read.cash Log in
@Pandariezl

* M FOR MANTIKA * Grabe no? Ang taas na ng presyo ng mantika. Halos lahat pala, tumaas na ang presyo. Pero etong mantika, kasi kasama ito sa daily life na gnagamit ng tao. Lahat yata halos ng niluluto ay nilalagyan o gnagamitan ng mantika. Miski nga tuyo, na sana ay pinakamurang pwedeng ulamin ay ginagamitan din ng mantika. Wala naman ibang substitute. Hehe! Mejo apektado kami talaga nito kasi yung pizza namin ay ginagamitan namin ng mantika. 3months ago, nung nagsisimula palang kami,ang presyo ng 500ml na mantika ay nasa 59pesos lang. Ngayon ang 500ml na mantika ay nasa 68pesos na. Grabe! Ang laking tinaas. Sana naman unti unti na bumaba ang presyo ng mga bilihin. Kapag kasi ganito ng ganito, talagang malulubog ang mga negosyante. Hindi naman basta pwede magtaas ng presyo dahil syempre apektado din ang mga buyer. Maski naman sila ay kinakapos din sa budget. Sana maging maayos na tlaga.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.