A Slumbook Story!

34 44

Happy Valentine's day guys! So kumusta na? Anong ganap? Nagkaputakan ba? Ng fireworks ha. Alam ko yan iniisip nyo, wag kayo ganun, charooot! Hahaha! Anyway, dahil araw ng mga puso ngayon, usapan lablayp tayo. Naisulat ko na dito yun kung paano kami nagsimula ng asawa ko pati na din about sa mga exes ko(ganda ka teh, dami ex ah) pero etong kay Jeffrey eh hindi pa. At naalala ko to dahil sa nabasa ko na slumbook story ni @Khing14. Naikwento ko na to sa noise pero para mas makarami ang makabasa, ishare ko na din dito.


Photo Source

I was second year highschool when this happened. Usung-uso noon ang slumbook. I had a crush sa kabilang section, halos lahat ng nasa section na yun eh kilala ko kasi classmate ko sila nun freshman pa ko. Pero yun crush ko eh bagong salta teh, bagong dugo, ang yummy๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. So ang ginawa ko eh, nilandi este frienendship ko sya ng bongga! Madaldal kasi tlaga ako kapag nakaclose mo na. So everyday, kilig to the bones ako kasi lage kami chika mga dzai. Kapag recess namin eh lage kami sabay siempre with tropa, hihihi. So feeling ko type nya rin ang exotic beauty ko, bwahahahaha! So etong mga frenny ko eh sabi gawa daw ako ng slumbook tapos pasagutan ko sa kanya para maconfirm. So kinagabihan bili agad ako ng stationary notebook, yun mabango ba. Tapos ginandahan ko ng pagsusulat, yun bang pag lumagpas sa guhit ay life and death situation na. So kinabukasan, chika chika kami habang ng aantay ng flag ceremony then sabi ko, "Jeff pekesegeten nemen slembeek ke, hihihi"(imaginine nyo na lang kung gaano ako nag effort sa pagpacute, HAHAHAHA!

So kinuha naman nya at sabi eh ibabalik nya sa recess. Jusko parang gusto ko hatakin ang oras! So dumating na pinakahihintay ko. Habang bumibili kami ng snacks eh inabot nya sa akin un slambook. Jusmio corazon, ang heart nagwawala na! So etong mga frenny ko eh ayaw magpahuli sa chika, gusto basahin na namin agad. So binasa nga namin, so umpisa eh what is your hobby, define love, mga ganun ba.. Tapos eto na mga dzai!!! Dumating na ang moment of truth!!hahahahaha!! Describe your crush: madaldal, maitim at pango Sabi ko sa mga frenny ko, hala sino to? Then sabi nila, "IKAW YAN, IKAW LANG NAMAN ANG PANGO SA ATIN"! Yawa, hahahahaah! Hayerp sa description pero kinilig ako mga dzai! Wahahahaha! So tinuloy namin un pagbabasa, Who is your crush: Melinda Yawa! Hahahahaha, parang gusto kong maihi sa kilig hahahahaha. Grabe ng tuksuhan sa amin dalawa noon. At grabe talaga, bigla akong nahiya s pagiinarte at pagpapacute ko sa kanya, hahahaha!

So eto na nga, nagkaalaman na ng feelings dahil sa slumbook na yan! After nalaman yun, ako'y hiyang hiya talaga, at di makapaniwala, jusmio! Sa dami ba naman kasi ng magaganda sa school namin eh ako pala ang crush ng bagong dugong Jeff na ito, hahahaha! So nun uwian na eh, medyo nagpabebe ako ng konte. Yun room kasi namin is magkatabi lang, kapag uwian na eh madadaanan ko talaga yun room nila kasi last un room namin. Nun palabas na ko ng room, ang mga bruha kong friends nakaabang na, hahahaha. At si Jeff andun din jusko, kailngan ko ikalma ang heart. Yun feeling ko noon eh parang naiihi na di ko mawari at grabe pawis ko, yawa! Hahahaha. So sabi ko sa kanila na mauuna na ko umuwe kasi may project ako na tatapusin sabay takbo, hahahaha. Tinatawag ako ni Jeff pero kailangan talaga magpabebe muna kasi di ko talaga alam gagawin ko, hahahaha. So nun gabing yun eh di ako makatulog, para akong baliw na inuulit ulit basahin yung slumbook ko, hahahaha. Tapos mukhang pa kong engot na tinatanong sarili ko na baka hindi ako yun, hahahaha. So kinabukasan excited ako pumasok teh! Naligo ng isang oras at naghilod ng 3 beses, hahahaha. Siempre kailangan mabango at maganda ako s paningin nya, hahaha!

