Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 5

37 61
Hey readers, the long wait is over. Hope you'll enjoy reading this chapter! 

Chapter 5

"Anak pagkatapos mo dyan maglaba eh pumunta ka ng palengke at bumili ka ng ulam natin para sa hapunan. Tapos dumaan ka kay Maritess para kunin ang bayad nya sa leche flan. "

"Hindi pa rin ba bayad si Aling Maritess Ma? Aba'y ang tagal na noon ah. "

"Ilang beses ko naman kasi pinapadaanan sayo eh di mo naman ginagawa. "

"Sige po mamaya eh dadaanan ko. "

Minsan talaga eh naisip ko kung anak ba talaga ako o katulong. Parang walang ibang nakikita dito kundi ako eh. Sabagay, iba na talaga kapag nangingibabawa ng ganda, hehe.

Pagkatapos ko bumili ng uulamin namin ay dumaan na agad ako kay Aling Maritess at kinuha ang bayad. Medyo natagalan pa dahil nakipagchismisan pa nang konte sa akin. Dati ko kasing kaklase ang anak nya at medyo bulakbulero.

Dahil madilim na ako ng makaalis sa kanila eh dumaan na ako sa short cut. Kailangan na mauna ako makauwe kina Mrs. Dimagiba kundi magigiba na naman ang eardrums ko sa bunganga nya. Pero nawala sa isip ko na madilim nga pala ang short cut na dadaanan ko. May street light nga pero aandap andap naman ang sindi. Hay naku, for sure maayos lang to kapag malapit na ang eleksyon.

Maya- maya pa ay may nararamdaman ako na sumusunod sa akin. Habang binibilisan ko ang lakad ko ay bumibilis din ang pagsunod nya sa akin.

Jusko, wag naman po sana na holdaper to. Wala ako ibibigay kundi puri ko,char! Please lang, sayang ang ganda ko kundi kumalat sa mundo, at ayoko mategi na walang dilig!"

Mas binilisan ko pa ang lakad, lakad takbo na ang ginawa ko kaya nagkakahulan na ang mga aso. Grabe na ang kabang naramdaman ko. Tumakbo na ako ng mabilis ng biglang may humila sa kamay ko.

"Huwag po kuya, huwag po. Bata pa po ako, madami pa akong pangarap sa life."

"Shiela, si Henry to." Sabay alis ng kanyang sumbrero.

"Walanghiya ka, tinakot mo ko. Akala ko katapusan ko na sa mundo!" Sabay ayos ng damit ko. Megesh naman kasi, ang guwapo nya sa suot nyang black shirt at nakasumbrero ding itim.

"Eh ano ba kasi kailangan mo sa akin, bakit mo ko hinahabol? Saka pano mo pala nalaman kung saan ako ha. Di mo naman alam kung saan ako nakatira ah?" Siempre kunwari masungit tayo. After what he've done to me, ang shaket shaket kaya nun.

"Nakita kita kanina sa palengke tapos sinundan kita sa pinuntahan mo kanina. Pero nung nakita kita na dito ka dumaan eh nag-alala ako sayo kaya sinundan na kita gang dito."

"Ngayon pwede ka na umalis, malapit na ko sa bahay namin. Di na kailangan na mag-alala ka sa akin."

"Galit ka pa din ba?"

"Ay naku hindi, hindi ako galit. Muntik lang naman ako atakehin sa puso dahil sa pagsunod mo ssa akin.!"

"Sorry Shiela" sabay hawak sa kamay ko. "Sorry hindi lang sa nangyare ngayon kundi pati sa school. Pero tandaan mo na ikaw lang ang gusto ko Shiela, ikaw lang."

Jusko, ramdam na ramdam ng pempem ko ang kilig, fishtea! Kalma pempem,kalma. Habang hawak nya ang kamay ko eh dahan-dahang lumalapit ng mukha nya sa mukha ko. hahalikan na ba nya ako? Oh my gosh, wala na ako nagawa kundi napapikit na lang at hinihintay ang kanyang kissable lips.Jusko Lord, sana totoo na to. Sana walang Mrs. Dimagiba na sisira sa moment ko na to!

