So yung challenge na to ay nagumpisa kay ate @Jane, thankyou ate andami kong naalala ng dahil dito.
Minsan sa sobrang dami ng iniisip natin ay andami narin nating nakakalimutan, minsan nga sobrang nalulutang pa tayo sa kakaisip na nagiging sanhi kung bakit mas nagiging ulyanin tayo minsan. Sa artikulong ito ay aking ibabahagi ang aking karanasan, na ipinamagatang "Senior Moments".
Test Papers.
So nangyare to grade 11 ako, Lagi akong inuutusan ng teacher namin noon na mamigay ng test papers sa mga kaklse ko at ako rin tagacollect pagkatapos. Each subject ay may 2hours before tapusin ang 200 items na exam. 2 subject sa umaga at 2 subjects rin sa hapon, so 2nd sem nun. Midterm namin sa 2nd sem, nacollect ko na yung test paper sa last subject namin nung tinawag ako ng isang teacher namin sa panel dahil may inutos. Pagbalik ko ng room, nghuhumming pa ako dahil nawala sa isipan ko na dadalhin ko pala yung testpaper sa office. Nung time nayan, di talaga ako nagchecheck ng phone lalo na ng mga text messages. So nung nakita ko yung sandamakmak na test paper, mga sis pinasok ko sa bag at umuwi. So around 9pm nakatanggap ako ng call sa teacher ko, napagalitan ako kasi yung test paper daw di ko inihatid sa office.
PE. (Ps: namali ako sorry, lutang ata ako habang tinatype to kase ballpen nalagay ko.)
Eto talaga, one time may balik kami sa school dahil mag papasa ng mga requirements para sa PE, balik namin ay lunes, so nung balik na namin sa school, syempre bumalik ako. Pagbaba ko sa tricycle ay nakita kong andaming tao sa school, tapos nagtataka ako. Pagbaba ko sa school ay tiingala ko lang yung gate ng campus, saka sumakay ulit pauwi. Nakalimutan kongmagpapasa pala kami. Chinat nalang ako ng kaklse ko na "Asan kana? Ikaw nalang kulang dito".
The word "Daan"
So nasa manila ako this time, nasa ocean park kami ng pamangkin ko with my other relatives. Tatanga-tanga ako this time, ilongga kasi ako so iba meaning ng "Daan" saamin. So paglabas namin ng oean park, nagaaway yung kasama ko kung saan daw yung daan. so pagkakaintindi ko is "Asan yung LUMA", Yes, Daan means LUMA in tagalog.So syempre ako deadma lan, so nung nasa laguna ako lumabas ako magisa para bumili. Di ko manlang namalayan na ang layo ng nilakad ko kase namamangha ako sa mga nakikita ko dahil di ganyan kaliwanag sa probinsya. After ko bumili, pauwi na ako pero di ko na alam yung dinaanan ko. Kaya nagtanong-tanong ako, meron namang nagexplain saakin ng dadaanan pero ako, "Ano ba tagalog ng daan?". So yung nangyare tinanong ko yung pinagtanungan ko kung ano tagalog ng daan kasi nakalimutan ko. Si ate nagtataka saken kase tagalog nadaw yun, tapos inexplain ko pero sabi niya tagalog nadaw. Ending pinasuggest nalang niyana tawagan yung isa sa mga kasama ko and yes, sinundo nalang ako.
Nagluluto.
So eto naranasan ko grade 9 ako, madalas ako uminom ng Paxil nung oras nayan, lagi kasi akonagpapanic attack at sobrang stress at depressed ako that time. Tanghali nun, so once a day lang iniinom tong gamot na to. Di ko alam kung source to ng pagiging malimutin pero yes sobra akong naging ulyanin nung time na nagtetake ako nito. Nagluluto ako nun, iniwan ko saglit niluto ko dahil may tumwag. Nakalimutan kong nagluluto ako, pumasok ako sa kwarto at natulog.
SUV pa.
So alam ko na ilan sainyo ay nabasa na to sa comment section kaya uulitin ko dito. Grade 12 ako nito, maulan. So walang tricycle na dumadaan dahil madulas yung daan dito kapag maulan, so no choice ako kundi magtake ng SUV. Antukin kasi ako sa ganyan kaya nung nakasakay ako, nasaisipan ko 10mins naman before makarating sa school at gigising nalang akoka pagmalapit na. So nalimutan ko yun, teh paggising ko nasa terminal na ako ng city. Which is 2hrs away from the province, jusko sobrang nanlai mata ko nun di ako agad nakapagreact.
Classmates.
Ako lang ba to? (Is it me you're looking for~ de charot.) So eto, sa loob ng isang taon na pagsasama namin ng kaklase ko nung f2f, ni minsan sa tanang buhay ko never ko nasolo pangalan ng buong kaklse ko. Puro ako "Langga" (Mahal) dahil di ko maalala pangalan nila HAHAHAHA sorry sakanila.
So iilan to sa mga Senior experience ko with matching lutang moments sa testpaper, so sana naenjoy niyo eheheh.
Closing Thoughts:
Magandang gabi sa lahat! So di ko alam kung kamusta mga araw niyo, at hiling ko ay sana maayos lang. Madaming salamat sa sumali sa Lutang Moments, masaydo akong natutuwa mabasa entry niyo. Maraming salamat sainyo, palangga ta kamo :) .
Date: 7-28-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Parehas tayo be, nakakalimutan mga pangalan so tawag ko sa kanila "dai" na lang. Jahaha