasi mejo nangungutim na. Pero dahil sa loob lang naman ng kwarto ginagamit e ayos lang. Okay din ang kurtina na ganito kasi manipis lang pati na may maliliit na butas. Kaya yung hangin ay makakapasok padin. Meron din ba kayong ganitong kurtina? Hehe?
* J FOR JACK N JILL *
Ito ang isa sa brand na masarap talaga ang mga chips and snacks. Katulad nalang nitong Nova Chips.Sobrang sarap ng Nova Chips. Malasa pero di nakakaumay. Ang brand din na ito ay matagal na. Sobrang sikat ng mga products nla at tiwala na talaga sa lasa. Marami na ang suki nila at bilib sa kanilang produkto. Ilan sa product nila ay Chippy, Roller Coaster, Chiz Curls, Cloud Nine at ang pinaka paborito ng lahat na Piattos. Sobrang sikat na sikat ang Piattos magmula noon hanggang ngayon. Mapa bata o matanda man, swak na swak ang lasa nito. Walang biro, pag dumikit pa nga yung cheese powder sa daliri, sinipsip at dilaan pa nga sa sobrang sarap. Hahaha! Oh diba? Wag magdeny, true yan! Haha! Pero ayun nga, sobrang galing at sarap ng Jack n Jill products. Salute sa kanila. 🙂
* LUNES NANAMAN *
Eto nga at umaga nanaman. At Lunes nanaman. Isang panibagong araw para sa ating lahat. Hindi pa kmi nakakauwi kaya baka hindi kami makapagtinda. Wala e, nagrequest ang bebe na wag muna umuwi kaya eto at dpa kmi umuwi. Haha! Minsan lang namin sya makasama kaya pinagbgyan na. Maaga din ako nagising dahil mamaya bago mananghali ay uuwi na kami. Pero bago kami umuwi ay ipagluluto ko muna sila ng ulam. At meron pa din silang flag ceremony at online class kaya naman need talaga magising ng maaga. Osya, magluluto nako ng almusal. Mamaya na ulit at itutuloy ko mamaya ang alphabet challenge. HAHAHAH! Ingat po ang lahat :)
* I FOR ISAW *
Isaw ng manok is real! Ito ang isa sa masarap na ulam at kutkutin. Itong isaw na nasa pic ay inadobo ko. Hehe! Sobrang sarap nito lalo kapag maraming bawang. Masarap din ito kapag prito lalo na kapag crispy! Ang disadvantage lang nito ay napakahirap linisin. Hahaha! At mejo smelly sya kapag nililinis. Kumakapit tlaga ang amoy. Kaya lang di naman sya pwede kainin ng di nililinis kasi syempre marami syang dumi. After linisin, pinapakuluan din sa asin. Minsan meron din halong suka. Pero after naman malinis at mapakulo, masarap naman tlaag! Masarap din siyang iprito kapag naadobo mo na sya. Mas lalong malasa. Masarap din sya iadobong tuyo. Ikaw? Nakatikim kanaba ng isaw?
* H FOR HAWAIIAN *
Napansin ko sa mga bumibili ng pizza samin, usually ang lagi nilang inoorder na flavor ay Hawaiian. Dko alam kung dahil no choice sila o talagang favorite lang ng mga Pinoy ang Hawaiian. Nung minsan sa facebook, may nakita akong post ng isang foreigner na hindi daw dapat may Pineapple ang Pizza. Pero napaisip ako, bat naman hindi? Yung ibang flavor nga kung anu ano ang nakalagay e. Tsaka nasa tao naman yung kung ano gusto nya ilagay. As time goes by, nagkakaroon ng innovation. Kaya yung original pizza na tomato sauce at cheese lang, kalaunan madami na nadadagdag. Hindi pwede na magstick lang dun. Kasi nga umuusad ang panahon. Tsaka masarap naman ang Hawaiin. Masarp din ng Pineapple sa Pizza. May kakaibang twist kasi yung lasa kapg may Pineapple. Parang mas refreshing. Haha! Dami kong ebas. Ikaw? Anong paborito mong flavor ng Pizza?
* G FOR GRATER *
Isa ito sa pinaka importanteng gamit dito sa aming store. Haha! Ang grater na para sa cheese. Bumili kami nito kasi yung ginagamit namin na grater sa bahay ay mahirap gamitin. Dumidikit lang yung keso kapag ginagadgad na. Mura lang itong grater pero magandang klase nadin sya. Matalim at maayos ang pagka grate ng cheese. Hindi dumidikit at tlagang kalat kalat sya. Mas napadali ang pag grate namin ng keso dahil dito. Hehe! Minsan tlaga need mo mag invest sa tamang gamit para maging maayos ang gawa e. Hehe! Kasi pag puchu puchu lang ang bnili, mura nga pero minsan itatapon mo pa nga dahil di naman magamit ng maayos at di mapakinabangan. Kaya di baleng may kamahalan basta useful naman. Share langs!
* F FOR FLAT TOPS *
Sino ba naman ang di nakakakilala sa Flat Tops? Lahat ay kilala ito kasi isa ito sa pinaka affordable na chocolate! At masarap tlaga. Yung nagtitinda ng Japanese Pancake malapit samin, ito yata ang nilalagay nla. Tapos marami nadin cake and pastries na ito ang flavor. Kakaiba kasi ang lasa ni Flat Tops. When I say kakaiba, ibig kong sabihin ay talagang masarap sya at may unique na lasa. Lagi kami bumibili nito after kumain. Pampatanggal umay lang lalo kapag malansa or matapang ang lasa ng kinain. Minsan nakaka 3pcs ako nito. Oo na, sige na, matakaw nako. Hahaha! Pero kasi ang sarap tlaga dba!
* BAKIT KAYA? *
Bakit kaya yung mga tips ko naka pending lang jan? Wala naman ako naka set kung magkano bago sya mapunta sa wallet. Dati kasi per tip, rekta na agad sa wallet e. Kayo din ba ganito? Hehhe! Nakakapagtaka lang kasi, baka may mali na sa acct ko. Haha! Anyways, cguro papasok din sya sa wallet. Hehe! Baka maintenance lang o ano pa man. Haha! Dko na nga din naituloy yung challenge. Mamaya nalang sguro pag uwi. Hehehehe