Pash Pash Talk!
Magandang Buhay!!!
My day started well because I slept early last night, like 9:30 in the evening. I was so determined to get at least eight hours of sleep because that is what the doctors told me. But the annoying sound of drum rolls awakens us all at 4:30 in the morning! Like, what the heck? But it's okay because today is our Brgy. Fiesta and it has been a tradition yearly to wake up every household with drum rolls early in the morning.
So yeah, it's the annual brgy fiesta, but since the pandemic started, I've stopped preparing for it. And even if it was a pandemic, I would still not be preparing for it because I have other things that need spending.
Okay, this is supposed to be Tagalog because I will be doing the FasTalk, blog Edition of @Usagi. This has been in my draft for two days already. So before another day ends, I should definitely publish it, hehe.
And so, let's get it on!
--
Ganda or Talino
Pwede ba both, hahaha! But since na need lang ng isang kasagutan, doon tayo sa talino. Iba kasi ang kalamangan kapag matalino ka kesa maganda ka lang. Ang ganda pwede na machieve yan eh. Basta may pera ka eh pwede ka na magpagawa ng ilong, mata, boobs, puwet, lipo and lahat ng kung anuman enhancement ang gawin mo eh keri yan basta may pera ka. Pero ang talino, inborn yan mga teh, parang ang hirap aralin or kung maaral man eh iba pa din ang pinanganak na matalino. Saka may sex appeal kaya kaming di magaganda, charot, HAHAHA! Di naman ako maganda pero madami akong naging lover, charooooot!
Tahimik or Maingay
Depende sa sitwasyon. Di naman kasi pwede na laging tahimik, nakakabuang yun mga teh, pramis.
Aso o Pusa?
I was originally a dog person talaga. Lumaki ako sa surrounding na may mga aso kasi yun lola ko eh madaming alagang aso dati. Ngayon ko lang nakahiligan ang pusa noong time na napulot ko ang Mother cat namin na si Luna. Doon na dumami pusa namin, hahaha! Like dumami as in, like 14. Hindi ko naman maitapon or mapaampon kaya talagang inaalagaan na lang namin ng bongga. Iba kasi kapag napamahal ka na sa alaga mo. Ginagamot ko pa kapag nagkakasakit at pinapauwe isa isa kapag gabe na, hehe.
Sipag or Tyaga?
I think these two words should work together kasi kapag wala kang sipag, di ka naman magtatyaga eh.
Maliit or Malaki?
Ay tinatanong pa ba to?HAHAHA! Siempre yung MALAKI! Jusko, sa totoo lang ano ba mapapala sa maliit, at least kapag malaki may pasobra, kumpara sa maliit, hahagilapin mo pa, hahaha! Ay weeeeet, damit ba pinag-uusapan dito, HAHAHA!
Anong mas mahirap, magpataba o magpapayat?
Yung mga skinny na talaga simula bata pa eh sure ang isasagot nila eh ang magpataba pero ako na biniyayaan ng fatssss simula bata pa eh ang hirap magpapayat.
Mayaman pero malungkot sa buhay o maging mahirap pero masaya sa buhay
Etong tanog na to ang definition na God is fair talaga. Na di lahat eh nasa isang tao na. So kung ako ang papipiliin, eh ang hirap mamili. Di ba pwede mayaman or yun sakto lang ba pero masaya kasama ng pamilya. Di ko hangad un umaapaw na karangyaan, sapat na sa akin yun di kami salat at masaya kami.
The Bonus Question!
Big Wedding or Small One?
Alm nyo ba mga teh na di pa kami kasal ni jowa? Siguro kung sasagutin ko to noong bata bata pa ako, mas gusto ko big wedding. Aminin natin na lahat ng babae eh pinangarap yun, ang bonggang kasal. Pero ngayon, kahit nga kain na lang kami tapos sa jollibee after the wedding ceremony eh oks na, HAHAHA! Our preference changed through time.
To live in the city or province
Province, iba pa din ang buhay sa probinsya, sariwa at less polluted. Pero siempre depende naman sa kung ano ang career mo di ba.
Have world peace or stop World Hunger
Doon muna tayo sa mas realistic, world hunger. Feeling ko mas madaling machieve yun kesa sa world peace lalo pa ngayon na may gyera between Russia and Ukraine. So unahin muna natin pagtulungan na masugpo ang gutom sa buong mundo.
Zombie Apocalypse or Alien Invasion?
Kung ganitong mga alien naman ang lulusob sa earth eh pak na pak na jusko! hahaha! Pero on the serious note, zombie apocalypse na lang nga, mas may chance pa tayo na magsurvive doon eh.
Wearing Eyeglasses or Contact Lenses?
Eyglasses, have not tried contact lense before and kapag nanonood ako sa youtube on how to put it inside the eyes eh parang ang sakit mga teh, kaya di bale na lang, hahaha!
Go out for breakfast or dinner?
Diner, mas romantic. Saka ngarag ako sa umaga teh, andaming gawain. At least sa gabe eh relax mode na, hehe.
And it's a wrap! Wew, another day has been saved, hahaha! Thank you beh @Usagi for initiating this FasTalk! It did save me some trouble. I hope you guys enjoyed reading this. I made it as much fun as it could get so you won't be bored to death.*wink wink*
--
Date Published: February 26, 2022
Β
Β
Seryoso ba ate di pa kayo kasala ni josawa?? Kahit civil ate??
Super late ko na nabasa ate churriiii sobrang natabunan ito sa tab.