read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

* K FOR KURTINA * Itong kurtina na to ay sobrang tanda na. Dko sure kung kasing tanda ko ba o mas matanda pa sakin. Hahaha! Nung bata kasi ako uso yung mga ganyang kurtina e. Yung maninipas lang at parang lace ang tela. Tinago pa ito ni Tatay. Ngayon di na nya sa bintana kinabit kundi sa lumang narra na kabinet nalang. Yung kabinet kasi wala ng pinto. Nasira at natanggal na. Kaya yung kurtina nalang ang ginawang panakip. Sobrang luma nadin nung kabinet. Antique nadin kung tutuusin pero napakatibay pa. Mahilig magtabi ng mga gamit c Tatay. Hindi sya basta nagtatapon kasi katwiran nya ay baka magagamit pa. Kaya yung mga gamit nya ay pagkaluma luma na. Eto ngang kurtina ay halata mong luma na kasi mejo nangungutim na. Pero dahil sa loob lang naman ng kwarto ginagamit e ayos lang. Okay din ang kurtina na ganito kasi manipis lang pati na may maliliit na butas. Kaya yung hangin ay makakapasok padin. Meron din ba kayong ganitong kurtina? Hehe?

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.