So pagdating ko dun sa school, si Jeff eh nakaabang na sa gate! Malayo pa lang kita ko na sya kasi matangkad sya at maputi. So habang papalapit ako eh nakatingin na sya sa akin, Jusko eto na, grabe na yun kaba ng dibdib ko, wala ako naririnig kundi yun heartbeat ko tapos ang nakikita ko lang eh sya, hahahaha. Nun magkalapit na kami, sabi nya sa akin kanina pa daw sya nag aantay, eh siempre sabi ko naman eh, "beket nemen? " So sabi nya agad eh iniiwasan ko daw ba sya, di ko daw ba nagustuhan yun sagot nya sa slumbook ko. So sabi ko naman eh hindi ko naman sya iniiwasan at okay lang naman din yun sagot nya, so tinanong ko sya agad na sino ba kasi crush mo? At that time talaga, di ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para itanong yun. Pero mga dzai, once in a lifetime opportunity to kaya grab na, hahahahaha! Tapos sabi nya sa akin, eh ako daw crush na, boom! Wala na ko naintindihan dzai, feeling ko nasa cloud nine ako. Yun ngiti ko eh pang Miss U, hahaha! Hayerp that time feeling ko ang ganda ganda ko yawa! Hahahahaha. Simula noon eh lage na kami magkasama. Alam namin may gusto kami sa isa't isa pero wala kaming official na relasyon, M.U kumbaga. Pero walang oras na di kami magkasama. Minsan natanong ko sya kung bakit nya ba ko crush. Ang sabi nya sa akin eh, kasi daw nun unang araw nya sa school, since transferee sya. Yun tawa at ingay ko din agad yun napansin nya, hahahaha! Tapos nun pinakilala ako sa kanya ng mga classmate nya eh feeling daw nya na welcome na welcome daw sya sa school na yun. At napakafriendly ko daw. Ay jusko, kung alam ko lang na yun lang pla secret para makabingwit ng mga transfefee eh ginawa ko na dati pa, hahahahaha!

To give you an idea kung ano itsura nya is isa lang masasabi ko, he is way out of my league. Matangkad, maputi at may pagkasingkit sya. Eh ako exotic beauty lang, yun tipong pa endangered species na, HAHAHAHA! Pero never nya pinaramdam sa akin yun, ang sweet nya at napakamaalalahanin. Lage akong may libreng fuds kapag recess at libre pamasahe pauwe, hahaha. Kasi eventually, iisa ang way namin pauwe so sabay kami lage. Dumaan din kami sa selosan, pero sya ang madalas magselos kasi daw napakafriendly ko kahit sa lalaki. Kaya lage ko sinasabi sa kanya na sya nga lang nagkagusto sa akin eh, hahahaha. Nag start yun pagiging M. U namin ng second quarter. And those times was like a roller coaster ride for me. Ang sarap mga dzai sa feels, hahaha. So nagkiss ba kami? Eto ang kwento jan, nagpapaturo sya sa akin noon sa English kasi medyo mahina sya dun. So habang nagsusulat ako, bigla nya tinawag un name ko ngpagkalambing lambing, hahahaha. Jusko nun tumingin ako s kanya eh sabi nya pakiss daw, yawa! Hahahahaha. So grabe un kaba ko dzai! First time nya un humingi ng kiss! Feeling ko eh sasabog heart ko, hahahaha. Di ko alam gagawin ko talaga, jusko naman kasi PORTEN pa lang ako nun, hahaha. May gatas pa sa labi, hahahaha. So sabi ko "SHEGE PERE SHE CHEKS LENG" Hahahahaha! So ayun, kiss nya ko sa cheeks ng dalawang beses sabay yakap sa akin nga mahigpit, hahahaha. Yes, in the entire time na mag MU kami di ako nagpakiss sa lips, hahahaha. Jusko naman kasi porrten nga lang ako nun at kulang pa sa aral, HAHAHAHA. But like other relationship, di lahat puro saya. After school year, kailangan ko magtransfer sa public school kasi madami na kami nag aaral noon. So nagkahiwalay kami ng school ng 3rd year na kami. Pero in the first quarter ng klase eh nagkikita pa kami, sinusundo nya ko sa school at minsan eh sabay pa kami papasok. Pero at the end of the day, natapos din yun kung anong meron kami. Di ko alam kung pareho ba kami napagod or di lang ako masyado seryoso nun sa kanya. Isip bata pa kasi tlaga ako that time at sya eh mas matanda sa akin ng 2 years. After that wala na ko balita sa kanya, naging busy na ko sa school at sa mga bagong friends at crush, wahahahahaha!

