read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

* L FOR LEMON * Ang lemon ay isa sa mga prutas na maraming benefits. Isa din ito sa masasarap na prutas na masarap gawing juice. Masarap itong gawing Lemonade. Tunay na nakakapawi ng uhaw. Ginagawa din itong detox drink. Pero ako, iniwasan ko yun. Kasi acidic ako e. Sinisikmura ako kapag umiinom ako nun. Masarap din itong ilagay sa mga ulam, yung zest at katas nito. Magaling din itong panghalili kapg may ubo lalo na pag may halong honey. Dahil ito ay citrus fruit, mabisa din itong source ng Vitamin C na kailangan para mapalakas ang ating immune system. Isa sa wonderful fruit tlaga ang lemon kaya gustong gusto ko ito. Sobrang bango din pero mejo may kamahalan ito sa market. Pero nakakabili kami nito ng 4 for 50pesos. Hindi na masamang presyo. Sa palengke kasi minsan nasa 20-30 pesos each ito. Depende sa nagtitinda. Hehe! Ikaw? Gusto mo din ba ang Lemon?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.