Mistulang isang tanikala ang bumabalot sa aking pagkatao matapos ang madugong digmaan ng dalawang pusong hindi alam kung sino ang panalo at sino ang luhaan, ako ba ang panalo dahil nakita ng dalawa kung mata ang masayang paglisan mo? o ako ang luhaan dahil sa huli ako lang ang naiwan sa lugar at pahanon na dapat tayung dalawa ang magkasama, gaya nang ating habang-buhay na pangako?
Sino ba kasi ang nilalang na nagsambit na ang unang minahal ay kailan hindi makakalimutan, gusto ko kung ibaling ang sisi sa kanya. Gusto kung magalit sa kanya, sapagkat siya ang taong hindi ko makakalimutan kahit kailan man.
Ang mapait na sandali kasama ng luhaang puso ko ay nakatanaw sa kanlurang direksyon habang pinagmamasda ang ilaw ng poste sa kabahayan. Agad kung naalala na ang sandali sa ilalim ng bumbilyang iba at puno ng sari-saring makukulay na tila mga tanikala sa langit, mga kuliglig na siyang sumasayaw sa ating unang pagkikita. Ang mga bituin na siyang nagbigay sa atin sa saya, kagalakan at ang pangako nang sandali.
Gusto kung bumalik na lamang sa nakaraan at iwanan ang katotohanan sa sandaling ganito, ang masidhing paghahanap sa kanlungan mo ay hahanap hanapin ko. Ang ngiting minsan bumuhay sa pagkatao ko ay tiyak na lilingunin ko, sapagkat ang bawat puso ko at para lamang sa kalooban mo.
Paano nga ba nagsimula ang estoryang ako ang napatanong kung ang tanging dahilan kung bakit ka narito sa pudir at piling ko ay dahil sa mahal kita, hindi na sa kadahilanang mahal mo din ako? dahil sa awa mo kaya hindi mo kayang iwanan ang ako, dahil sa ayaw mo akong masaktan kaya sarili mo ang sinasaktan mo.
Isang gabing madilim ng kahapon ang nagpakita, ano ang pakiramdam ng isang taong nangungulila sa unang tinibok ng puso niya? Hindi ko lubos akalain na ang panaginip na mismo ang nagdidikit sa inyung dalawa, sapagkat ako ang katabi mo ngunit ang pangalan niya ang nasa panaginip ng iyung mabulaklak na kaisipan. Ang tadhana na ang nagdadala sayu sa nakaraan na wari bang sinasabi na hindi mo nararapat na makalimutan.
Pilit kung ini-iwasan ang mga senyales na iba na ang galawan ng dating ikaw, ang masasaya at maiingay na halakhak mo ay tila siang emahinasyon ko na lamang sa aking isipan, ang pag-ngiti mo sa bandang lutuan kapag akoy bumababa sa unang pagbangon sa umaga, ang halik na bungad mo ay tila isang litrato na lamang at akoy nakatitig na kawalan.
Umaga na pala, hindi ko na napagmasdan ang orasan. Isang gabing walang himbing nanaman ang lumipas, mag iisang linggo na din ngunit tila ba wala akong pagod na nakahawak lamang sa isang botelya ng masangsang na tubig. Nagkalat ang mga basyo ng inumin, ang tanging nagpapalimut sa akin na minsan isang gabi isiniwalat mo ang lahat.
Panaginip na lamang ang lahat.
Isang gabi, hindi ko alam na ang dilim ng araw ay ang tanging hinihintay mo, masaya akong pumasok ngunit tahimik ang loob ng tahanan natin minsay punong-puno ng kagalakan sa aking bawat pagbalik.
Tahimik kalang sa isang lugar, alam ko nang may mali at sinusubukan kung itama kung ano man ang mayroon. Nakahain na ang lahat, ano ba't inihain mo ang mga pagkaing alam mung gustong-gusto ko, masaya akong umupo upang masabayan kana sa gabi, gusto kung mag-ingay papuri lamang ang narinig mong bigkas ng mga labi ko, ngunit walang salita ang baling sayu.
Natapos na ang gabi ng hapunan, randam ko ang bawat pagbukas ng mga mata mo. Pilit kung hinahayaan ngunit alam ko na ang kahihinatnan. Ngumiti ako at lumapit sayu, hinagkan kita at hinalikan sa noo. Doon para bang may naramdaman kana.
"Ayus lang puntahan mo na, mahalin mo ang dapat at nararapat" bigkas ko nakangiti at pilit na pinipigilan ang mata kung lumuha, gusto kung ipakita na ayus lang ang lahat, hindi na kailangan pang maging isang tahimik na walang alam.
Gusto kung sisihin ang sarili ko, sapagkat ako din ay isa sa naniwala at nagsabing ang unang minahal ay hahit kailan man hindi makakalimutan. Ikaw ang una kung mahal, at ayaw kung maging hadlang sa kasiyahan mo, ayaw kung ako ang rason ng pighati sa puso mo, sapagkat dumating na inihintay mo ang makasama ang lalaking mas nauna sa akin, ang tangi mong mahal.
Kahit kailan man hindi kita sinisi o ano paman ang makita kang masaya sa kanya kahit hindi sa akin ay isang masayang katapusan.
Happy ending diba? salamat sa pagbabasa. Isa itong kwento hango sa totoong buhay ng tao sa paligid ko maraming salamat.
Mapanakit ka Mr. Eunoia. Kahit di sayo nangyari, malupit pa din ang hugot mo dito. 👌