Anong silbi ko dito sa mundo, kung sakit sa damdamin lang ang matatamo ko
Hello po. Ngayon lang ulit napadalaw dito sa readcash. Na busy kasi sa ibang pinagkakakitaan. Kaya hindi makapag sulat.
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, parang hindi ko na talaga kakayanin ito. Bibigay na yung puso't isipan ko pati na ang katawan ko.
Akala ng lahat ayos lang ako, kasi nakakangiti ako sa kanila ng maayos kahit may problema ako. Kahit family ko akala nila ayos lang ako, akala nila mapera ako. Kasi di naman ako dumadaing sa kanila o humihiram ng pera pag walang wala kami.
Akala nila masayang masaya ako sa buhay ko ngayon. Pero lahat kabaliktaran.
May asawa nga ako o matatawag na live in partner kasi hindi kami kasal pero hindi ko alam kung hanggang saan itong relasyon namin.
Away bati nalang palagi. Madalas hindi magka intindihan, dahil ba yun sa magka iba kami ng interest sa buhay?
Mula nang nagsama kami wala talaga ako kaalam alam sa buhay, walang experience sa pagtatrabaho dahil hindi ako pinapayagan noon ng mga magulang ko.
At walang cellphone din ako noon. Nung 2016 lang kami nagkaroon ng cp, at dun ko na nakita yung mga naglalabasan na mga online business. Sinubukan ko yung 250 ang registration fee, dahil nakaka engganyo din dahil malaki ang kita nila.
Ginawa ko lahat para makaipon, tinutukan ko talaga yun hanggang sa kumita ako. Pero nung nakakakuha na ako ng pera, bakit ganun parang ako pa masama. Kahit dun ko kinuha ang panimula para maitayo ang munti naming kubo. Pero lahat yun di manlang nila masabi na meron ako ambag dun.
Sa totoo lang nasasaktan ako kasi parang balewala lang lahat ng ginagawa ko. Ako pa minsan ang nagiging masama. Nung naging scam yun tumigil ako saglit, pero ito inaaway na naman ako kasi wala daw akong silbi dahil nasa bahay lang ako. Walang maibigay kahit piso dahil wala naman akong trabaho, sinabi ko sa partner ko na siya mag alaga sa anak namin tapos ako ang magtatrabaho pero ayaw niya kasi baka daw makahanap ako ng iba. Tama ba yun?
Pumasok din ako sa pag direct selling para kumita ako at mabili ko ang gusto ko, damit, panty, short or kung ano ano pa para sa sarili ko pati na din sa mga anak ko kasi hindi manlang sila maibili ng ama nila. Kahit nga 80 pesos lang noon na inorder ko online pinagalitan pa ako kasi humingi lang ako sa kanya. Doon ko pinursige na kelangan maghanap ako ng paraan para kumita kahit nasa bahay lang ako kasi hindi pwedeng umasa lang ako sa kanya.
Buwan buwan na akong meron nawiwithdraw sa atm, dahil sa pag direct selling. Pero alam niyo ba pag kontinlang nakukuha kung sahod ako pa ang pinagagalitan. Saklap talaga ng buhay ko, at lahay yun hindi ko sinasabi sa magulang ko kahit mamamatay na ako sa sama ng loob at stressed. Ako pa nga napapasama pag sinasagot ko siya. Mahal na mahal niya daw ako pero hindi ko maramdaman, dahil lahat ng ginagawa ko wala siyang konting suporta manlang. Ginawa ko na din ang pag online selling pero hindi din ako nagtagal dahil palagi akong pinagagalitan lalo na pag sumasakay ako sa motor niya na kasama siya sa pagdedeliver ng items. Iwan ko kung bakit ako nagtitiis sa kanya, simula palang puro nalang hirap. Ako kahit magkano lang ibigay niya sa akin na kita niya ayos lang sa akin, hindi ako nagrereklamo kasi ang importante meron lang kami pagkain, na hindi lang kami magugutom ng mga anak ko.
Lately nga lahat ng kita niya dala dala niya, binibilhan lang kami ng pagkain maghapon tapos bibigyan ako ng 20 or 50 pesos pang snack. Pero wala siyang narinig sa akin, ayos lang sa akin yun.
Ilang beses na gusto ko na siyang iwan, pero kawawa naman yung mga anak ko.
Ngayon nag away kami dahil nagalit ako, kasi yung kaibigan niya nagdala ng babae dito sa bahay kanina, akala ko asawa yung kasama, yun pala ibang babae. Parang naawa ako sa asawa ng kaibigan niya. Kawawa naman, kasi naghihintay siya sa bahay tapos yung asawa pala niya meron kasamang ibang babae.
Kaya pinagalitan ko yung asawa ko at sinabihan ko na maghanap sya ng trabaho, at sinabi ko sa kanya na hindi na ako mag cash out ng pera, bahala siyang maghanap buhay para sa pagkain namin at wag nang sumama sa kaibigan niya, dahil baka di ko mamalayan may ibang babae na din siya. Ayun nagalit sa akin at di na down ko daw siya porke't ako daw mayroon kita ngayon.
Nagmamalaki na daw ako kasi ako yung meron kita at ako bumibili ng pagkain. Mali na ako sa sinabi ko?
Ang masaklap pa noon, naririnig siya ng magulang niya. At alam ko baka masamain na naman nila yun. Pero bahala sila, alam naman nila ugali ng anak nila. Araw araw na nga lang akong umiiyak dahil sa sama ng loob sa kanilang anak.
Kung wala lang kaming anak, talagang umuwi na ako sa bahay namin sa magulang ko. Mahirap lang din mga magulang ko kaya ayokong maging pabigat sa kanila. Ako na nga tumutulong, ako pa ang masama. Insecure kasi siya dahil wala siyang trabaho ngayon at d nya tanggap na umaasa nalang siya sakin ngayon. Wala naman akong balak na sabihin yun sa kanya kung hindi lang dahil sa kaibigan nya, baka mahawa pa sa kalukuhan.
Kung ano ano nalang tawag sa akin, hindi daw ako mabuting ina, hindi mabuting asawa. Kaya feeling ko wala akong silbi dito sa mundo.
Umiiyak nalang ako at tinatanong sa panginoon kung anong purpose ko na mabuhay pa kung wala akong kwenta. Sa totoo lang hirap na hirap na ako. Wala kasi akong mapagsabihan lahat ng hinanakit ko sa buhay.
Alam ko na meron pang mas malala ang dinaranas sa buhay kesa sa akin. Pero mabuti pa sila matatag. Ako kasi hindi, akala nila masaya ako sa buhay ko, pero hindi😭
Gusto kung magkwento sa nanay ko pero nahihiya ako, at malayo sila akin. Hindi din ako makauwi ng basta basta kasi kelangan pa approval ng partner ko.
Haiistt hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Tuwing may problema ako gusto ko nalang mawala sa mundo para matapos na ang problema ko.
Parusa na ba ito saakin kasi hindi ako noon nakinig sa mga magulang ko?
😭😭😭😭😭
Pasensya na po kung dito ko sinulat, kasi kahit meron makabasa nitong rant ko sa buhay, ayos lang kasi hindi naman ako personal na kilala. Hindi ako pwede magpost sa fb at noise. Dahil andun kapatid ko at pinsan ng partner ko. Ayoko din magpost sa fb dahil makakabasa lahat ng kamag anak niya pati pamilya ko. Dito nalang yung naisip ko para mabawasan naman lahat ng bigat sa dibdib ko. Sinusulat ko to habang umiiyak, dahil gusto ko ibuhos lahat dito ang hinanakit ko lahat ng sakit sa dibdib ko🤧
Naiinggit ako tuwing meron akong makikita na masaya. Wish ko na sana maging ganun din ako. Hindi yung fake na kasiyahan na nakikita ng mga tao sa akin.
