Positive thinker is not only about expecting the best to happen. But it is also about accepting, whatever happen is for the best. Good morning mga kaingay. Kapit sa ating lahat ngayong araw ang thought for the day. Maging positibo kahit anuman ang mangyari kaya mag enjoy lang buong araw, magpakaabala at magpakahusay sa gawain. Ingat tayo mga kaingay!
@Nengste in July 2022
Ito yung pinagbabawal sa platform na ito pero pwedeng kainin. Madalas na pinampapasalubong ng mga galing sa abroad at dinidisplay sa estante para yayamanin tingnan. Binuksan na ni granny Nengste para sa pananghalian, easy lang lutuin kaya hindi pagpapawisan.
Ito ang isang pagkain na gustong gusto ng ating brain dahil sa asukal nitong taglay na nakakatulong upang tayo ay maging pokus sa ating ginagawa at kalmado, katulad din ng chocolate, alam niyo bang pag ako ay pagod tuwing pagkatapos maglaba, naghahanap agad ako ng matatamis na pagkain, katulad ng chocolate o donut. Kumain lamang ng sapat na pagkain matamis, makakapinsala naman ito pag kumain ng sobra.
Good night every-Juan. Sleep well po sa lahat. Malapit ng matapos ang unang araw ng July at batiin ko na kayo ng happy weekends dahil Sabado na bukas. Happy sahod na rin po sa inyo dahil katapusan na at literal na "katapusan na" ng sahod dahil ala na namang natira,hehe, pero atleast may nahawakan kahit hindi nagtagal. Sana po ay nasiyahan kayo ngayong araw at kung hindi naman may bukas pa. Good night po!
Kahit walang pasok ngayon si bunso, maaga pa rin nagising dahil maagang dadating ang aking dalawang apo. Nagluto akong champorado kasi gusto ng isang apo ko. Ang lamig ng klima ng panahon magdamag kahit ngayong umaga ang lamig pa rin, kamukha nitong larawan, napakagandang tanawin. Magandang umaga!
Dahil andito na ang dalawa kong apo, heto sinandokan ko na sila ng Champorado sa mangkok. Ang inilagay ko ditong cocoa ay bensdrop brand, ito ang ginagamit kong brand pangbake. Sa paghain ko na lang nilalagyan ng asukal, milo at powdered milk, ang inilagay kong asukal ay brown dahil ito lang meron ako sa kusina.
Sinubukan kong magluto ng Laing, first time ko itong ginawa, maranasan ko man lang kung paano lutuin itong Laing. Palagay ko masarap naman pero hindi ko nakuha ang gusto kong lasa sa mga natikman kong luto ng iba. Tara kumain na tayo Kaingay.
May dalang lulutuing pangmeryenda kanina umaga nang dumating ang aking dalawang bisita (apo) heto ngayon nagmiminindal na silang dalawa habang nanonood ng mga video sa youtube, busy sila, kaya hindi nila ako ginagambala, busy din ako sa aking mga activity online.
Kamusta ang araw natin mga kaingay? Tinanghali na si granny Nengste sa pag po post gawa ng naging abala ako kanina. Heto at gumaganyak na ako ng aming pananghalian, gigisahain ko na muna itong mga sangkap para sumarap ang putaheng aking ihahanda.
Hot cake or Pan cake Hot cake para sa mainit na gabi. Ito lang ay okey na para sa hapunan tambalan pa ng hot chocolate. Hindi na kailangang mag rice ni granny Nengste dahil mabigat na ito sa tyan. Minsan para maiba naman ang pagkain at para maiwasang mag-isip ng ulam heto na lang ang kainin, last stock ni granny na 2 cups apf ay nagpaalam na. Ito ang kwento ng gabi ko kaingay. Kayo po anong kwento nyo?