Hinawakan nya ang mukha ko sabay sabing, "May butil pa ng mais sa may pisngi mo, inalis ko lang." sabay nagpakawala ng pilyong ngiti.

Ay naku kaloka! Kung bakit ba naman kasi nilantakan ko ang mais ni Aling Maritess kanina.

Akma akong aalis ng bigla nya ako hinila at dahan dahan isinandal sa pader. Kasabay ng biglang pagkiss sa aking lips, pero smack lang, sayang, hihi.

"Enebe, ginulat mo naman ako eh, di tuloy ako prepared. Isa pa nga" sabay hampas ng slight sa braso nya, with matching flick ng hair kong kulot.

"Hahaha, halika na, hatid na kita sa inyo."

Hawak nya ang kamay ko habang naglakad kami papuntang langit este sa bahay pala. Habang naglalakad kami eh feeling ko nagliliwanag ang lahat. Lahat ay maganda, pakiramdam ko napakalambot ng nilalakaran ko. Feeling heaven mga teh! Totoo na ba ito? jowa ko na ba ang langaw na to? Ay wait, di naman nya sinabi na kami na or di sya nagtanong kung pwede nya ba ako ligawan, so ano kami?

"Sandali nga Henry," sabay bitaw sa kamay nyang napakalambot. "Bakit mo nga pala ako hinalikan, di mo naman ako jowa. Saka di ka naman nanligaw sa akin eh, may pahalik halik ka kaagad." with irap ng slight.

"Sorry, masyado lang ako nadala ng damdamin ko. May pag-asa ba ako kapag nanligaw ako sayo?"

Ay magpakashunga din tong langaw na to eh, magpapahalik kaya ako sa kanya kung di ko sya gusto, pero siempre di ko yun sinabi baka masira ang moment eh.

"Pag-iisipan ko."

"Maghihintay ako kahit matagal."
"Ay di ko naman sinabi na matagal ka maghintay, mga isang araw lang,hihi."

"Sige,hanggang bukas ulit. Pumasok ka na sa inyo,mukhang may nagwawala yata sa loob."

Oh my gosh, nakalimutan ko na si Mrs. Dimagiba. Siguradong masisira ang eardrums ko sa bunganga ni Mader Earth!

to be continued...

Author's Note

I hope na nagustuhan nyo pa din ang chapter na to. I am not sure if namaintain ko ba yung momentum ng kwento eh but I hope you still like it.

To those who haven't read the first 4 chapters, here are the links babies...

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 1

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 2

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapetr 3

Ang Love Story ng Langaw at ng Agta Chapter 4

You can also leave suggestions on how you want the story will end. Thanks for reading!

Images Source

http://www.tumblr.com

Date Published : September 3, 2021

14
$ 8.50
$ 8.00 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.05 from @Yen
+ 10
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty

Comments

Tawang tawa ako doon sa butil ng mais at walang maibibigay kundi yung puri sa holdaper.. hehehe. Thanks po mam and well done po talaga..

$ 0.00
2 years ago

Nabitin ako heheh. Kilig to the bones😊

$ 0.00
2 years ago

Hehe, thank you.. Nabasa mo na ba yun mga naunang chapters?

$ 0.00
2 years ago

babasahin ko palang sis. hehe. Kakilig kasi.

$ 0.00
2 years ago

Salamat sis,hehe

$ 0.00
2 years ago

your welcome hehe

$ 0.00
2 years ago

Galing no sis ah, parang sabay sa uso abg mga expressions mo dito,nakakatawa lang at nakakgoodvibes na din.

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, salamat sis..