So fast forward tayo ng 3 years! May paliga ng Volleyball sa barangay namin, since ako na player ng volleyball eh sumali kami. So eto na, jusko pinagtagpo na naman kami ni tadhana! So habang may game kami noon, siempre pawisan ako at mukhang bilasang isda! Nun natapos na ang laro, bigla may kumalabit sa akin mga dzai! At paglingon ko eh nakita ko sya, wahahahaha! Ang nasabi ko lang nun eh, Oiiiiii Jeff! Yun lang talaga pisti! Kasi naman mga dzai ang itsura ko noon eh parang nahulas ang ganda, hahaha. Tapos sya eh mas lalo na gumwapo. So usap usp kami, then napag usapan namin ang past. Ano daw ba nangyare sa amin noon, hahahahaha. Sabi ko na lang mga bata pa kami noon at wala pang muwang, hahahaha. Tapos tinanong nya ako kung may bf daw ba ako, ay ang feeling ko nun biglang bumukas ang langit para magdala ng magndang balita sa akin, hahahahaha. Grabe yun nerbiyos ko at kaba nun. So sbi k on eh wala, then nun ako na ang nagtanong eh bigla ako sinakluban ng langit at lupa. Kasi meron daw sya gf๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ. Taga doon lang daw ang gf nya sa barangay namin at pupunta daw sya sana doon kaso nakita nya daw na may paliga at napasilip sya then nakita nga nya ako na naglalaro. Ang chakit chakit mga dzai! Akala ko together again na kami! Pero okay lang at least eh nagkaintindihan kami. Before sya nagpaalam sa akin eh niyakap nya ako at kiniss sa cheeks! Gusto ko sana magprotesta hahahahaha! Kung bakit di nya ko sa lips hinalikan, hahaha! Yun na ang huli namin pagkikita. Masaya ako at nagkausap kami at nagkaron ng closure. Isa lang ang pinanghihinayangan ko talaga at yun ay kung bakit di ako nagpahalik sa lips noon, puro lang sa cheeks, yawa! HHAHAHAHAHA! jusko ang lambot pa naman ng lips nya, cheeks ko lang ang nakinabang! Hahahaha. Kasi naman ang bta ko pa noon, feeling ko kapag nagpahalik ako sa lips eh mabubuntis ako, hahahaha! Pero masayang masaya ako at isa si Jeff sa nagbigay kulay sa high school life ko. Pinasaya nya buong sophomore year ko. Nanghibinayang lang talaga ako kung bakit di ako nagpakiss, hahaha! Choosy eh negrita naman, hahahahaah!


And that's it, sana eh napasaya ko kayo lalo na yung mga single dyan sa araw na to! Hahaha! By the way, share ko na din dito yung eme emeng tula na gawa ko for my husband. Entry ko din to sa pacontest ng guild namin.

https://twitter.com/damelindz/status/1493138932610990080?s=19

Happy heart's day everyone!!!!

--

Related Articles:

D Day I almost Become A Mistress

I Was Once A Cheater

Crush or Crushed?

Tempted....Almost

Ruel


Date Published: February 14, 2022

Lead Image Source

10
$ 9.19
$ 8.69 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @kingofreview
$ 0.05 from @Jane
+ 7
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty

Comments

Ayy sayang naman pala yon Mamsh

$ 0.00
2 years ago

highschool life oh my highschool life whahaha ang peg. at least ate ang ganda ng experience mo nung bata a pa. tipong bebe lang jusko ako nung 14 ako medyo harut na ko nyan whahaha..

