* MAY PROBLEMA BA* May problema ba sa NC ngayon? Kahit kasi nagbbgay ako tips, wala nakecredit sakin. At prang bumabalik yung tips na binigay ko. Dko alam kung mahina lang ba signal o nagloloko pero kanina pa sya ganito. O baka akala ko lang. hehehe! Sayang kasi yung mga nabgyan kung bumalik sakin. Oh well, mamaya continuation ng A-z Challenge. Wala pa kasi ako nakikita na bagay na sunod sa letter ng huling post ko. O baka dko lang maisip agad. Hehehe
@Pandariezl
Joined 14 February 2021 · 1990 posts
Smile is the best thing you can wear.
120 KT
0 KT · 22¢ received · 0 KT · 15¢ given
Posts
* LUNES NA AGAD?! * Aba aba, lunes nanaman. Hahahaha! Parang bitin ang isang araw na pahinga tlaga e. Gusto ko pa magpahinga ng mahaba haba. Hahaha! Kaya nga lang may mga pangarap tayo e. May mga goals na dapat pagsikapan at pagsipagan. Kaya kahit hirap, need natin bumangon at kumayod. May mga umaasa din sa likod natin, kaya need natin tumayo kahit dpa natin gusto. Ganyan tlaga ang buhay. Tuloy tuloy lang tayo. Lahat naman ng paghihirap may kapalit na kasaganahan. Ika nga, you reap what you sow. Kung magtatanim ka ng kasipagan at pagtatyaga, magbubunga din yun kung ano deserve mo. So lets get up and conquer the world! Ingat everyone!
* E FOR ELECTRIC FAN * Etong electric fan na ito ay binili namin nung kasagsagan palang ng summer. Since walang aircon dahil hindi pdeng ikabit, nagpabili nalang ako ng electric fan. Buy1Take1 ito sa Puregold that time. 1799 sya tapos dalawa na. Mahal na kasi ang mga electric fan ngayon. Yung magandang tatak na maliit lang eh nasa 800-900 na. Kaya sabi ko kay hubby, yung buy1take1 nalang. Atleast may kapalitan kapag matagal ng nagamit ang isa. So far okay padin naman ang hangin nya. Pag mainit lang talaga, mainit din ang buga. Tuwing umaga at gabi lang naman kami nasa bahay kaya hindi din ganun kagamit ang electric fan. Hindi pa nga lang gaano nalilinisan ng maayos dahil sobrang busy lagi sa tindahan. Hehe! Sana tumagal itong mga electric fan na ito. 🙂
* D FOR DIMPLES ROMANA * Hindi ito gamit pero pwede nadin. Hahaha! Pinapanood ko kasi sa IWant yung Viral Scandal. Mukang maganda yung palabas na yun e. Isa pa, magaling talaga na artista itong si Dimples Romana, pati na ang ganda nya. Nagagandahan tlaga ako sakanya. Parang di nga sya tumatanda e. Ang galing nya umarte at natural na natural. Mukang mabait din sya base sa mga interviews nya na napanood ko. At pati na kwela din. Sguro masarap din sya maging kaibigan. Hehehe! Sobrang tagal na nyang artista pero hanggang ngayon meron padin syang mga projects at parang mas lalo pa nga syang sumikat ngayon. Iba tlaga pag pure talent, at meron tlaga kanya kanyang timeline ang pagsikat ng mga artista.
* C for CHEESESTICK * At sino nga ba naman ang ayaw sa Cheesestick? Hahaha! Ito tlaga isa sa favorite snack ko. Tipong di ako nananawa. Kahit madami pa makain, okay lang. Sobrang sarap kasi. Minsan pa nga sinasawsaw ko sa ketchup. Tinamad lang ako isawsaw ngayon kasi ang konti lang e. Haha! Sayang din at ubos na ang cheese sauce na nilalagay namin sa Pizza. Masarap din kasi idip dun. Lalo syang nagiging cheesy. Ayan ayan, kaya tumataba kakakain e. Haha! Nasa menu namin itong cheesestick. Mahirap nga lang kasi minsan parang mas gusto ko nalang kainin kesa itinda. Kaso di pde kasi malulugi kami. Haha! Ayan! Kayo? Mahilig din ba kayo sa cheesestick? Share your thoughts!