It's a new day! Add in the positive thoughts, subtract out the negative energy. Make it all equal one fantastic day! Good morning po sa ating lahat mga kaingay! Sa lahat ng pitak ng buhay natin ang asignatura na Matematika ay gamit na gamit natin. Halimbawa sa pagsilang natin kapag ang sanggol ay kailangang timbangin, sukatin ang haba, o kailangang itala ang kaarawan para tandaan ang tamang bilang. Sa pamimili at pagluluto din ay ginagamit natin ang mga sukat at presyo para…
Umaayon ang panahon ngayon sa akin, katatapos ko lang magsampay at namamahinga, pagkabukas ko ng fridges para kumuha ng malamig na tubig ngayon ko lang nalaman na may uwi palang donut si bunso kagabi. Tamang tama, ang pagkain na matatamis ang gustong gusto kong kainin tuwing ako ay nakaramdam ng pagkapagod.
May narinig ako kanina sa hindi kalayuan sa amin, humihiyaw ng "Okoy" kaya lumabas ako at inabangan ang pagdaan niya sa harap namin. Heto nakabili ako pandagdag sa ulam namin kasi pritong Longganisang bawang lang ang aming ulam ni bunso. Ang sarap ng pagkaluto nitong okoy, kahit papano may makain na gulay ngayong lunch.
Meryenda tayo mga kaingay. Nilagang saging na saba. Walang halong kemikal at purong natural. Pang masang meryenda noon maging hanggang sa ngayon. Good sa health, mapabata man o matanda. Kaon na ta!
Pansin ko lang itong taon na ito sagana sa pinya. Ilang buwan na ang bentahan ng pinya pero hanggang ngayon marami pa. At mababa na rin ang presyo ng iba. May nakita akong 5 for 100 kaso ikaw ang magbabalat. Kahit ilang buwan ng dagsa ang pinya pero hindi ko pa rin maiwasang bumili, ang sarap kase.
Pahinga ako ngayong week sa paggising ng maaga at paggayak ng baon ni bunso. Noong friday, pagdating ni bunso galing work, ibinalita sa akin na nagresign na siya sa work niya, syempre nalungkot ako noong una pero nang sinabi niyang may work na rin siyang bago at nakapagsign na rin siya ng kontrata at ngayong week ang start ng work niya na Work from Home, bukod sa wfh na gusto niyang trabaho mas maganda daw ang offer nito kesa naunang kompanyang pinasukan niya. Magandang…
Inaayawan ng marami pero feel kainin ni granny Nengste itong Ampalaya o Bitter gourd para sa akin masarap ang gulay na ito hindi dahil bitter si granny o hindi dahil sa lasa nitong pait, kundi sadya lamang na mahilig si granny Nengste sa gulay. Kaakit-akit sa aking paningin ang matingkad na kulay berde nitong kulay. Mahusay ang ampalaya sa mga diabetiko dahil may kakayahan itong magpababa ng sugar level. Mahusay din ito sa may mga sakit sa liver. Kaya kahit gaano ka bitter…
Talbos ng sampalok pampaasim sa boring na sabaw. Sahog ko po yan noong nakaraan sa ulam naming sinampalukan. Pandagdag asim at kulay sa sinabawan. Pitas sa bakuran ng hindi madamot na kapit-bahay dahil sa dahon na tanim nilang puno ng sampalok, sumarap ang luto ni granny Nengste.
Flex ko lang itong parcel na katatanggap ko lang. Ito ay parang pakonsuelo lang kay bunso, kasi may gaganaping graduation ceremony ang mga graduates ng year 2021, isa siya sa mga graduates nitong year at year 2022 ng University, ito ay gaganapin sa Philippine Arena. Ganito kasi pag umattend siya malaking halaga din ang magagastos, hindi naman compulsory at naisip niya rin na gastos lang din pag umattend kaya heto naibili ko ng bag, pangpalubag-loob.
Good night mga kaingay, maulang gabi po sa ating lahat. Masarap ang magiging tulog ni granny Negste dahil malamig ang panahon. Bagay sa nais pang magsenti bago matulog. Kita kitz po tayo bukas uli dito lang sa platform na hindi nawawalan ng ingay mula umaga hanggang gabi. Good night everyone!
