read.cash Log in
@Pandariezl

* R FOR RANT * Rant. Usong uso to. Lalo na sa social media. Konting kibot, konting mali na makita, meron agad rant. Makaramdam ng konting discomfort, rant agad. Pero wala e, ganun tlaga ang buhay. Sguro mas sensitive na kasi ang tao ngayon. At sguro mas outspoken nadin. Dami na tlaga nabago sa mundo. Kaya minsan napapasabi nalang ako ng “noon, ganito ganire kami”. Lagi naikukumpara dahil malaki naman tlaga ang kaibahan. Ngunit ano magagawa natin dba? Kahit sino naman sa atin, panigurado meron rant sa buhay. Kasi tao lang tayo. Nahihirapan, nasasaktan. Wala naman masama e, kailangan din minsan para mailabas ang bigat na nararamdaman. Pero after natin magrant, magthanks din tyo. Kasi kahit mahirap ang mabuhay sa mundo, marami parin biyaya na binibigay satin ang Panginoon. Goodnight everyone!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.