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha ang cute nmn ng part 5 na ito ate..ang landi ni Sheila, hahhahaha ngaun sira na eardrums nun..hahahaa

$ 0.00
2 years ago

Bwahahahahayop talaga to si Shiela, ako talaga to ee wahahahaha. Ang dami kong kilig pero mas lamang ang tawa dahil sa kaharutan ng shiela na iyan wahahaha. Ang bata bata pa ee nagrereact na di pempem bwahahaha. Waiting for the diligan wahahahaha. Pambitin ka madams ee next na agad aba. Ahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, alam mo ba habang sinusulat ko to eh naalala kita, hahHa.. Jusko madams kung ganito ka kahrot eh andami mo na guro juwa😂

$ 0.00
2 years ago

Arey.. Pati pempem ko kinilig din eih.. Hahahahaha! Ang haroot namernn.. Hahah! Pati hubby ko nakikibasa.. Tawang tawa din sya 🤣🤣

$ 0.01
2 years ago

Hahha, pkisabi sa hubby mo thank you hahahaha...

$ 0.00
2 years ago

iba talaga ang kwentong pinoy nakakaaliw, hehhee

$ 0.01
User's avatar Amz
2 years ago

Tama, mas feel kasi natin at mas nakakarelate tyo eh, hehehe... Thank you for reading Amz..

$ 0.01
2 years ago

suportahan lang po lalo na sa panahon ngayon

$ 0.00
User's avatar Amz
2 years ago

Salamat..

$ 0.00
2 years ago

ang sweet sa part na sinundan nya pa basta masigurado nyang okay lang HAHAHAHA sanaol jhah kelan kaya saken HAHAHAHA ayy..sory malayo pala sya xd

$ 0.01
2 years ago

Haha, may hugot gah? Ldr ba kayo?

$ 0.00
2 years ago

opo atee baguio sya

$ 0.00
2 years ago

Ay hala, ang layo nga..

$ 0.00
2 years ago

Hahahha akala ko nung sinabi ni Henry na may nagwawala sa loob, naramdaman niya yung heart ni Shiela na nagwawala dahil manliligaw si Henry... Hahahhaa oh my, familiar. Ganito din nangyari samin, pero yun nga lang sinagot ako kahit d pa nanligaw.. 😅😅😅

Next chapter baka madiligan na talaga...

$ 0.01
2 years ago

Ayiee, hahahahaha. Hearthrob ka gah, hahaha. Naku let's wait and see😂

$ 0.00
2 years ago

Hhahaha crush niyan pala ako kasi nang for a month na ata. Hanggang ngayon kami pa 😅

Hahahha yes, aabangan ko yung next chapter

$ 0.00
2 years ago

Oh my, so si gf pala ito, hahha, congrats gah!

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA iba talaga karisma ni sheila, ganda-ganda mo girl. May pa smack kiss pa sanaol 🤧. basta morena mahirap limotin😅

$ 0.01
2 years ago

Hahaha, mukhang nakakarelate ka gah ah, hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Hahaha medyo nang😅

$ 0.00
2 years ago

Iba talaga si Shiela hahaha. Pero laughtrip parin Yung sa butil Ng mais . Waiting for the next chapter.

$ 0.01
2 years ago

Hehehehe, thank you thank you! ❤❤

$ 0.00
2 years ago

Galing naman talaga. ahahaha....anubayan hindi nagpakipot manlang nung kiniss na walang pirmiso, hindi umilag? hahhaaha...

$ 0.00
2 years ago

Naku atat na atat na yan magpadilig, hahaha

$ 0.00
2 years ago

ahahah..kaya nga siguro kasi mukhang nag expect pa ng more :)

$ 0.00
2 years ago

Akala ko madidiligan na 🤣🤣 nabitin pa ata si shiela sa smack.ang landi 🤣🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahah, bitin na bitin talaga. May kalandian eh, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Okay pa mommy haha. Pero panira Yung butil ng mais 🤣

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Kaya nga eh, hahahaha

$ 0.00
2 years ago