read.cash Log in
@Pandariezl

* O FOR OPINYON * At ang lahat nga ay ginulantang ng hiwalayang Jason at Moira. Ang daming opinyon na naglabasan sa social media. Ang daming kuro kuro, ang daming hinala at ang daming reaksyon. Pero iisa lang ang point, walang taong deserve maloko at ano nga ba ang point bakit nagloloko? Kahit ano pa man rason meron ang isang tao, di sapat at hindi magiging valid yun para manloko tayo ng tao lalo na yung taong sinasabi natin na mahal natin. Masakit. Nakakapanghina. Nakakasira. Kapag yung taong pinagkatiwalaan mo ay nalaman mong niloloko kapala. At kung ano man ang pinagdaraanan nila ngayon, mas mainam na irespeto nalang. Dahil wala naman tayo sa sitwasyon nila at di alam ang buong katotohanan. Kung hindi man para sakanila ang magandang wakas na magkasama, wala tyong magagawa kundi ipagdasal nalang sila na makabangon at makaahon sa pagsubok na ito. Maaaring di man magkasama, pero bawat isa sakanila ay mahanap ang lakas para magsimula mula at harapin ang panibagong bukas. :)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.