* Q FOR QUANDO QUANDO QUANDO * So ayan, throwback muna. Wala kasi akong ibang maisip na Q. Haha! So eto nga, pag linggo noon, maririnig mo ito sa mga videokehan habang nag iinom ang mga tatay. Tapos si Nanay, nasa kusina at nagluluto naman. Na akala mo me handaan o may okasyon kahit wala naman. Hahaha! Lakas maka nostalgic feels. Maulan din kasi kaya kung anu anong pagbabaliktanaw ang naiisip ko. Ngayon kasi hindi na ganun e. Iba na ang panahon. Iba nadin ang ginagawa ng mga tao tuwing linggo. Yung iba, nasa bahay at natutulog lang. Meron naman na family day at kumakain sa labas. At yung karaniwan na paggawa ng paglalaba at paglilinis ng bahay dahil pag weekdays, nagtatrabaho halos ang lahat. Masarap nalamg tlaga magbaliktanaw. Nakakatuwa na nakakalungkot kasi alam mong baka di na maulit muli. :)
No comments yet