For those who haven't read the first chapter of this story, I will leave the link below. Mas mafeel nyo guys and story kapag inumpisahan nyo sa first chapter.Thank you!
Ang Love Story ng Langaw at ng Agta
CHAPTER 2
Nasaan ako? Bakit puro puti ng nakikita ko, nasa langit na ba ako?
"Shiela buti at nagkamalay ka na. Nag-alala ako sayo. Kumusta pakiramdam mo?"
"Anong nangyare. Nasaan ako? "
"Andito ka sa clinic. Bigla ka kasi hinimatay sa klase kanina."
Habang sinasabi nya yun ay parang gusto ko na din himatayin ulit. Ano daw, nag -aalala sya? Enebe, kashe nemen eh. Tapos hawak hawak nya pa ang kamay ko at ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
"Shiela. "
Tumingin ako sa kanya habang sya ay titig na titig din sa akin. Dahan-dahang lumalapit ang mukha nya sa mukha ko.
Gosh Lord, please lang pakihinto ang oras. Bet na bet ko na to, dis is it na talaga!
"Shielaaaaaaa! Anong oras na nakahilata ka pa jan! Di ka ba papasok ha?! Idadaan mo pa to kay Aling Maritess ang order nyang Leche flan! Bilisan mo na dyan! Ratatatatatt, pewpewpew, kaboom! "
Bigla ako nagising sa katotohanan na panaginip lang pala. Eto talagang nanay ko panira ng moment. Damang dama ko na eh, malapit na, konteng push na lang. Tsk!
"Eto na po, tatayo na."
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang mala armalite na bibig ni Mama ang nagsisilbing alarm clock ko na. Siguro kung eto nakasama sa WWII ay siguradong di mauubusan ng bala. Pero don't get me wrong ha, mahal na mahal ko yan.
Ako si Shiela Dimagiba, 16 years old. Anak ni Mr. and Mrs. Dimagiba. Pangatlo sa limang magkakapatid at nag-iisang babae.
Di naman ako pangit talaga. Sabi nga ng Mama ko ako daw ay maganda(siempre Mama ko sya). Matangos ang ilong, pouty lips at mahahaba ang pilik mata. Sa kulay lang talaga pumalya. Kakulay ko kasi ang taong ulikba. Sa limang magkakapatid, ako lang ang kulay uling kaya ang tawag nila sa akin ay "Agta."
Dali dali na akong pumasok sa eskwela. Hindi naman talaga ako late, in fact maaga pa nga. Exaggerated lang talaga si mama. Anyways, pagpasok ko pa lang sa room eh may kumpulan agad. As usual, mga girls na panay pa cute kay "Langaw" este Henry pala. Pero ako dedma lang. Kunyare di ko sila pansin pero sa totoo lang kanina ko pa kinakalbo sa isip ko ang mga babaeng to!
First subject namin ay ang aming adviser, name nya is Miss Evelyn Dimaano. Medyo may pagkaterror yata dahil matandang dalaga na pero so far eh mabait pa naman sya. Una naming ginawa ay sitting arrangement. "Ma'am pwede bang kumandomg na lang ako kay Henry?" Naku yan talaga ang kanina ko pa gustong sabihin pero kailangan magpigil, dapat di halata.
Kapag nga naman tadhana na ang nagtakda, wala ng makakapigil pa! Magkatabi kami ng upuan ni Henry!"Thank you Lord, love nyo ko talaga."
"Hi Shiela, buti ikaw nakatabi ko."
"Oi, Henry ikaw pala."
Kung alam mo lang, kahit saan mo pa ko gustong katabi ay okay lang. Please lang, wag ka lage ngingiti, lumuluwag panty ko sayo eh!
After 2 subjects ay breaktime na. Since wala pa ako masyado kaclose na kaklase eh mag-isa ako pumunta ng canteen. Pabalik na ko sa room ng makita ko Henry kasama ang tropa nya. Nasa second floor ang room namin kaya kailangan ko mag stairs, di naman kasi ako nakakalipad eh, char!
Malayo pa lang ay tanaw ko na sya kasama ang grupo nila. Jusko ang heart ko nagwawala. Pinagpapawisan ako ng malagkit na di ko maintidihan. Eto talaga ang pinakaayaw ko eh, yun dadaan ako sa umpukan ng mga kalalakihan, nakakailang. Isama mo pa na andoon sa umpukang yun ang nagpapaluwag ng aking panty, este puso pala.
Habang hawak ang isang piattos at coke in can ay dahan dahan akong dumaan sa harapan nila. Wala naman kasi ako choice dahil wala namang ibang madaanan. So kailangan normal ang lakad, wag papahalatang kabado na parang natatae. Habang dumadaan ako sa harap nila eh ramdam ko ang mga titig nila na animo ako'y hinuhubaran,(Ganda ka teh?)
"Shiela wait!" Sabay hawak nya sa siko ko. "Nahulog ang panyo mo."
"Ay naku, thank you ulit ha. Lagi mo na lang akong tinutulungan. Nilibre mo pa ko sa pamasahe."
"Walang anuman, siempre classmate tayo eh."
Ouch, aray, aguy! Ang sakit naman nun. Classmate lang pala. Akala ko crush nya din ako.
After 2 boring classes ay lunch break naman.(Halata bang puro breaktime ang inaabangan ko?). Puno na ang canteen kaya sa labas na ako kumain. Habang pumipili ako ng ulam ay biglang may lumapit sa akin.
"Sabay na tayong kumain, libre ko na."
Paglingon ko ay si Henry pala. Enebe, pagkatapos mo sabihin sa akin na "kasi classmate mo ko", eto ka ngayon ginugulo ang damdamin ko. Hindi agad ako nakaimik kaya binayaran na agad nya ang pagkain namin at hinila ako sa isang lamesa.(Oh, lamesa muna,hindi pa sa kama,char!)
Habang kumakain kami ay di ako mapakali. Hindi ako makatingin sa kanya grabe. Di ko tuloy malasahan pagkain ko kahit gutom na gutom na ako eh.
"Hindi ka pa din nagbabago Shiela. Ikaw pa din yung dating Shiela na kilala ko."
Hala, wait, ano daw? "Ano ibig mo sabihin?"
Then Henry made a mysterious smile......
to be continued....
Author's note
Hey guys! This is it pancit! Akala ko eh hindi ko to maipublish ngayon kasi kagabe eh wala pa talaga ako maisip kung paano simulan ang chapter 2. Pero kapag pala naumpisahan mo na ay tuloy -tuloy na. Kaya sana magustuhan nyo. Abangan nyo po hanggang dulo kasi may irereveal ako sa inyo,Hahahhaha!
Lead image source: http://www.tumblr.com
Date Published: August 28, 2021
...and you will also help the author collect more tips.
Nakakaloka mag-isip si Sheila Sis, green na green, hehe...pero aminin natin na nakapag-isip din tayo ng ganito noon sa mga crushes natin hehe...hulaan ko ha kung bakit kilala ni Henry si Shiela baka kababata or classmate sila Sis, at nagtransform si Henry into a handsome lad. hehe..I'll read the chapter 3 to know kung tama ba ako...I'm so excited na talaga parang bumabalik ako sa pagka-teens hehe..