* B FOR BAGOONG ALAMANG * Binili ko itong Bagoong Alamang na ito sa kumare ko. Yung mudra kasi nya ay nagtitinda nito. 50pesos lang ang ganito kalaking garapon. Marunong naman ako magluto ng ganito, kaya lang matagal kasi maluto. Kaya para tipid sa oras at pagod, bumili nalang ako. Masarap ang alamang khit saan ilagay. Masarap ito ihalo sa ulam tulad ng Pakbet, Binagoongan at Bicol Express. Masarap din itong gawing sawsawan ng Pritong Isda at Talbos ng Kamote. Gustong gusto ko itong sawsawan kapag hinahaluan ng suka o di kaya ay kalamansi. Osya tama na, nagugutom kasi ako sa naiisip ko. Hahaha! Kayo? Ano ang gusto nyo sa bagoong alamang?
A for ANTIPARA At para sa unang entry ko sa A-Z Challenge. Eto na nga at ang unang letra sa Alpabetong Pilipino ang letrang A para sa Antipara. Ang aking antipara ang isa sa pinaka importanteng bagay sa buhay ko. Dahil pag wala ito, wala akong makikita kundi malabong hugis o anyo ng tao at mga bagay. Kaya pinakaiingitan ko ito. Mataas na kasi ang grado ng mga mata ko. Suggestion nga sakin nla mama at tita, mag apply ako sa PWD eh, kasi qualified nadaw ang grado ng mata ko. Mata ang isa sa pinakaimportanteng parte ng tao. Dahil kapag walang mata, mahirap kumilos. Kaya nga lang, ang mata din ang isa sa makasalanan na parte ng tao. Kasi kung anu ano ang nakikita kaya minsan kung anu ano din ang panghuhusga na nasasambit sa iba. Osya, ingatan nyo ang mata ninyo, para di kayo required magsuot ng antipara tulad ko. Kayo? Anong grado na ng mata ninyo?
* BABAD SA HIGAAN * Kanina pako gising, mga 630 yun. Pero hanggang ngayon di pa ako bumabangon. Ang lamig kasi, ang sarap magbabad sa higaan. Hahahaha! Grabeee! Okay na okay tlaga pag ganito ang panahon, ang sarap matulog. Di tulad nung summer, jusko, halos di makatulog. Hehe! Pero need ko na bumangon para maisalang na yung ibang labahin na di ko nalabhan kahapon. Isasalang lang naman yun at aantayin matapos. Tapos hugas ng plato para kapag natapos na lahat ng gawain, pwede na ulit magpahinga. Mamaya pupunta din ng grocery, mamimili kami ng ingredients dahil may advace order ng lasagna. Hehhe! Salamat po Lord! Ingat po ang lahat :)
* PUYATAN NIGHT, DAY OFF TOMORROW * Hehe! Syempre kahit kami ay tindero/tindera sa aming store, dpat meron padin kaming day off. Di naman pwede na tuloy tuloy lang. Baka magkasakit kami. Haha! Pero khit day off namin bukas, may trial pdin kami para sa new products! Hehe! At maglilinis ng bahay. So prang wala din day off. Wahahah! Pero ok lang yun, atleast ay productive padin ang araw. Pero sa ngayon, magpupuyat muna ako. Para naman masulit ang araw na ito. Hehe! Salamat sa Diyos kasi naubos yung dala namin paninda kanina. Di na kami gaano gumawa ng paninda, paubos day lang kc walang tinda bukas. Para fresh sa lunes ang mga produkto. Hehe! Nood muna. Goodnight na sa mga matutulog!