Kamusta? Ito ang aking unang post at pagbati sa inyo ng magandang hapon. Maalinsangan ang klima ng panahon dito sa amin ngayon Kaingay, parang balak umulan na ayaw naman. Walang meryenda si granny Nengste ngayon, ito po kalilinis ko lang nagtanggal ng mga balahibo tapos itong si Zorro parang may balak sumampa ulet sa sofa.
Maaga akong natulog kagabi, tapos nagising ako ng alas onse. Inopen ko ang coins.ph at nalaman na may bagong token itong sinusuportahan, ang BAT kaya napaisip akong itransfer ang ilang BAT na meron ako sa Coinbase kaso nag-alangan ako, ang ginawa ko ay niswapped ang BAT sa Bitcoin cash saka ideposit ito sa Coins.ph. Nang ginagawa ko na ang withdrawal transaction, nagtaka ako kung bakit umiba ang wallet address na pagsesendan kaya nagtanong ako kay Google, naconvert pala ito…
Kahit nasa bahay kailangan pa rin natin ang break. Kaya habang namamahinga ako binuksan ko na itong Mongo bread galing sa sikat na supermarket na "purong green" para maibsan naman ang humahapdi ko ng sikmura sa kasipagan. Plano kong magbawas ng gamit na matagal ng nakaimbak na umaasang magagamit pero hanggang sa ngayon kumunsumo lang ng espasyo tapos tubig at sabon kapag inaalikabok pero hanggang sa ngayon nasa kabinet pa rin.
Nagtry ako ng bagong recipe ng fried chicken, OK naman ang pagkaluto, nga lang hindi ako satisfied hinahanap ko yung kakaibang aroma, gaya ng aroma ng isang sikat na fast food ng "bubuyog." Ano kaya ang inilalagay nilang ibang spices para maging mabango ang chicken? Nagtry na akong maglagay ng dagdag garlic powder at paprika pero wala pa rin ang hinahanap kong aroma sa finish product.
Ito yung sweet na mahirap tanggihan pag ako ay pagod, pero ignore ko muna ang taglay niyang tamis dahil hindi ako nasasabik kumain ngayon. Pasalamat ako na kahit may edad na ako wala pa akong maintenance sa hypertension o kaya hindi rin mataas ang sugar ko. Sa mga pagkaing kung anu-ano hinay lang ako sa pagdampot. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala akong nararamdaman dahil hindi ko na abuso ang katawan ko sa sobrang pagkain ng matataba,matatamis o pagkain ng may…
Nakapaghapunan na ba ang lahat? Heto ang hapunan ni granny Nengste na bida sa handaan kaparther ni shanghai, ang Chopsuey! Ang gusto ko dito ay yung sahog na atay at madaming sitsaro bonus na kapag creamy talaga ang luto dahil mapapadami ka ng kain. Galing nga pala ito sa handaan, pa "Sharon" sa anak ko. Ang sarap talaga pag libre, kain po tayo!
At last na break ang barrier, ilang araw din na sinubukan maabot ang 6k at naging successful ngayong gabi, nakapasok din bago matapos ang araw na ito. Sana tuloy-tuloy na itong pagtaas ng value ni bitcoin cash.
May naalala akong kahapon lumipas, noong kabataan ko tungkol sa larawan na ito, sa tuwing umuuwi kami ng probinsiya ng aking tatay noon at sa tuwing bibisita kami sa mga kamag-anak ni tatay ang init ng kanilang pagtanggap sa amin, aakyat sila sa puno ng niyog para kumuha ng buko para ihain sa amin o kaya ay kukuha ng hinog na bunga ng langka at kung ano-anung meron sila sa kanilang sinasaka. Ilang dekada na rin na hindi na ako nakauwi sa probinsiya na iyon na aking bayang…
Lutong ulam mula sa masipag magtinda at magpautang na tindahan sa labasan presenting Ginisang toge para sa pananghalian! Sa hirap ng buhay ngayon may naglalakas loob pa rin na magpautang. Ang dami kong nababasang nagbabaranggayan dahil sa isyu ng utangan. Kaya ang tao hirap ng magtiwala sa iba at hindi ko sila masisisi dahil sa kalakarang ginagawa ng mga taong hindi nagiging tapat sa kanilang salita o pangako.