Ang aking kinahiligan noon
Heyyaa!! kumusta mga kapwa kong ka readcash. Hindi ako makatulog kaya naisipan kung magsulat.
Nung bata tayo mayroon tayong kinahihiligan. Kung ano ang uso yun ang gagayahin natin. Kasi nakaka engganyo din di ba. Kahit pina patulog ako noon sa tanghali, hindi ako natutulog haha.
Lastiko
Isa ka rin ba sa naglaro nito? Natatandaan ko pati si tatay nakikipag laro nito sa amin. Tapos yung mga pinsan at kapitbahay namin na kapwa bata ay naglalaro kami nito. Tapos kung talo bibili ulit ng lastiko sa nanalo. Ang saya lang. Tinago tago ko pa ito para hindi paglaruan ng kapatid ko at hinihiwalay hiwalay ko ang magkakapareho na kolor. Pag si tatay nakikipag laro nito sa amin tatalunin niya kami pagkatapos bibigay niya din sa amin.
Teks
Ito naman ang teks, pipiliin ko noon yung teks na bago at laging nananalo. Tapos yung bago ay tinatago ko muna, tapos luma yung pinang pupusta ko. Favorite ko yung sa Darna na kay Angel Locsin tapos yung sa Encatadia at mulawin din. Isang beses noon dahil hindi ako mautusan at nakikipaglaro lang ako sa labas kaya sinunog ng ate ko ang teks ko. Iyak ako ng iyak nun at galit na galit sa ate ko. Kasi pinaghirapan ko ipanalo tapos sinunog lang. Ang ending mas lalong hindi ako sumunod sa utos niya hehe.
Sumpak
Nakaranas ba kayong gumawa din nito? Ako oo, dahil ako lang gumagawa niyan para sa sarili ko, wala kasi akong kapatid na lalaki kaya hindi ako makapag pagawa. Kaya humahanap nalang ako ng kawayan na gagawin stick para sa sumpak na yan. At ang bala niyan ay yung papel na binabasa. Patago lang din ako gumagawa kasi pinapagalitan ako pag nakita nila na hawak ko yung itak baka raw kasi masugatan ako. Tinataon ko lang noon na tulog si tatay para makuha ko yung itak at makagawa ako.
Gagamba
Yung tuwang tuwa ako pag nakita ko sa bubong ng bahay na madaming gagamba. Pagkatapos kukuha ako ng walis tingting at saka ko kukunin ang gagamba. At inilalagay sa kaha ng posporo na wala ng laman. At saka namin pag aawayin. Pero hindi namin pinapatay. Pag sawa na kami sa paglalaro, pinapakawalan din namin yan.
Bato Lata
Ito yung lata ng sardenas tapos ilalagay sa gitna ng bilog at may isang bantay sa lata tapos babatuhin ng tsinilas para mailabas siya sa loob ng bilog. Tapos takbuhan para kunin ang tsinilas at para hindi maabutan ng bantay, hahaha ang saya ng larong ito. Kaya tuwing hapon naglalaro kami nito at pati matanda nakikitawa din dahil nanood sila.
Pitik
Ito yung maiiyak ka pagkatapos ng laro hahaha pero kami tawa lang, pag hindi pumapasok ang teacher namin noon sa elementarya ito yung laro namin para pampalipas ng oras habang walang teacher dahil hindi naman pwede lumabas ng classroom, paramihan ng tao sa libro. Pipili lang kung saang side kaliwa o kanan tapos kung sino yung meron pinaka maraming tao siya yung pipitik. Sakit kapag maraming pitik haha.
Jackstone
*Jackstone* ito noon ang uso sa eskwelahan, pag recess time na umpisa na ng laro. Pati mga lalaki naglalaro nito hahaha. Lahat ng steps nito alam ko. Sabi ng iba nakaka bobo daw maglaro nito, depende lang naman kasi kung maglalaro nalang nito palagi wala talagang matututunan. Pero panakot lang siguro yun noon para mag focus sa school ang mga mag aaral noon. Ngayon wala na akong nakikita na naglalaro nito.
At nang teenager na ako ito naman ang hilig ko
PocketBook
Ito naman yung nakahiligan ko nung teenager na ako, nakita ko lang ito noon sa mga ate ko, nakita ko na nagpupuyat sila para dito. Pero highschool na sila noon pag umuuwi sila sa bahay ito yung nakikita ko na binabasa nila, tuwing sabado sila umuuwi dahil medyo malayo ang school ng highschool. Kalaunan pag tapos na sila sa isang pocketbook ako naman ang nagbabasa, yung isang pocketbook ang dali nilang matapos pero ako mga 5-10 page lang siguro nababasa ko sa isang araw kasi patago tago lang ako magbasa, kasi pinapagalitan ako ni tatay o kaya ni nanay. Bata pa raw ako kaya bawal pa ako sa ganyan. Hanggang sa nag Highschool ako nagbabasa pa rin ako ng pocketbook pag walang pasok, minsan nanghihiram ako sa pinsan ko. Lalo na yung series ng Fuentebella,El Greco, Martha Cecilia, Precious Heart Romance at marami pang iba.Pag walang pocketbook ay korean naman pinapanood namin. Kpop lover ako noon, pero ngayon hindi na masyado. Wala na akong time manood ng Kdrama.
Ebook
Ito naman ang sumunod sa pocketbook ang Ebook reader. Pwede ka magpapasa ng Ebook via bluetooth. Kilig na kilig din ako dito noon, marami akong ebook sa keypad cp ko noon, kahit tapos ko na basahin hindi ko binubura. Buntis ako sa panganay ko noon nahilig ako nito sa pagbabasa.
Closing thoughts https://www.facebook.com/100001225340048/posts/4533104013407065/?app=fbl
Ang sarap balikan ng nakaraan. Kung pwede lang gumamit ng time machine para bumalik sa nakaraan ay ginawa ko na. Lalo na noong kabataan natin, walang iniisip na problema. Puro laro lang at kasayahan. Mas masaya noon maging bata kesa ngayon dahil ngayon gadget na ang hawak ng mga bata. Hindi na pinagpapawisan. Kaya kahit bata pa lang meron nang highblood at kung ano anong sakit.
My Love, My Enemy: Zandro is back Ep. 2
Habang tinatawag ni Stacey si Zandro ay halo halong emosyon ang nararamdaman niya. Pero bakit ganun parang hindi siya kilala nito. Lumingon ito pero tumuloy tuloy ulit sa paglalakad.
Nakapasok na nang elevator si Zandro kaya hindi na nahabol ito ni Stacey.
Hingal na hingal si Stacey ng bumalik sa Jollibee, habang hinihintay naman siya ni Raya.
Raya: Bestie *(bestfriend)anong* nangyari at bigla kang tumakbo.
Stacey: Bestie nakita ko si Zandro, alam kong siya yun. Pero hindi ko na siya naabutan. Lumingon siya, pero parang hindi niya ako kilala.
Raya: Baka naman namamalikmata ka lang bestie. Kasi di ba lagi mo siyang iniisip?
Stacey: Hindi ako maaaring magkamali, alam kong siya yun.
Raya: Kumain na nga tayo bestie, gutom na ako. Mamaya nalang natin yan pag usapan.
Nakauwi na si Stacey pero yun pa rin ang nasa isip niya.
Samantala nakabalik na ng bansa si Zandro galing London. Two years din siya doon. Hindi naging madali ang buhay niya doon, lalo na at yung isip at puso niya ay naiwan sa pilipinas. Pumunta siya kanina sa mall, at meron lang siya binili. At hindi niya akalain na makikita niya si Stacey at makikita rin siya nito. Nagmadali siyang makalayo kay Stacey dahil hinahabol siya nito kanina. Sinadya niyang hindi ito pansinin kahit lumingon siya rito.
Zandro: Sorry Stacey kailangan kong gawin yun sayo.
Bulong ni Zandro habang nakahiga siya sa kama niya.