* PIZZA DATE * May nag dine in samin na couple yata. Hehe! Pero sguro nga couple sila. So ayun nga, nag order sila ng 12’ Cheesy Volcano Pizza namin. Pag may nagtatanong, usually sinasabi na good for 3-4person ito. Pero naubos nlang dalawa. Nakakatuwa. Sobrang npakasarap sa puso na makitang nauubos yung sinerve na pagkain. Iassume namin na masarap. Kasi kung di masarap, di naman mauubos diba? Hehe! Mejo messy lang sya tlaga kainin dahil may cheesy lava. Pero ayun. Mukang enjoy naman nla. Sabi kasi ni Hubby nakita nya na sinasawsaw daw ng sinasawsaw nla sa cheesy lava. Heheh! Saya langs! Sana mas marami pang mag dine in na customer 🙂
* JOBTRIBES PVP EVENT * So ayan, sumali ako sa PVP event ngayon. Hindi na ako masyado active dito since nawalan kami ng internet connection sa bahay. Malakas kasi sa data kapag naglalaro ng games. Active lang ako kapag nandto sa store kasi may free wifi. Kahit paano nakakaipon naman dito. Pero dko pa winiwithdraw kasi bagsak ang deapcoin e. Mababa ang palitan nya. Sana mag to the moon ulit katulad nung ber months last year. Hehe! Lugi kasi pag winidraw ko pa na maliit pa ang value. Kaya eto at inaantay ko pa umangat ulit. Hehehe! Sino naglalaro nito? Card game sya e. Nung una dko magets pero naaral naman. 🙂
* TIKTOK ACCOUNT OF MY BUSINESS * Sa mga may tiktok jan, beke nemen! Hahaha! Gumawa ako ng Tiktok account para sa aming business, para mas marami ang makakita at makaalam ng aming product. Kakagawa ko lang kahapon. Kaya konti pa ang followers. Pero nakakatuwa kasi marami rami nadin ang views ng isa kong pinost. Sana mas marami pa ang makakita at maging curious sa aming product. Marami naman nadin ang nakatikim. Kaya sana mas marami pa ang makaalam at makabili. Hehe! Share lang po. 🙂
* MALIKOT NA ISIPAN * Ayan! At dahil ang aking utak ay malikot at ayaw tumigil kakausap, may naisip ako. HAHAHAHAH! So minsan nararanasan natin, wala na tyo halos mashare. Lalo na higit isang taon na tayo dito. Minsan paulit ulit na nga e. Kaya minsan, natatamad kanadin talaga magpost. At dahil malikot ang aking isip ay may naisip ako. Hahaha! Gagawa ako nga A-Z Alphabet Challenge. Ano yun? Dko din alam! Hahahah! Kumbaga, ang ipopost ko ay mga bagay na nagsisimula sa A hanggang sa matapos sa Z. Isa din itong challenge para mahasa din ang ating isip. Biruin mo, hahanap ka sa bahay o sa paligid ng salitang nagsisimula sa A-Z. Hindi natin napapansin pero mahirap itong challenge na ito. Kasi pag umabot nako ng Z, anong madaling bagay ang makikita sa bahay na nagsisimula sa letter Z? Sige nga! Meron ba kayo jan? Hahahaha! Diba ang hirap? So ito ay isang malaking challenge tlaga! Mamaya or bukas sisimulan ko na. Pag sinipag ako. Nyahahaha! Share langs!
* SABADOOOOOO! * Ang bilis ng araw, sabado napala! Dko namalayan. Hahaha! Sana bukas magawa na namin ni Hubbybi ang mga sample ng new products. Sa totoo, nakakaloka na. Hindi mo na alam ano ba dapat ang itinda. At ang mas nakakaloka, kung kelan hating gabi tsaka naghahanap ng makakain ang mga tao. Yung totoo?! Mga aswang o bampira ba sila? Hahahaha! Kaya may plano kami na mag open ng isa pang store pero online at sa bahay lang. At mag ooffer kami ng rice meals at mga noodles. For sure marami maghahanap ng may sabaw kapag ganitong maulan na. Haha! Sa totoo lang, okay lang naman mag ulan pero sana kapag nasa bahay na ang mga tao. Hahaha! Nakaschedule lang para hindi mahirapan mga nagwowork pauwi. Charrr! Osya, ingat po ang lahat!