$ 0.00
2 years ago

hahaha, masasabi ko talaga na mkulay ang buhay ko noong high school beh, hehe

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHHAA , grabeng pakyutan at pabebehan yung naganap pala ate? Hahahhaa jusko diko mapigilang tumawa at kiligin ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Oo beh, ahahaha.. Very clorful ang kabataan ko eh, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Grabe ka makipaglandian este makipagfriendshipan Momshie! Oy atleast na kiss sa cheeks! Aayaw ka pa momshie. May pabaon sayo kahit nasaktan ang umasa mong puso. ๐Ÿคฃ

$ 0.00
2 years ago

Sayang yun momshie, hahaha!

$ 0.00
2 years ago

Tawang tawa ako ate sa storya mo lalo na yung ikaw lang yung pango sa amin ahha. Parang lang ako ate nagbabasa ng Dear Uge, try niyo minsan kaya magsend ng entries ron baka pala rin eh hehe. Ang sweet naman ninyo ate hehe dami mo ate naging ex ako 17 na ni isa wala. Nahuhumaling sa mga taong alam kong sa cp ko lang matatanaw HAHHAHAHAHHAHHAHAHHA

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, step up! Naku naku, masarap mainlove habang bata pa. Magiging colorful ang life mo, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Wala pa talaga sa isip ko ang ganyang bagay sis sa edad na yan๐Ÿ˜…ako lang ang utosan ng mga kaklase ko para maghatid ngga loveletter nila๐Ÿคฃ

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, nku beh maaga ako naglandi eh๐Ÿ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Bwahahaha, yong sa halik sa lips talaga ee ahaha. Isa't kalahating malantod ka talaga non madams ano ako kasi 2 and half na malantod ahahahaha. Pero sayang talaga yurn ahahaha

$ 0.00
2 years ago

Wahahahaha, nakakapanghinayang talaga madams, hahahaha!

$ 0.00
2 years ago

Haha wala putukan, pero baka marami na na scammed

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha! Mukhang madami nga sis

$ 0.00
2 years ago

Naku, naku. Kawawa naman

$ 0.00
2 years ago

Making me laugh sis :), Happy Valentine's!!.

$ 0.00
2 years ago

Glad to know that you like it sis! Happy heart's day!

$ 0.00
2 years ago

Slambook high school days haha.. Cute ng poem.

$ 0.00
2 years ago

Salamat Jane, hehe

$ 0.00
2 years ago

Ay ang harot. Porten palang e hahaha.

My entry kadin pala dyan mommy. For the economy no hahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Yes yen, kanina ko lang yan ginawa, hahaha

$ 0.00
2 years ago

Naihabol pa hahaha

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Oo, pagpost ko nyan eh naglast call na si chad, hahaha

$ 0.00
2 years ago

ahahahaha ang saya ng kwento mo sis..w ala ako ganyang kwento kasi all girls school ako ng high school haha kay boring ang high school ko LOLz

$ 0.00
2 years ago

Ay naku, boring nga kapag ganun sis, hahaha.. Wala yun crush crush eh.. Hahahaha.. Anyways, salamat sa pagbabasa, ang haba pa naman๐Ÿ˜‚

$ 0.00
2 years ago

aahahaha oks lang.. aliw naman basahin eh hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hehe, salamat

$ 0.00
2 years ago

Nakakatuwa ka talaga magkwento sis...hindi nakakaboring basahin...napakalively..hahaha.... sayang nga lang hindi mo natikman ang kiss nya sa lips..nagpakipot ka pa kasi ng konte...hahaha..15 ako nung una din ako mahalikan sa lips..ahahaha..

$ 0.00
2 years ago

Ay ewan ko ba sis hahaha! Hinayang na hinayang eh๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Salamat sis, happy ako at napasaya kita.

$ 0.00
2 years ago

oo sis...hahaha...sana all lively magsulat :)..char!..it reflects your personality I guess, siguro sis masayahin ka

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, parang ganun na nga sis, maypagkakenkoy talaga ako at madaldal, siguro un yung asset ko, charot! ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Oo sis .asset mo talaga yan...hehehe

$ 0.00
2 years ago

hehehe, salamat sis

$ 0.00
2 years ago