*****Balik tanaw*****
Nagkakilala noon si Zandro at Stacey sa school nila nung college pa sila. Galit na galit ito kay Zandro dahil lagi niya itong inaasar at tinatawag na pangit. Pinagtatawanan pa niya ito pag nakikitang galit na galit. Walang araw na hindi sila nagbabangayan, minsan nga nakikita niyang umiiwas ito sa kanya dahil ayaw na nitong makita siya. Laging iniirapan ni Stacey si Zandro. Napaka bully kasi ni Zandro noon kay Stacey. Nagbago lang ang lahat ng iligtas mula sa kapahamakan si Stacey ni Zandro dahil muntik na itong mabiktima ng mga adik sa daan habang pauwi ito. Mabuti na lang at to the rescue itong si Zandro.
Mula ng iligtas siya ni Zandro, naging magka close na sila. Palagi nang magkasama sa school tuwing wala silang klase, sabay sila palaging kumain kaya na developed yung feelings nila sa isa't isa.
At inamin din ni Zandro kay Stacey na crush niya ito, at kaya niya ito inaasar para magpapansin.
Back to the reality bumalik lang si Zandro sa Pilipinas para sa negosyo na sisimulan niya sa lugar nila. At alam niyang isang araw mag krus uli sila ng landas ni Stacey. At paano kaya niya ito haharapin?
Samantala hindi naman mapakali si Stacey, gusto niyang makaharap si Zandro. Marami siyang dapat itanong rito at kung bakit nito nagawa na iwan siya.
Kaya naman pinuntahan agad niya ito sa bahay nito.
Zandro! tinawag agad ito ni Stacey ng makita si Zandro.
Stacey: Pwede ba tayo mag usap Zandro?
Zandro: Anong kailangan mo?
Stacey: Pagkatapos ng mahabang panahon, yan lang itatanong mo sa kin? Didiretsuhin na kita bakit mo ako iniwan ng walang paalam, bakit ang dali mong bitawan ako sa ere? Bakit? huhuhu
Zandro: Stacey sorry, ok sasabihin ko na ang dahilan. Kinausap ako nun ng daddy mo na layuan kita. Dahil hindi daw tayo bagay, at hindi raw ako yung lalaking gusto niya na mapangasawa mo. At binantaan niya ako na ititigil ang scholarship ko. Kaya napilitan akong iwan ka dahil hindi pwede na hindi ako makatapos ng pag aaral, dahil alam mo naman di ba ang pangarap ko? Sorry Stacey kung pinag palit kita sa pag aaral ko at hindi kita pinaglaban. Pero ngayon kayang kaya na kitang buhayin. May negosyo na ako. At kaya na kitang ipaglaban sa daddy mo.
Nang biglang sumulpot si Eduardo, sinundan niya pala si Stacey.
Eduardo: Hindi niyo na kailangan gawin yun Zandro. Humingi ako ng tawad sa nagawa ko noon sa inyo at pinag hiwalay ko kayo. Pero pinagsisihan ko naman yun ng makita kong naging miserable ang buhay ni Stacey ng mawala ka. Sana mapatawad niyo ako. Stacey anak patawarin mo sana ako. Akala ko kasi yun ang makakabuti sayo.
Stacey: Tapos na yun daddy pinapatawad na kita. Ang importante bumalik na ulit si Zandro. At ikaw Zandro, ikaw ang nang iwan tapos ako pa talaga unang humanap ng paraan para magkausap lang tayo.
Zandro: Sorry sorry bukas pa sana kita pupuntahan pero inunahan mo naman ako. Kinakabahan kasi ako baka hindi mo na ako tanggapin.
Stacey: Anong hindi, two years kaya kitang hinintay. Labis mo akong sinaktan.
Zandro: Pangako babawi ako sayo ngayon. Mahal na mahal kita. Sabay yakap kay stacey.
Stacey: Mahal na mahal din kita Zandro.
Habang ang daddy ni Stacey ay nakangiti lang na nakatingin sa kanila.
The end.....
Lead image source : Unsplash.com
My Love, My Enemy Ep.1
Napabuntong hininga na lang si Stacey habang nakatanaw sa lumulubog na araw habang nakaupo sa babaying dagat, inaalala niya kasi ang mga araw na masasaya nilang alala ng ex boyfriend niya. Dalawang taon na rin ang lumipas pero hindi niya pa rin makalimutan ang ex niya. Kahit pilitin niyang kalimutan ito, mayroon pa ring mga araw na naalala niya ito lalo na pag maglungkot siya. Hindi niya ito makalimutan dahil hindi naman sila nag hiwalay at lalong hindi sila nag away. Isang araw nagising na lang si Stacey na wala na si Zandro. Wala siyang ideya kung bakit bigla na lang itong naglaho na parang bula. Wala manlang iniwan na sulat sa kanya bago ito lumisan. Kaya hanggang ngayon hindi malaman ni Stacey kung mag moved on ba o patuloy pa rin siyang aasa na babalik pa si Zandro.
Maganda si Stacey, matangos ang ilong, sexy, maputi at matangkad. Siya yung tipong babae na pinapangarap ng lahat ng binata sa lugar nila. Pero iisa lang ang lalaking iniibig niya, at ito ay si Zandro.
Galing sa angkan ng mga Solomon si Stacey, sila ang pinaka mayaman sa lugar nila. Maraming negosyo at ari-arian ang pagmamay ari ng pamilya nila. Kaya naman ginagalang at tinitingala sila ng mga nasasakupan nila.
Stacey: Nasaan ka na ba Zandro? Ano ba ang nangyari sayo at bigla ka nalang nawala? Sana magpakita kana sa akin. Hirap na hirap na ako. Miss na miss na rin kita. Ano bang pagkakamali ko at bigla mo na lang akong iniwan sa ere.
Sambit ni Stacey habang nakatingin sa malayo. At habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. Mula ng iwan siya ni Zandro ay hindi na muli siya naging masaya. Naging masungit na rin siya, at palagi na lang nakasimangot.
Napatingin siya sa suot na relo at hindi niya namalayan ang oras at mag gagabi na pala. Tumayo siya at sumakay sa kotse para makauwi na siya, baka hanapin na siya ng Daddy niya.
Papasok pa lang siya ng mansion nila ng masalubong niya ang Daddy niyang si Eduardo.
Eduardo: Oh hija saan ka nanggaling at ngayon ka lang umuwi.
Stacey: Diyan lang sa tabi tabi dad, nagpahangin lang.
Eduardo: Hmm namimiss mo na naman siguro si Zandro ano. Bakit hindi ka na lang makipag date sa ibang mga binata diyan hija. Marami naman ang nagkakagusto sayo. Kalimutan mo na siya. Hindi mo deserve ang manloloko.
Stacey: Ayoko sa kanila dad. Ilang beses ko bang uulit ulitin yun! ( *pasigaw* )
Eduardo: Ok! Ok wag ka nang magalit. Kumain kana dun sa kusina at naghain na si manang Dory sa mesa.
Stacey: Mamaya na lang dad. Wala pa akong gana.
Nakasimangot na tinalikuran ni Stacey si Eduardo at umakyat na sa kaniyang kuwarto.
Nakatulugan na lang ni Stacey ang pag iisip kay Zandro. Nalimutan na niya ang kumain
Umaga na nang maalimpungatan si Stacey sa tunog ng cellphone niya. At si Raya pala ang bestfriend niya tumatawag sa kanya.
Raya: Hello Good morning bff! Kanina pa ako tumatawag sayo, bakit ngayon mo lang sinagot?
Stacey: Ang aga aga pa kaya bff kaya malamang tulog pa ako.
Raya: Hmm ang sabihin mo napuyat ka lang sa kaiisip mo na naman dyan sa ex mo. Bff labas tayo, pasyal tayo sa mall para naman malibang ka.
Stacey: Natatamad ako. Ikaw na lang bff.