* WATER INSIDE THE HOUSE * Nagulat kami pagpasok namin ng bahay ay basang basa at puro tubig. Hindi naman namin naiwan ang gripo na nakabukas kaya nagttaka kami san galing ang tubig. Nabasa ang ibang gamit. Buti nalang malaki ang floor mat at napunasan agad. Nakakapanghina yung galing ka sa pagod sa pgtitinda tapos ganun ang aabutan. Bakit kaya? Pero sa totoo lang, mejo maraming problema ang bahay na nalipatan namin. Hindi naman kami mareklamo kaya sinosolusyonan nalang namin. Pero syempre, sayang din ang bayad kung hindi naman maganda ang bahay. Hehe! Pero hayaan na, atleast may bahay kami. Hehehe! Goodnight sa mga tulog na. Ngayon palang kami kakain ng hapunan. Ingats!
*KARE KARENG GULAY * Ayan, eto ang lunch namin kanina. Gulay lang kasi mahal ang karne. Hahaha! Ang dami namin peanut butter kaya naman eto ang naisip kong iluto. Okay nadin na walang karne para naman makakain lang ng gulay. Hirap din pag puro karne e. Tumataas ang cholesterol at kung anu ano sa katawan. Nakakahighblood din kasi ang mahal. Hahahah! Need din magdiet kasi nga mejo tumataba na. Pero di naman kumonti ang kain ko dto. Mas lumakas pa nga kasi ang sarap ng gulay. Haha! Katawa. Mayang gabi ito padin ang ulam namin, mejo marami kasi ang natira eh. Tipid tipid din pag may time. 🙂
* RECYCLED PENCIL HOLDER * Eto nga pala yung gawa ng anak ko na recycled pencil holder. Activity nila ito sa school kahapon. Favorite nya si Spiderman kaya ayan ang design. Tinulungan lang sya maggupit dahil baka masugatan kung hahayaan sya mag isa. Hindi man perpekto pero nakakamangha at nakakatuwa padin. Malaking bagay na makita ang anak mo na marunong sa arts. Iba padin kasi tlaga kapag ang bata ay nasanay sa mga ganitong gawain. Sa panahon ngayon mas dapat sila iiwas sa mga gadgets at pag online. Ang dami na kasing mga online post na puro kalokohan at yung iba pa nga ay kabastusan. Kahit ang mga bagong cartoons ngayon minsan may mga di magagandang salita na nakapaloob. Kaya dpat bantayan maigi ang bata.
* GIANT MANGGA * Hahaha! Nakakita nanaman ako nitong malaking mangga na ito. Sarap nito. Isa palang solve kana panigurado. Shinare lang ito ni Frenny sa GC namin. Katuwa lang makita. Mas malaki pa sa braso nya. Haha! Mas malaki din sa garapon ng Bagoong na kasama nito. Sguro mahal ang kilo nito, ang laki kasi. Ano kayang variant ng Mangga ito? At bakit sya lumalaki ng gnyan kalaki. Lokal na mangga kaya ito? O baka imported din? Dami kong tanong. Haha! Dami kasi kakaiba na ngayon sa mundo. Sharelangs!
* TEXT TO SPEECH APP * So ayan, nagdownload ako ng app na pang voice over. Nagpapatugtog kasi kami n sa store ng panghikayat ng customer. Hehe! Sa 2nd Flr kasi ang pwesto namin kaya need ng mga sounds para maattract ang mga tao. Kaya eto, gawa gawa ng bago. May need kasi tanggalin na item sa lumang voice over kaya naggawa ako ng bago. Mamaya pag uwi, ieedit ko sa laptop para malagyan naman ng background music. Di kasi namin nadala dto sa store ang laptop e. Kaya ayun. Hayss. Sana magawa ko at di ako tamaan ng katamaran. Hahahah! Sapian mo ako kaluluwa ng kasipagan. Charrrr!
* LABA LANG PO SA UMAGA * Ayan, sinimulan ko ang aking araw sa paglalaba. Hahaha! Marami na kasing laman ang basket namin at wala na masyado maisuot kaya need na tlaga namin maglaba. Sana umaraw muna. Pero pansin ko, mula umaga hanggang tanghali ay maaraw. Pagsapit ng gabi, jan na nag uulan. Okay yun kung ganun atleast pag gabi ay malamig na. No need na tlaga mag aircon. Hehehe! Pampalaki ng bill lang ang aircon e. So ayun nga. Buti nalang at fully auto yung washing machine, may time para gawin ang ibang gawain pa. Linis muna ng hugasin habang umiikot pa ang washing machine. Ingats po ang lahat!