Late na naghanap ng mameryenda, sakto may saging na saba dito, parang gusto ko sana iprito kaso ang mahal ng mantika ngayon, ilalaga ko na lang para makatipid ng konsumo sa mantika. Ang balita ko ay magmamahal daw ang itlog magiging 15 pesos isa nito at manok, manok na lang nga ang medyo mababa ang presyo kesa sa karne ng baboy at baka tapos tataas pa. Hahah, saging ang topic tapos napunta sa iba. Magandang hapon sa lahat!
Napaglibangan ko ang pagkukut ng sunflower seed, sa simpleng pagkukut nito ngayon ko lang nalaman kay Google na ito pala ay nagtataglay ng bitaminang B complex at macronutrients katulad ng phosporous, calcium,magnesium,sodium at potasium at iba pa at nagpapabuti sa kondisyon sa balat at marami pang benepisyong pangkalusugan.
Save by the bell na hapunan. Pa free food ng mabait na kapitbahay. Medyo nasira ang beauty pero OK naman ang lasa, masarap lasang penge pa po. Solved na ang aking hapunan, nasa timpla ng sauce ang sarap nito.
Nag-alangan ako kanina sa aking niluluto ngayon dahil makakasunsumo ng malaking kabawasan sa paggamit ng LPG kaso gusto kong humigop ng sabaw nito at gulay kaya heto pinapalambot ko na ang karne. Pa minsan minsan isapalaran din natin ang ating cravings kahit na kinakabahan sa paubos na gasul, sana umabot.
Nachos Gumawa si bunso ng mameryenda, ang ginawa niyang nachos chips ay siomai wrapper, pinirito niya ito at saka naghiwa ng gulay, giniling na baboy at cheese whiz para sa toppings. Tumikim lang akong konti dahil hindi ko type, buti andito ngayon ang apo ko may katulong si bunso para kainin ito. Hirap ang aking apo sa pagkain nito pagkagat niya ang daming natatapon.
Maulang hapon mga kaingay! Ang lakas ng ulan dito kapag pa naman umuulan masarap kumain kaya ito nakahanap ako ng makakain, hihiwain ko na itong dragon fruits ng meron kaming minandal na rin. Dragon fruits ng pala ang tawag dito dahil sa malakaliskis na balat nito at kulay, hindi ko alam kung saan ang origin talaga nito narinig ko lang pero sabagay wala pa namang nakakakita ng dragon hahah.. o kaya baka sa China, baka lang naman.
Kanina madami pa itong sahog na atay naubos lang kakapili ng sumasandok. Ito nga palang pansit sotanghon na ito ang parating inirerequest ng marami na iluto ng kaibigan ko, ang sarap ng kanyang timpla, iba din ang texture ng sotanghon, hindi ko nga lang naitanong sa kanya ang brand ng sotanghon na kanyang ginamit, kaya binabalik-balikan talaga. May kamahalan lang ang sotanghon pero ang sarap niyang gawing pansit.
Magandang morning! Hinihintay ko ang paglabas ni haring araw para maumpisahan ang pagsalang ng mga labahin. Maglalaba ako ngayong araw, linggohan na ulet ang sked ng aking paglalaba dahil Work from Home na ulet si bunso, hindi gaanong malakas magbihis ngayon kasi pwede magwork kahit pambahay o pantulog lang na damit ang kanyang isuot. Habang inaantabayanan si haring araw magkape muna at tinapay.