Raya: Sige na please bff. Wala akong kasama. Boring naman kung ako lang mag isa mamamasyal. Sige na pleaaaseee!!!
Stacey: Oh sige na nga. Mag almusal lang ako pagkatapos maghanda na ako. Kita nalang tayo sa Mall.
Raya: Yeheey!! Thank you bff.
Stacey: Para talagang bata ito. Sige na bye!
Pagkatapos niyang maibaba ang cellphone sa side table, napangiti na lang si Stacey sa bestfriend niya. Kahit kailan, makulit talaga ito. Pero kahit ganoon mahal na mahal niya ito. Ito yung palaging nasa tabi niya noong lugmok na lugmok siya sa kalungkutan.
Nagkita sila ni Raya sa loob ng mall at nagsimula na silang mamasyal. Nag shopping na din sila. Pagkatapos mag shopping pumasok sila sa sinihan para manood ng favorite nilang movie. Ilang linggo din na hindi sila nagkita ng bff niya kaya miss nila ang isa't isa.
Nang matapos mag sine, pumasok sila sa favorite nilang fast food chain para kumain, ang jollibee. Habang nag kwe-kwentuhan sila ng bff niya, meron siyang nakita sa labas ng jollibee na ikinalaki ng mata niya. Hindi siya makapaniwala at nakatulala lang siya, Zandro... Sambit ni Stacey na ikinagulat din ni Raya. Biglang tumayo si Stacey para habulin yung nakita niya.
Raya: Stacey saan ka pupunta?!
Pasigaw ni Raya, pero hindi na ito narinig ni Stacey.
Zandro! Zandro! Sigaw ni Stacey pero hindi siya naririnig nito. Patuloy lang ito sa paglalakad, hanggang makarating sa elevator.
*Itutuloy*.....
My 7th Article
My love, My enemy Ep.1
Sept.2,2021
Maraming Salamat po sa mga viewers at nag comment sa article ko. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa.
Lead image source: Edited by Canva app
Flex ko lang din yung 2 sponsor ko na magaganda. Super thanks sa inyo mga sissy..
Magandang Gabi.
Gusto ko lang magpa salamat kay sis @Zcharina22. My 2nd sponsor. Thank you sissy! Godbless you and more blessing pa sana ang dumating sayo😘
Puppy Love: Heartbreak Part II
Magandang araw sa inyong lahat, ngayon lang ulit naka bisita, dahil mayroon akong pinagkakaabalahan. Itutuloy ko na iton istorya na ito. Sa totoo lang binase ko ito sa henerasyon ko. Kasi nauso noon ang textmate, naabutan ko din yung mayroon pa magbibigay ng loveletter. Lalo na kung valentines. Dati kilig na kilig ako pag nabibigyan ako ng love letter o kaya simpleng regalo. Mga iningatan ko yun dati. Pero nang nagka asawa na ako, hindi ko alam kung saan na yun napunta hahah. Oh siya simulan ko na ito...
Kung hindi niyo nabasa ang Part I, ito po ang link https://read.cash/@Meraki/puppy-love-themesong-later-part-i-c3687100
Nagpalitan nga ng simcard si Angelo at Jannah. Palagi silang magka text. Hanggang sa antukin na sila sa gabi. Kahit meron nagtetext kay Jannah na nanliligaw, at lalo yung mga classmates ni Jannah na crush siya ay hindi naman nagalit si Angelo.
Tumatawa na lang ito dahil hindi niya akalain sa dami na nanliligaw kay Jannah ay sa kanya pa ito nahulog ang loob.
Hanggang sa meron tumawag sa sim ni Angelo na hawak ni Jannah. Nagpakilala ito na friend ni Angelo pero girlfriend pala ito dati ni Angelo. Hindi naman nagalit si Jannah magiliw pa rin na kinausap niya ang ex ni Angelo. Kahit sa isip niya naiinis siya dahil kinikwento pa nito ang mga ka sweetan noon ni Angelo sa kanya. At tumatawag pa raw si Angelo hanggang 1:00am. Akala siguro ng ex ni Angelo na maapektuhan si Jannah sa mga kwento niya.
Magiliw pa rin niya itong kinausap at ang malala pa ay gusto pa itong makipag kaibigan sa kanya. Dahil sa mabait itong si Jannah kaya tinanggap niya. Kasi hindi naman sila magkikita sa personal.
Pero kinausap niya pa rin si Angelo kung bakit tumawag yung ex niya. Sabi ni Angelo magkaibigan nalang daw sila at magkababata din kaya mayroon pa silang komunikasyon.
Naging maayos naman ang relasyon nila, kahit minsan na lang sila magkita, pero madalas silang magka text at tawag. Sobrang nainlove si Jannah kay Angelo dahil sa bukod sa mabait,masayahin,palakanta at napakasipag din nito.
Minsan nga kinakantiyawan siya ng mga kapatid at kaibigan niya kasi raw parang bakla kung kumilos. Pero ganoon lang talaga yun, mahinhin lang kumilos.
Hanggang isang gabi yung ka boardmate ni Jannah na si Noel ay mayroon sinabi sa kanya. Galing si noel sa ilog, dahil nag igib ng tubig.
Noel: Jannah pumunta ka sa ilog.
Jannah: Bakit? Anong gagawin ko naman dun?
Noel: Lumalandi yung boyfriend mo, mayroon kasamang babae.
Jannah: Anong ginagawa nila?
Noel: Nag iigib yung babae at tinutulungan ng boyfriend mo.
Jannah: Ahh baka naman tinutulungan lang niya. Hayaan mo na.
Noel: Bahala ka, ikaw din. Baka niloloko ka na ng bf mo..
Jannah: Ano ka ba, hindi yun magagawa ni Angelo sa akin.
Pero alam ni Jannah na mayroon pagtingin sa kanya si Noel. Dahil nag tapat ito sa kanya pero binasted niya, kasi nga boyfriend niya na si Angelo.
At nakita nga ni Jannah na meron tinutulungan si Angelo na babae at sa katapat lang ng bahay na inuupahan na boarding house ni Jannah. At napag alaman niya na katulong pala sa bahay na yun yung babae na tinutulungan ni Angelo. Pero hindi na niya inusisa si Angelo dahil tiwala naman siya dito.
Natapos yung school days na naging maayos naman ang naging relasyon nilang dalawa. Sa katunayan si Angelo ang first kiss ni Jannah. Pero hanggang doon lang muna sila sa kiss dahil hindi pa puwede hahah. Pumayag lang si Jannah na ikiss ni Angelo dahil mahal niya ito.
Hanggang sa bakasyon na kaya umuwi na si Jannah sa kanilang baranggay. At hindi na sila nagkikita ni Angelo dahil graduate na si Jannah ng highschool, naging madalang na din silang mag usap sa text man o tawag.
Kahit christmas at new year ay nakalimutan na ni Angelo na batiin si Jannah. Hanggang sa mag first anniversary nila ay gabi na ng batiin ni Angelo si Jannah. Nakaramdam si Jannah na wala nang oras sa kanya si Angelo. Tila hindi na siya naaalala nito. Samantalang itong si Jannah ay napupuyat sa kahihintay ng tawag at text ni Angelo.
Hanggang sa napagod siya at nakipag break kay Angelo. Kahit anong paliwanag ni Angelo ay hindi na niya pinakinggan. Pinutol niya na rin ang komunikasyon nila ni Angelo.
Ilang araw na ang lumipas mula ng nakipag hiwalay si Jannah kay Angelo, doon naman niya nalaman na girlfriend pala ni Angelo, yung tinulungan ni Angelo mag igib na babae sa tapat ng boarding house niya. Ang masaklap pa ay mas nauna ito kesa kay Jannah. At doon lang na realize ni Jannah na yung isang taon nilang relasyon ay puno ng kasinungalingan at panloloko.