* ADOBONG LEEG WITH ITLOG NA PULA AT KAMATIS * Di ko matandaan kung naipost ko na ba ito pero miss ko na itong kainin. Haha! Ang sarap kasi ng kombinasyon ng Adobo at Itlog na Pula na may kamatis. Swak na swak tlaga! Mas masarap pa nga lalo kung may Hinog na Mangga. Hala, nagkecrave nanaman ako. Hays! Hirap maging matakaw ah! Haha! Makapagpabili nga bukas ng leeg ng manok, baka sakali na mura lang. Sana sa mga susunod na buwan ay wag na magtaas ang mga presyo ng bilihin. Para naman makabawi na sa paghihirap. Sana matapos na ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Sana matapos na ang pandemic. Sana maging maayos napo ang lahat. Dasal lang!
* MY BABY WHEN HE WAS A BABY * HAHAHA! Nakita ko lang habang naghahalungkat ako sa messenger. Mahilig kasi ako magsend sa sarili kong messenger ng mga pics para may additional copy ako. Hahaha! Nakakamiss lanh din nung baby pa ang bebe ko. Mula baby sya hanggang ngayon 6yrs old, sobrang likot at kulit nya. Nakkatuwa lang makita. Di ko akalain. Haha! Sa totoo lang gusto ko na ulit magbuntis ulit. Kaya nga lang sobrang hirap ng buhay. Hindi pa kaya ng mga gastusin kaya tiis tiis muna. Kaya lagi kong hiling ay lumakas na ang tindahan at makapag bukas pa ng ibang business para pwede na madagdagan ang anak. Nkakalungkot kasi pag only child e. At para narin marami silang magtutulungan na magkakapatid. Hehe! Sharelangs!
* GCASH DISCOUNTS * So ayan, nagbabrowse ako sa gcash ng maalala ko na meron nga pala silang mga discounted items. So eto nga, chineck ko sya nung isang araw at ang mumura lang! Sobrang mura grabe! Need mo lang na may pera ka sa gcash. Sguro ito yung gnagamit ng ibang seller online, yung mas mura yung price saknila ng mga products kasi nga nakukuha nla ng may discount. Nakakatuwa langs! Gagamit sana kami nito kagabi kaso nga lang sabi ko wag na muna. Diet muna kami. Hahahaha! Try nyo din magcheck sa Gcash. Sayang ang discounts!
* KATAKAWAN * Ayan, sa sobrang katakawan namin ni Mister, imbes na aalis na kami para pumuntang tindahan, di kami makatayo ngayon dahil sa sobrang kabusugan. Hahaha! Masarap din yung nabili nya na Sisig at Kalderetang Manok sa karinderya. Minsan lang talaga makatagpo ng masarap na bilihan ng ulam. Hehe! Kadalasan kasi di kami satisfied sa lasa ng ulam dto malapit sa amin. Kaya ayan, naghanap sya ng iba para naman sulit ang pera. Pero konti lang ang serving. Sabagay kasi mahal na tlaga ang mga bilihin ngayon. Anyways, pababa lang konti ng kinain at makalabas na. Ingat po tayo.
* SHOULDER PAIN * Ayan, maaga nagising dahil una, akala ko ay tanghali na. May online si Bulilit ng 7am. At pangalawa, sobrang sakit ng balikat ko. Dko alam kung bakit. Parang naipit na ewan. Naalala ko, noon kapag sumakit ang balikat, binibiro namin na “Hala, Nashutter ka”. Kasi yung horror movie na yun, may part dun na parang masakit lagi yung balikat nung lalaki na bida. Yun pala, yung ghost ng gf nya lagi naka-sakay sa balikat nya. So yung bigat ng namatay nyang gf ang cause ng pagsakit ng balikat nya. Hehehehe! Share langs! Naalala ko lang bgla yung palabas na yun. Sobrang creepy kapag japanese ang gumagawa ng mga horror films. Ang puputi ng mukha at super nakakatakot. Hahahaha!