Gaano nga ba kahalaga ang back up seed phrase ng ating wallet dito kay noise? Ito ay kailanganin natin sakaling nareset ang gadget o nawala ang gadget na ginagamit natin na pang-access sa noise.cash. Kailangan niyo itong 12 word seed phrase para maretrieve o marecover ulet ang iyong wallet address kaya importanteng inotes niyo ito. Halimbawa nareset o ninakaw o nawala ang iyong phone tapos malaking halaga ang nasa wallet niyo, hindi lilitaw ang iyong wallet pag gumamit ka ng…
Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi lingunin itong isang maliit na dampa na may mallit na tindahan na may maliit na garden pero malinis at maganda. Basta maayos ang paligid ng bahay mo kahit maliit masarap sa mata ay okay na. Ang iba hinahangad ang magarbong tahanan pero ang hirap namang linisin. Nakakapagod kayang magwalis kapag malawak ang bahay, nakakahingal. Ang nagpaganda sa kanila ay itong taniman nila ng halaman sa harap, halatang alaga ng may-ari dahil dito…
Bigla akong nakaramdam ng gutom ng makita ko itong kakanin sa mesa, uwi ni bunso, nakalagay lang ito sa maliit na bilao, pauwi sa kanya ng bestfriend niya galing sa handaan. Dahil VIP malaking parte ng bibingka ang pinauwi sa kanya, katwiran nito madalang lang naman silang magkita. Paano ba ito mga kaingay sentensiyahan ko na ito, kumuha na rin po kayo at sabayan ninyo ako sa pagkain.
Napahilig si granny Nengste sa bulaklak ngayon. Mapapansin naman kase ang taglay nitong matingkad na kulay at kakaibang desenyo, nakuhanan ko ito dahil hawak ko ang cp papuntang tindahan at napadaan dahil nakita ko itong buhay na bagay na nag pa good vibes sa aking umaga. Gagayak muna ako ng ma-almusal para may nakahanda ng pagkain sa mesa paggising ni bunso. Magandang umaga!
Pinakaba ako ng dragon fruit na ito. Nagtataka ako bakit yung ihi ko kulay pink na mapula, kaya nag search ako sa Google at baka may sakit na ako. Sabi ni Google kapag kulay pula ang ihi ay sintomas ng kidney stone, uti o tumor. Kaso naisip ko hindi naman sumasakit ang balakang ko at wala akong nararamdamang kakaiba. Naalala ko napadami ang kain ko ng dragon fruit kaya nagreseach uli ako at tama nga na ang sanhi ng pag-iba mg kulay ng urine ko ay ang dragon fruit lilipas din…
Minandal po kayo dyan mga kaingay. Ito yung instant noodles na kontrobersyal kamakailan lang dahil may mataas na amount ng ethylene oxide na nakakasama sa kalusugan dahil carcinogenic siya. Ang ethylene oxide ay isang uri ng pesticide at gas ayon kay Dr. Dex Macalintal. Para sa akin kung minsan ka lang kakain gaya ng 2 times a month walang problem. Ang masama kung palagian ka nitong kumain kaya para sa akin hinay lang sa lahat ng uri ng instant food. Totoo naman nakakasama…
Para sa may Kucoin account, try your luck may pa giveaway na USDT, ito ang link https://wn.nr/D4A6Cg Ang dali lang sumali, follow niyo lang ang assigned task para maka earn ng point katumbas ng raffle entry.