Dahil sa usaping financial kaya hindi na nakapag aral si Jannah ng college. At wala nang naging balita si Jannah kay Angelo. Kahit nasaktan siya ng sobra ay pinilit niyang mag moved on. Ito yung kauna unahang umibig siya pero sa maling tao pala.
**Pagtatapos**.....
*Ang sarap balikan yung mga puppy love noon. Yung mga crush lalo na yung mga nanliligaw noon. Nakakakilig di ba. Pero meron din puppy love na naging worst yung ending kagaya kay Jannah at Angelo. Pero dun tayo natuto sa mga heart break natin sa buhay. Pero parte yan ng kabataan natin. Ang mapapayo ko lang wag magpapadala sa bugso ng damdamin lalo na kung hindi ka pa sigurado kung seryuso ba siya sayo.*
Thank you po sa mga magbabasa nitong article ko. Iwan ko kung tama ba itong mga sulat ko hahaha. Pag pasensyahan niyo nalang po. :^)
6th Article
Puppylove: Heartbreak by Meraki
06-30-2021
Lead image source: marah-bashir-yCy29TG4j88-unsplash.jpg

Puppy Love: Themesong "Later" Part I
Hello guys heheheh. Andito na naman ulit ako. At ito muna ang isinulat ko. Tsaka na yung Part II ng Pregnancy Journey ko .. Pag highschool di ba madaming crush at textmate noon? At mahilig din noon yung may themesong bawat mag jowa. Relate kayo noh! Lalo na ang mga batang 90's. Kaya ito naisipan kong gawan ng istorya..
**The name of main character is Jannah and Angelo!!!!**
Pasukan na naman sa eskwelahan kaya nasa bayan na si Jannah at hinatid siya ng nanay niya sa magiging boarding house niya. Fourth year highchool na siya.
Nanay: Anak iiwan na kita dito ha, kasi baka iwanan ako ng sasakyan. Mag ingat ka dito at wag kang mag gala ng mag isa. Kung pwede lang na eskwelahan at bahay ka lang. Delikado ang panahon ngayon. Oh ito yung allowance mo sa isang linggo, tipirin mo yan..
Mahabang litanya ng nanay ni Jannah.
Jannah: Opo nay, susundin ko po ang sinabi mo. Hindi naman po ako lumalabas ng bahay. Di'ba nay?
Sagot naman ni Jannah. At umalis na ang nanay ni Jannah para umuwi.
May kalayuan ang bahay nila Jannah dahil kelangan pang sumakay ng bangkang de motor para makarating sa bayan. At sa umaga lang ang byahe ng bangkang de motor kaya kailangan bumalik agad ng nanay niya, baka kasi maiwanan siya.
Nag datingan na rin ang ka boardmate niya. Bale lima silang boardmate. Tapos makakasama rin lang nila sa iisang bahay ang may ari.
Dahil bago pa kaya nagkakahiyaan pa sila mag usap usap na mag boardmate. Tahimik lang nung gabing yun kaya natulog agad si Jannah dahil kinabukasan, lunes na at meron na silang pasok. Excited na din kasi siya na makita ang mga kaibigan niya at kung sino ang magiging classmates niya sa section niya.
**Kinaumagahan** 4:30 am pa lang gising na silang lahat na magka boardmate para magsaing at magluto ng breakfast. Tapos mag iigib din ng pang ligo.
Ganun ang eksena nila tuwing umaga sa boarding house. Para hindi rin ma late sa school kaya nakasanayan na nila na magising ng maaga.
Pangalawang araw pa lang ni Jannah sa boarding house, gabi nun ng pumasok ang pamangkin ng may ari. At iyon ay si Angelo. Nalaman kasi niya na meron nangungupahan sa bahay ng tita niya, kaya bigla siyang napadalaw sa tita niya. Kasama ang pinsan niyang babae na si Girlie. By the way katabi lang ng bahay ng tita niya ang tinutuluyan ni Angelo na tita din nya (*sana hindi kayo maguluhan haha)*
Angelo: Hello sa inyong lahat
Si Jannah naman ay tahimik lang at ngumiti lang kay Angelo. Medyo nahihiya pa kasi siya. Bigla nagsalita yung pinsan ni Angelo na si Girlie...
Girlie: Jannah pwede ba raw humingi ng number mo si Angelo?
Jannah: Bakit naman hihingin niya number ko?
Girlie: Gusto niya lang daw makipag kaibigan sayo
Jannah: Ahh ok sige! Ito number ko
Binigay naman agad ni Jannah ang number niya. At ito naman si Angelo pangiti ngiti lang sa gilid . (*ngiting tagumpay haha*)
Kinabukasan na ng e text ni Angelo si Jannah. Dahil medyo nahihiya pa siya.
Naging mag textmate si Jannah at Angelo, kahit pwede naman sila mag usap ng personal dahil magkatabi lang ang inuupahan nilang dalawa. Araw araw silang magkausap sa cellphone.
Hanggang sa niligawan na ni Angelo si Jannah, nahulog na ang loob ni Jannah kay Angelo kaya sinagot niya agad ito.
2nd year college na si Angelo nun. At si Jannah naman ay 4rth year highschool. Kaya hindi sila magka sabay pumasok sa eskwelahan dahil iba naman ang schedule ng classes ni Angelo. Gabi na rin lang sila magkausap dahil na rin naging busy sa kani-kanilang pag aaral.
Hindi naman nakakalimutan maging sweet ni Angelo kay Jannah, palagi niyang binibigyan ng Loveletter kahit nagkakausap sila sa cellphone. *Love ang term of endearment nila*
Angelo: Love para sayo
Jannah: Ano to! loveletter?
Angelo: Oo hehehe, mamaya mo na basahin. Love gusto mo palitan tayo ng simcard?
Jannah: Ngayon na ba love?
Angelo: Oo. Para makasiguro ka na wala akong iba, kung di ikaw lang..
Jannah: Haha ganun! sige na nga. Wag mong sasagutin ang tawag ng ate ko ah. Baka isumbong ako kay nanay na nakipag palitan ako ng sim card sayo.
Angelo: Ok. No prob love. Ano yung themesong natin?
Jannah: Ikaw na ang pumili love
Angelo: Ikaw na love..
Jannah: "Later" na lang favorite ko yan ei.
Angelo: Sige love. Sabi mo yan eh
Nagpalitan nga si Jannah at Angelo ng sim card. Kinilig naman si Jannah kasi wala naman ibang textmate si Angelo bukod sa kanya. Hindi rin mawari ni Jannah kung bakit yun ang napili niyang themesong nila. Siguro dahil favorite niya yun. At sumang ayon naman si Angelo.
*ITUTULOY* ........
Magiging Happy ba ang ending ni Jannah at Angelo? Abangan........
Itong story ay fictional lang po.. Hahaha Hirap mag isip ng story. Ito ay Part I pa lang, Abangan niyo po ang Part II.... Maraming Salamat sa magbabasa.
My 5th Article
Puppy Love
Themesong "Later"
August 27,2020
Lead image credit from Picsart
Here some of my articles:
(1) https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-i-b6dcc087
(2)https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-ii-sapi-38c9a696
(3)https://read.cash/@Meraki/lost-314e914b
(4)https://read.cash/@Meraki/my-pregnancy-journey-part-i-b0c7f828
Good evening everyone
I just want to thank sissy @Ling01 for sponsoring me.
You were the first to sponsor me here in readcash. Thanks a lot sis. Godbless you
My Pregnancy Journey Part I
Hello guys, I will share what I experienced, having two children in consecutive years. I also know many families like this, due to lack of knowledge on how to control, to have a many children. Especially in remote areas, such as provinces and remote villages that are no longer accessible to health workers.
*****And this is my story.....*****
One day my stomach suddenly hurt, I thought it was just a UTI. We went to the doctor for a check -up but the doctor said I didn't have a UTI. So I instructed my partner to buy a pregnancy test. And according to the pregnancy test it was positive. We were excited but mixed with nervousness.
