read.cash Log in
@Pandariezl

* VIRAL SCANDAL - EPISODE 91 * Grabe. Nakarelate ako sa sinabi ni Kakay. Yung pumayag sya maging kabit kasi akala nya okay na yun. Akala nya wala ng magmamahal sakanya ng buo. Kasi ako may point na ganun din. Dahil di ako maganda at kaakit-akit, pumayag ako na kahit ano nalang ibigay sakin ay okay lang. Kahit walang time, okay lang. Kahit walang paramdam, okay lang. Kahit niloloko ako, okay lang. Tumagal ng 3 years. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Ang nakatatak kasi sa utak ko that time ay okay lang yun kasi hindi naman ako maganda. Buti nga may nagtyaga sa akin. Lol! Pero mali pla yun. Narealize ko yun nung dumating si Hubbybi. Kasi sya nagpatunay sakin na ano man ang itsura o tingin mo sa sarili mo, may taong magmamahal ng buo sayo kahit ano ka pa man. Yung hindi titignan yung mga pagkukulang mo pero ibibigay parin yung buong makakaya nya para maparamdam na mahal ka nya. Ganorn! Kailangan mo lang tlaga antayin yung tao na yun kasi for sure dadating at dadating yun. Hahaha! Thankyou Lord! Lagi man kmi nag aaway ni Hubbybi pero loves na loves ko sya. At sana mas gabayan pa kami ni Lord. Sharelangs!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.