* EARLY DINNER MEAL NAMIN KANINA * Ayan, nagluto si Hubby ng Itlog na may Ham na pinutol putol ahhaahah! Kasi naman, nakakagutom. Wala pang benta, wala kasi masyadong tao dahil maulan e. Eto ang kalaban namin na mga tindera/tindero. Pag maulan ay konti ang customer. Kasi natatamad na magsilabas. Pero wala magagawa, ganun tlaga ang buhay. Anyways, okay lang yan. Ganyan tlaga ang buhay. Minsan may kita, minsan tlaga wala. Tiwala lamang 🙂 Wala naman problema na hindi nalalampasan e. At lahat ng bagay ay lilipas lang din. Dibdibin mo man, wala ng magagawa kasi yun na ang nakatakdang mangyari. Dasal nalang talaga para sa gabay ng Panginoon.
* NAKAKALULANG PRESYO NG SARDINAS * Ang mahal napala ng sardinas ngayon. Nagcrave kasi ako sa sardinas kaya ito ang ulam namin ngayon. Kaso nalula ako sa presyo. Ganito napala sya ngayon. Parang noon, nasa 12-15pesos lang ito. Pero mas mataas tlaga compared sa supermarket kasi sa Sari Sari Store lanh ito binili. Pero ganun pa man, ibig sbhin ay nagtaas na tlaga ang sardinas. Chineck ko sa purego, 20.50 na pala ang isang lata. Jusko. Nakakaloka! Favorite ko pa naman ang sardinas. Kahit ito lang ulam ko, solve na solve nako e. Hayss. Kalungkot. Sana makaahon na tyong muli.
* JUMBO SKIPPY * So eto nga ang aking almusal kanina. Ang Skippy Peanut Butter at Monay. Padala lang ito ni Mom-in-Law galing US. Actually kasama sa huling padala. Last year pa to pero konti palang nababawas namin. Hehe. Mahina kasi kami kumain ng peanut butter. Hindi din makapagluto ng Kare Kare dahil mahal ang bilihin ngayon. Wahahaha! So ayan, unti untiin hanggang maubos sya. Baka sa isang araw magKare Kareng gulay nalang pala. Wala na yung karne. Okay na yun basta malasa. Hahahaha! Kasawa nadin naman ang karne e. Ayan share langs! Kung pde lang mamigay, bgyan ko kayo. Hahahaha!
* PAKSIW NA PINK * One of my favorite na ulam talaga ay ang tinatawag kong Paksiw na Pink. Hahaha! Yung isda kasi nya ay pink. Love na love ko tlaga tong ulam na to. At super alam ni Mama yun kaya sa tuwing magkikita kami, nilulutuan nya ako nito. Mas marami ako nakakain lalo na kapag may bagoong alamang na sawsawan. Tapos ihahalo ko sa sinangag na kanin na may sabaw ng paksiw. Ay kasarap! Tlagang busog lusog. Hahaha! Pero kung walang bagoong alamang, keri nadin kahit patis lang. Mas masarap tlaga mga ganitong pagkain kesa sa mamantika. Though mahilig din naman ako sa mga fried foods. Share langs!
* SINUBUKAN KO PERO AYAW * Sinubukan ko ulit makatulog pero ayaw na tlaga. Hahaha! Kaya no choice kundi bumangon ulit at gawin ang mga dpat gawin. Bago magtanghali sguro aantukin nko. Eto hirap kapag nagising ng alanganin e. Hays! Kahit gusto pa matulog, wala magawa kasi ayaw naman ng katawan mo. Dibale, baka mmayang gabi mas makakatulog ng maaga pag uwi galing ng tindahan. Hahaha! Puro positive nalang isipin natin. Tama na sa negative. Mahirap ang mabuhay at lalong mas mahirap kapag puro problema ang inisip. Isip nalang ng mga content para sa NC. Para yung mga iniisip natin ay maging cash. Odiva? Ang saya. Mas makakatulong pa nga. Hahahaha! Ingats everyone!