But I'm scared of my behavior because my mood is different and I always feel nauseous every morning. I had no idea about pregnancy so I ignored it first. And the questions were answered in my mind when I saw that the pregnancy test was positive. That's why my mood swings are like that. Because I'm already pregnant.
When I was pregnant I didn't want to eat all the food because I just threw up everything. I also don't like the smell of perfume, I don't like the barbeque with ketchup, I also don't like the juice because it's sweet. After I drink I will feel nauseous. The only thing I wanted was coffee. My husband follows everything I want, and then I don't eat. So sometimes I see that he is losing patience with me but he doesn't say it.
And I always fight him when he's at home. Because I don’t want to see his face heheh.... When he leaves the house I also get angry, I throw away his clothes especially when he comes home in the afternoon. `ang bad ko hahaha`
But he endured my habit when I was pregnant. My eating habits and mood swings changed when I was six months pregnant. I became greedy for food, especially sour fruits.
****Fast forward****
When I woke up on the morning of June 11,2015 my stomach hurt, but it only disappeared for a few seconds. Then my sister said that it was a sign of labor, so I should be ready. So I took a bath and the child's clothes were ready as well as the ones I would use in the hospital. I still didn't want to go to the hospital because I said it might just be cold, so my stomach hurts. But that day, it's my duedate based on my ultrasound.
When we arrived at the hospital, I lined up at the out patient department, to check up first. My stomach isn't really sore yet so it's okay for me to wait.But the nurse saw me and asked if I was going to give birth, I said yes because my stomach was already hurting. After the nurse IE me, she said I was only 2cm and I might give birth tomorrow.
We asked the doctor to stay in the hospital because our village was far away, and they agreed. We stayed in a vacant ward.
I hadn't given birth until late at night, but my stomach ache got worse. I walked even though I could no longer bear the pain. And it was 12am when the nurse put me in the delivery room. Since it was my first time to give birth, the doctor first taught me how to urinate correctly. At 3:12 am my baby came out. I was very happy then because even though it was difficult, I was able to get my daughter out well.
I was very weak, hungry and awake because I was delivered to the room at 5am. I had a bit of a hard time breastfeeding for the first time. And I was amazed because the amount of milk in my breast. She was immediately full.
Baby and I got along well. Until one morning, we were in the hospital for the third day. The doctor said, We had to take the baby to another hospital for phototherapy, because of jaundice. Her skin is yellow so she needs light or phototherapy.
We were also in the hospital for two weeks because my son was admitted to the NICU. It is very, very difficult to look at my child every time she is injected with medicine. But it's for her own good. And when we came home just a week ago and suddenly there were lumps on his head, she was always crying because the lumps, were painful and had wounds. I immediately took my daughter to the nearest health center for a check -up. The midwife prescribed antibiotics. She recovered immediately when he took the medicine.
*To be continued......*
Hello.. medyo ilang araw din na hindi ako nakapag sulat. May kasunod pa po ito. Baka bukas ko na maisulat. Maraming salamat sa pagbabasa mga ka readcash ko dito.. Hanggang sa part II po ulit... luv yah!!!
THANK YOU!!!!
Baby photo is mine
pregnancy test kit photo from facebook
lead image source from picsart
pregnant woman from unsplash.com
This is my fourth article
My pregnancy journey
August 26,2021
Lost
I would'nt careless if someone will push me away because they dont like my attitude, i wont care if someone wil drag my hair and gripped it tightly because they dont like my face, and i wont gave a damn care if they will just ignore me spitting some ill words around me to other people, as long as i live, i won't care, as long as i breath i will continue living my boring life.
It was Saturday afternoon and i can hear my mom- oh scratch that- my step mom shouting outside my room, my forehead creased because of the commotion coming from her
"What? I asked calmly and she faced me profusely
"You brat, how many times do i have to tell you that your mom's urn should not be displayed"
"Its our house, and it's my mom, no matter how much you denied you're just a second wife to my dad" i said it through gritted teeth
These people who doesn't respect my deceased mother also wont have the right to be respected.
She walked out and i knew better, she will go and whined to my dad and i wont be shock if late my dad will be knocking on my door and in enraged.
And that's what happened, my dad talk to me to hide my mom urn because my step mom is scared and telling him that she can't sleep at night because she will be having a nightmare that my mom choking her and telling her that he steal my dad from her.
Oh how i wish that dream of her will truly come true.
I've been keeping my self in darkness along time ago, after that accident of me and my mother, maybe, just maybe im still stuck into it that's why i cant face the present and my life keeps on going back to that day. My father doesnt know the story, i was not in myself when we are saved, that my dad cant talk to me properly. And then i received a news that my mom doesnt survive and i was lost.
I lost myself a long time ago.
My dad always asking if what really happened each passing day after that accident, but then i will just give him an answer that far from thr truth.
I think it is me the problem. So after years and years i keep on visiting a psychiatrict without my father knowing, i dont want him to be worried. I can take care of myself, maybe?.
My psychiatrist will always gave me an advice that i need or i should tell my father the real story, so i can overcome my fears, those nightmare, and maybe just maybe, it is a good idea.
Wednesday morning and i saw my dad reading some tabloid, i came near him, cleared my throat
"Dad can i talk to you?" He just nodded and i sat onto the next chair adjacent to him.
"About the accident, dad im sorry if i cant gave you the answers that you wanted to hear, but it will always hunt me at night, i cant move on, i cant let go of it. That night, me and mom was going to supermarket to buy some foods for you, we decided to just walk, while on our way, we encountered some guys, ba guys in the street, they talk to us, and i was scared. Mom shield herself to protect me from those bad guys, but the were strong that they were be able to bring us to their van. i was so scared for me and for mom, i keep on shouting for help but no one come, and them mom fought those bastards with all her life inside the van but then i heard gunshots and i was in horror when i saw my mom soaking with her own blood an the next thing i know i was dragged in an abandoned building" i keep on sobbing and i can also hear my dad, crying and saying sorry in between my story.
When i woke up that night i saw some policemen and dad. I can't talk because i just saw my mom being killed in front of me, it hunts me every itnight and i will just cry until i fall asleep again.
My psychiatrist is really a big help to me. My dad file a case against those bad guys and while me i focus myself to be healed. My step mom, well hear my side story why i become like that, i she said she feel ashamed and ask for forgiveness, she became a mother material to me now, she'll always come to me to visit my psychiatrist and for the first time in my life after that accident, i feel saved and free.
The end.
This is a fiction story.
3rd Article
August 21,2021
Saturday
Meraki
After Party, A Nightmare Happens Part II Sapi
Good day mga kaibigan, medyo na busy ako dahil sa nagpa konsulta ako kanina sa OB gyne. Kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makapag sulat ng Part II.
Ito na po yung karugtong sa una kung isinulat na artikulo. Kung hindi niyo pa po nabasa ito po ang Part I ito ang link niya https://read.cash/@Meraki/after-party-a-nightmare-happens-part-i-b6dcc087
Nalaman nga namin na meron kalaro ang anak ko ng hindi nakikitang tao o *laman lupa.*
Nabigla ako kasi palagi kung kasama ang anak ko pero hindi ko manlang yun nahalata at naramdaman, dahil tahimik lang naman ang anak kasi tatlong taon pa lang sya noon. Nahuhulog siya palagi at napipilayan pero hindi namin alam na ganoon na pala ang nangyayari at kung natuloy pala kaming umuwi ng araw na yun ay mawawala sa amin yung bunsong anak ko. Palagi na pala namin kasama ang taong laman lupa. At sumama pa sa amin ng umuwi kami at doon nagsimula na sapian ang kapatid ko.
Kinausap ko ang kapatid ko na sinapian nung medyo nawala na ang takot ko.
Ako: Kung sino ka man na nandyan sa katawan ng kapatid ko bakit gusto mong kunin ang anak ko?
