Maliwanag ang mundo nung hindi kapa nakikilala, lagi akong nakangiti at tila ba ay walang problema, simpleng tugon ay akin pang naaalala.
Ngunit nung dumating ka, ang dating masiyahin ay nagbago at naging bugnutin.
Nakita ka sa paaralan, habang ako'y nasa sampung baitang pa lamang. Hindi ko lubos akalain na hahanap-hanapin kita at magugustuhan ng pusong batong ito.
Naaalala mo paba?
Nung una kitang nakausap nung ako'y nasa ikalabing isang baitang, hindi ko pa alam ang iyong pangalan pero palagi kitang napagtatanungan.
September 12, 2018 ng akin kang nakilala, oh diba pati ang petsa ay tanda ko pa. Masiyahin ka at laging tumatawa, mukhang mabait at maayos kapag nakausap..hindi halata sa iyong mukha ang totoong ugali na iyong hindi pinapakita, kaya akala ng lahat mabuti ka sa pati sa iba.
Maayos naman ang takbo ng lahat nung ika'y kaibigan ko pa. Mabait ka, masipag at magalang sa iyong magulang kapag ako'y nasa harap mo.
Ang ganda ng ngiti mo, ngiting demonyo kung sa totoo lamang.
Una, dalawa, tatlo...maayos ang ating paguusap. Wala sa ugali mo ang mabigat na kamay mong mapanakit nung nagkaroon na ng tayo, akala ko'y lahat dina magbabago. Kaya naman naisipan kong sayo'y subukan makipagrelasyon.
Sa unang araw na naging tayo, tila nag bago ang iyong pakikitungo. Sinabihan mo ako ng masasakit na salita, na sa isipan ko ay ayaw nang mabura, tila nagbago ang ikaw na aking nakilala.
Hindi ka na'yan, sa totoo lang ibang tao kana.
Pwersahan mong ginagawa lahat, kahit ayaw ko. Binastos mo ako, sa paraang hindi ko gusto.
Ilang besss akong lumuha, at nakinig sa katwiran mong aking pinaniwalaan. Ilang beses karin nagpaliwanag, at sinasabing hindi mo iyon sinasadya. Pero ano nga ba ang nais mo?
Pinagbuhatan mo na ako ng kamay, kahit nagmamakaawa ako sayong tama na. Sa harap ng mga magulang natin ay nagaaway tayo, nagtatalo sa walang kabuluhang rason. Hanggang sa nasaktan mo ako, naitulak at nasigawan. Ang dami nakasaksi.
Ako ang kasama mo pero laging siya ang nasaisip mo, bukambibig mo rin at tila ba'y wala ako sa paligid mo.
Nahiya ako, pagkatapos ng lahat. Dahil pakiramdam ko, dahil sayo'y ayaw kong magpatuloy pa.
Pero salamat, dahil sa pananakit mo nakilala ko siya.
AUTHOR'S NOTE
Siguro nga hindi tayo itinadhana, pero dahil sa ginawa mo nakilala mo ang taong labis akong iniingatan, nakilala ko ang taong halos iniintindi ang aking nararamdaman. Siguro, naaalala kita dahil akin kang kinukwento sakaniya. Pero, salamat sa ginawa mo at dahil sayo natagpuan ko siya. Natuto ako, natutong pumili ng dapat at nararapat. Salamat, dahil sa iyo ma minahal ko ang sarili ko. Kung hindi kita nakilala, at kung hindi kayo dumating..siguro hindi kami pagtatagpuin ng tadhana ng taong labis na mahal ko ngayon.
Sobrang nainspire ako sa article ni @Eunoia na ipinamagatang "Narito ka kasi mahal mo ako o dahil sa mahal lamang kita?". At naisipan kong sumali hehe.
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA.
Date: Sept 4, 2021
Story mo?? Uwu, I mean yeah ganyan naman talaga sa pagmamahal ee. Di laging purong saya lang ang mararanasan mo. Minsan, dadating sila sayo pasakitan ka pero in the end un pa ang magiging dahilan para makahanap ng mas higit pa sa kanila. Blessing in disguise.