Aira: Wala akong kasama sa tinitirhan ko, at tahimik lang si anthony kaya gusto ko siya kalaro.
Ako: Hindi ko siya ibibigay sayo, hindi mo siya pwedeng kunin
Aira: Hindi ko naman siya sasaktan gusto ko lang makipaglaro.
At bigla siyang umiyak na parang bata. Kaya gusto niya pala kunin ang anak ko dahil pamalit raw sa sinira naming tahanan niya. Yung pinagtayuan pala namin ng bahay ay doon siya naninirahan. Galit na galit siya sa amin.
At unti unting nawala ang galit ng laman lupa nung nakita niya si anthony ang bunso ko. (*kwento ng kapatid ko nung magaling na siya)* Nakita din ng kapatid ko na hinihimas himas ng laman lupa si anthony habang natutulog. At nang oras na yun na meron sapi ang kapatid ko, si anthony ay matamlay, tahimik lang, walang ganang kumain at makipag laro. Kaya nagpasya kami na hindi muna umuwi. Dahil natakot kami sa nalaman namin.
At sinimulan ng albularyo na gamutin si Aira, iyak ng iyak habang ginagawan ng ritwal. Sabi ng albularyo hayaan lang siyang umiyak dahil hindi yun si Aira. Ilang minuto biglang tumigil at parang nanghina si aira. Sabi ng albularyo lumabas na sa katawan ni aira ang laman lupa. Pati ang anak ko pinasara ang third eye niya. Para hindi na malapitan ng laman lupa. Isang malaking tao at mahaba ang tenga ng laman lupa, pero tuwing nakikipag laro ito sa anak ko nag aanyong bata siya para hindi matakot si anthony at makipag laro sa kanya.
Dahil panatag na kami na wala nang sapi si Aira kaya umuwi na ang albularyo, kinabukasan nakipag libing si Aira sa namatay nilang kaklase pero sinamahan siya ni nanay. Habang nasa simbahan, sabi ni nanay tahimik lang si aira at hindi nagsasalita, hindi niya rin kinakausap ang mga kaibigan niya, iniirapan niya lang ito at hindi pinapansin. Pagkauwi nila ni aira at nanay nagbihis at umupo siya sa balkonahe. Tinanong namin siya at sumasagot naman, sinabihan pa ako na bantayan si anthony dahil umaaligid aligid pa ang laman lupa na, ngumingiti pa nga kaya akala namin maayos na siya. Tapos si nanay inayos yung buhok niya, pinusod ito ni nanay na parang bata.
At ilang sandali bigla na naman itong natulala at sa iisang direksiyon lang nakatingin. Pinapahiga siya ni nanay pero ayaw niya. Hindi na rin niya kami sinasagot pag kinakausap namin siya. Hindi na umiimik at iniirapan niya na lang kami.
Bigla nagsalita ang ate ko na hindi pa yan magaling kaya kelangan uli na tawagin ang albularyo. Tinawagan nga nila at agad pumunta ang albularyo sa bahay.
Ng makita ng albularyo at hawakan ang pulso ni Aira napailing ito dahil iba na naman raw ang sumapi kay Aira. At isang batang babae na nakatira sa punong kahoy sa loob ng bakuran ng inuupahan na bahay ng magulang ko.
Sinimulan na nga gamutin uli si Aira, at umiyak na naman ito na parang batang nagmamakaawa pero hindi pinalapitan sa amin.
At inisa isa ng albularyo ang puno na naroon dahil ang kaluluwa ng kapatid ko ay nandun sa puno nakatali. Naramdaman niya ng biglang parang may humila sa kanya na pumunta sa puno na yun. Si Aira pala yun at humihingi ng tulong. Mga isang oras ang lumipas bago napa alis sa katawan ni Aira ang batang babae na sumapi sa kanya.
Umiyak kaming lahat na magkakapatid pati mga magulang namin, dahil gustong isama raw si aira ng mga sumasapi sa kanya, at nanghihina na rin ito kasi pagod na pagod na siya, pag bumabalik siya sa katawan niya gutom at uhaw siya. Tinatawag namin ang pangalan ni aira para marinig niya na hindi namin siya pababayaan. Tinatali kasi siya at dinadala sa ibang lugar pag mayroon naka sapi sa kanyang katawan.
Hanggang kinabukasan ganoon pa rin, hindi na siya nilulubayan ng mga masasamang elemento ng mga laman lupa. Halos hindi na kaming lahat kumakain sa pag aalala kay Aira. Dumating yung mga kaibigan niya ng ikatatlong araw na ganoon ang sitwasyon niya. Kinakausap nila si aira kahit hindi ito sumasagot sa kanila. Sobrang nanibago sila dahil hindi naman ganoon ang ugali ni aira. Maiingay sila pag nagkikita kita. Habang kinakausap nila ito bigla na naman natulala at biglang nanghina. At namumutla na din siya. Kami naman nagkagulo agad. Yung ate ko tinatawagan ang albularyo pero hindi agad makakarating dahil meron din ibang ginagamot pa. Hindi na namin alam ang gagawin at lahat kami ay mangiyak iyak na.
Hanggang nagsasalita na si aira at tinatawag na si nanay at humihingi ng tulong. At hirap na hirap na raw siya at pagod na pagod na. Nagsasalita na rin siya na sasama na lang para matapos na ang lahat. At si nanay naman iyak na ng iyak.
Aira: Nanay tulungan niyo ako
Nanay: Aira wag kang sasama, mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin pag mawala ka.
Aira: Tulungan niyo ako, nanay! nanay!
Lahat kami nataranta na pati yung bakla na manghihilot kinuha na nila tatay, para matulungan kami. Pero sabi ng manghihilot na trauma lang si Aira.
Hindi kami naniwala kasi iba ang trauma at sapi. Hanggang sa tumawag ng ibang albularyo para maagapan agad dahil hinang hina na si aira. Gumaling naman siya, sabi ng albularyo gusto nilang sila ang manirahan sa bahay na inuupahan ng magulang ko. Nagkataon lang na si aira ay mahina kaya siya ang sinapian. At binantayan siya buong magdamag dahil baka umulit na naman. Pero sa awa ng diyos gumaling na siya pero hindi makausap pa ng maayos dahil tulala lang at hindi pa siya makapaniwala na nangyari yun sa kanya. Pinalipat rin muna siya sa bahay ng auntie ko at pinagsuot ng rosaryo.
Kasabay ng pag galing ni Aira ay ang bagyong tisoy. Sobrang lakas at lahat kami basang basa, at ang bunso kong anak nilalagnat ng gabing binabayo kami ng bagyong tisoy. Lahat kami hindi nakatulog at walang kain. Pakiramdam namin noon pinaparusahan kami. At nang gabing yun parang katapusan na ng mundo dahil ang lakas ng hangin at ulan..
Tanging dasal na lang ang aming nasasambit nung gabing iyon.
Pinagdaanan man namin ang unos na yun. Yun din ang naging daan na maging matibay ang relasyon namin mag pamilya. Dahil sa oras na yun sa isa't isa lang talaga kami kumapit.
Maraming Salamat sa lahat ng magbabasa nitong article ko. Luv yah!!!
2nd article.
August 20,2021
Hello guys, I'm Meraki, and I'm just new to readcash and I hope you'll support me and guide me here. I'm not good at english, sometimes the grammar is wrong.hehe I hope I'll meet a lot of people here, even if it's just virtual
After Party, A nightmare happens!! Part I
Hello to all here in readcash. This is my first article to write. And I hope maayos ang una kong article dito.
Itong isusulat ko ay hindi kathang isip, ito ay talagang nakita at nasaksihan ko, marami rito na alam kong hindi maniniwala dahil sa teleserye at mga pelikula lang natin ito nakikita. At ang iba dito ay hindi naranasan ito kailan man.
*Naniniwala ka ba sa laman lupa at kababalaghan?*
**Pagsisimula**
Kaarawan ng aking pamangkin noon, Taong 2019, buwan ng Nobyembre. Pinauwi kami ng ate ko dahil gusto ng pamangkin ko na nandoon ang mga pinsan niya sa kaarawan niya. Kahit wala kaming pamasahe ay binigyan kami ng ate ko para lang maka punta. Kami lang kasi ang kulang pag hindi kami dumalo sa simpleng selebrasyon. Simpleng handaan lang kasi kaming pamilya at malalapit lang na kaibigan nila ang dumalo sa kaarawan ng pamangkin ko.
Masayang masaya ang lahat lalo na at minsan lang magkita-kita. Dahil kahit iisa lang ang probinsya na tinitirhan namin magkakalayo naman na bayan. Mayroon nag kakantahan, kainan, nag iinuman at naglalaro naman ang mga bata. Lahat naki-ayon sa selebrasyon, walang kahit isa na naging malungkot at nagwala dahil sa kalasingan. Kinagabihan ay nagsasayawan na dahil mga lasing na.
Nang natapos na ang selebrasyon hindi agad kami umuwi, dahil nga minsan lang nakauwi nanatili muna kami ng ilang araw sa inuupahang bahay ng mga magulang namin.
Yung bunso namin na kapatid kinabukasan nag camping sila sa school katapat lang ng bahay na inuupahan nila nanay kasi scouting noon sa kanila. Ayaw payagan sana ni nanay dahil gabi kaya lang para sa pag aaral kaya napapayag si nanay, grade 10 siya noon. Kasama naman lahat ng kaibigan niya kaya naging panatag si nanay. Nang mag hahating gabi na bigla kami nagising lahat kasi kumalabog yung gate pero naka locked yun kasi palagi yun naka locked pag matutulog na kami. At nabigla kami kasi yung bunso kong kapatid at yung isa niyang kaibigan nasa may pintuan na at umiiyak habang kumakatok, tapos naninigas ang katawan ng kapatid ko.
Tinatanong namin kung anong nangyari pero hindi sumasagot ang bunsong kapatid ko. Kaya yung kaibigan niya yung nag kwento, pero nanginginig din at takot na takot habang nagsa-salita ay mangiyak-iyak din.
***Habang nasa eskwelahan*** sila kwento ni Hannah kaibigan ng kapatid ko, meron silang classmate na namatay dahil sa sakit at sumapi ito sa isa nilang kaibigan at kaklase, kaya nagkagulo ang lahat ng nandoon sa camping, at dahil nga kaibigan nila ang sinapian sabi ni hannah gusto daw ito tulungan ng kapatid ko sa pamamagitan ng pagkuha sa bahay ng alcamporado na bigay ng albularyo sa kanila. Doon pa lang sa school marami nang umiiyak kaya dali dali silang lumabas ng school. At sabi ni hannah ang bilis maglakad ng kapatid ko at hindi niya mahabol ito, nakakapagtaka kasi ang dali niyang nabuksan ang gate.
Habang inaalalayan namin ang kapatid ko kinakausap at niyayakap ito ni nanay, na okay lang yan at wag na bumalik sa eskwelahan, pero mas lalo siyang umiiyak at nanginginig. At dahil kinakabahan na rin si tatay kaya kinuha nila ang malapit na albularyo para tingnan kung bakit nagka ganoon ang kapatid ko, pero sa labas marami nang nag iiyakan na estudyante habang pauwi sa bahay nila.
Dumating ang albularyo at sabi niya nabigla lang daw ito sa nakita at natakot kaya ganun na lang ang reaction niya. Nang matingnan ito ng albularyo at dinasalan ay bigla itong inantok kaya pinahiga na namin, pero naka bantay pa din si nanay at tatay. Ang kaibigan niya naman ay hindi na namin pinauwi, pinatulog na lang namin sa bahay. Baka kasi kung mapaano pa sa daan.
Kinaumagahan nag uusap usap na kami tungkol sa nangyari nung nakaraan na gabi nang biglang lumabas si bunso, at sumakay siya sa duyan na nasa balkonahe. Akala namin ay ayos na siya kaya hinayaan muna namin kasi bagong gising. Tapos itong kaibigan niya lumabas at uuwi na daw siya, baka raw hanapin na siya ng mga magulang niya. At nagpaalam ito sa kapatid ko pero inirapan niya lang ito. Nagtaka si Hannah kasi closed na closed silang magkaibigan at unang pagkakataon na hindi siya nito pinansin, pero hinayaan lang ni hannah kasi naiintindihan naman niya na baka shocked pa ito sa nangyari kagabi.
Kami naman nag gagayak na kami para umuwi kasi ilang araw na din kami nanatili doon at meron pa trabaho ang mister ko. Nakabihis na kami pati na din ang dalawa kong anak ng bigla nagsalita yung kapatid ko ng pasigaw sa amin ng bunso kung anak at sabi niya sa anak ko.
Aira: Psst!! Anthony wag kang sasama sa kanila, gusto nila tayong pag hiwalayin!!
Ako naman bilang ina, bigla akong kinilabutan at kinarga agad ang anak ko, at medyo lumayo sa kapatid ko. Para hindi niya mahawakan ang anak ko. Kasi nag iba yung ugali niya. Nanlilisik din ang mata niya habang nakatingin sa amin. Bigla akong naiyak. At tinawag ko agad si nanay.
Kinausap ito ni nanay...
Nanay: Uuwi na sila kasi meron pa trabaho ang kuya mo (asawa ko)
Aira: Hindi pwede! hindi nila pwede dalhin si anthony. Hindi kami pwede maghiwalay ( umiiyak )
Sabi naman ng ate ko, nanay kelangan natin yan patingnan sa albularyo, kasi alam talaga namin na nag iba ang kilos niya.
Ako naman binigay ko muna sa asawa ko ang anak namin, tapos kinausap ko siya. Pero sa totoo lang natatakot akong lumapit sa kanya. Pero pinilit ko kasi sa isip ko baka ayaw niya lang pauwiin muna ang pamangkin niya, kasi siya lagi ang unang pinaka excited pag uuwi kami.
me : aira uuwi muna kami kasi meron kaming dapat asikasuhin din dun sa bahay.
aira : pinaghihiwalay niyo kami ni anthony!
Tinawagan agad nila ang kakilala nilang albularyo na magaling sa sapi. Medyo nagtagal pa bago dumating dahil sa malayo at mahirap ang sasakyan kasi nga umaga pa lang.At kami naman hindi muna kami pinayagan mag byahe kasi baka raw kung anong mangyari sa amin habang nag byahe.
Dumating na yung albularyo at sinabi agad niya, yung anak ko ang dahilan kaya sinapian si aira, kaya ako naman nabigla. Sabi ko paano naman nangyari yun?
At bigla agad namin naalala ng ate ko, yung pagkadating pa lang namin pinahilot namin ang anak ko na si anthony kasi inuubo siya, kasi sabi ko baka meron na naman siyang pilay. At sabi ng baklang manghihilot na meron kalaro ang anak ko na hindi namin nakikita at medyo matagal na raw. Sinabi pa ng manghihilot na pag nagagalit daw ang kalaro ng anak ko ay sinusuntok at hinuhulog siya nito.
*To be continued.....*
*Part I pa lang po iyan mga kaibigan. Akala ko kasi kaya sa isang article lang. Ang haba pala. Bale kasi pang apat na araw yan na kwento. Kaya mahaba haba pa. Salamat po sa matiyagang pagbabasa hanggang sa Part II po sana ay antabayanan niyo ang artikulo ko.*
*Habang sinusulat ko ngayon yan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba, dahil hanggang ngayon pag naaalala ko natatakot pa rin ako at kinikilabutan.*
GOODNIGHT EVERYONE AND HAVE A GOOD SLEEP !!!
August 17,2021
Tuesday
1st Article
Lead image source: via unsplash.com