Tinanghali na si granny Nengste sa paggising gawa ng malamig ang panahon. Minsan lang naman maging ganito ang weather kaya sinulit ko na. Maganda ang morning sa akin, kompleto ang tulog at no need ng maglakad papuntang labasan para bumili ng maiuulam dahil may stock pa sa fridges. Sana laging ganito para stress free pero syempre expect na nating dahil hindi nakadefault ang setting ng buhay, katulad ng araw hindi parepareho ang pangalan, nauulit pero hindi pare pareho🤣 basta…
Noon kapag may lettuces ka manyaman ka pero ngayon karaniwan na itong makikita sa ating kusina, mayaman man o hindi. Naimpluwensyahan tayo ng mga bansa sa Silangang Asia dahil nawiwili tayo sa kakapanood ng kdrama pati tuloy traditional na pagkain nila sinusubukan na natin, este, niyayakap na nating mga pinoy dahil talaga namang masarap na at bago pa sa ating mga panlasa. Bukod sa sikat na Samgyeopsal ang kadalasang ginagawa dito sa maberdeng lettuces ay salad o dili kaya ay…
Piaya/Piyaya Ang Piaya o Piyaya ay kilalang pasalubong galing sa Visayas, ang paggawa nito ay isang hanapbuhay ng mga taga Negros dahil ang probinsiya ng Negros ay kilalang may mga pagawaan ng Asukal, pagkat ang Negros ay may malawak na taniman ng tubo. Ang asukal na mascovado ang isa sa mga sangkap nito. Ang Piaya ay katulad ng isang tinapay na gawa sa harina, dapang manipis na bilog may palaman na asukal na mascovado at may budbud na Linga.
Miracle fruit/Calabash Gumala ako kahapon at napadpad sa bakuran ng isang kakilala. Habang minamasdam ang ibat ibang tanim sa paligid, nakita ko itong bunga ng isang puno parang buko ang itsura sa kalayuan. Ito raw ay tinatawag na miracle fruit o Calabash, miracle fruit dahil marami itong taglay na benepisyo sa ating kalusugan, nakakatulong daw ito sa pagpapagaling ng ibat-ibang karamdaman. Kinakayod saka pinapakuluan at iniinom ang katas nito. Gaano kaya ito katotoo?
Share ko sa inyo itong aming ulam na may mga sangkap na gulay na nababanggit sa bahay kubo, pinagsamasama ko ito at nilutong ala Pinakbet. May sahog na tinapa at maraming ampalaya at okra dahil ang dalawang gulay na ito ay pinakagustong gulay ni bunso. Mapapadami ang kain ko nito dahil hindi nakakaumay ang ulam may partner itong gigi kaso hindi ko na nakuhanan ng larawan. Last na nilagay ko ang ampalaya para sure na half cooked ang luto. Tinatambalan ko rin ito ng halubaybay…
Sikat na luto sa patatas itong French Fries na kinahuhumalingan naman ng lahat bata man o matanda. Sa dalawang sikat na fast food chain sa Pinas ay hindi ito mawawala. E bakit naman kase ? Simple lamang ang kasagutan dahil "bida ang saya" dito at "love ko 'to". Pero dahil walang budget para makapunta sa dalawang sikat na fastfood na nakakapagpasaya ng puso dito na lamang sa kusina ni granny tatambay para makatikim ng fries. Sa halagang 130 pesos na 1 kilo na French fries ay…
Sa umaga mas napapahalagahan natin ang araw kapag maganda ang ating natatanaw katulad na lamang ng bulaklak na ito na magbu-bloom pa lamang. Bukod sa kulay pink na kulay nito ay may variety din itong kulay puti ang bulaklak. Magandang tanawin nito sa harapan ng bahay kasama ng iba pang namumukadkad na halaman. Kwento ko lang yung napanood ko sa Facebook kagabi na halamang Tino-tino na madalas makita sa daan, kinakain pala ito. Sa English ito ay Cape Gooseberry. Matamis daw…
Nakita ko itong post na ito sa my day ng kaibigan ko. Hindi ang okra o sitaw ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang halaman sa paligid niya, Peanut plant daw ang tawag dito. Biro ko nga mukhang yayamanin tingnan ang damo sa bakuran nila. Kwento niya nakakapagpatubo lang siya ng Peanut plant kapag umuulan ng magkasunod na tatlong araw pero ang halamang ito ay mayabong namumulaklak pag tag-araw. Hindi daw mabubuhay ang halamang ito pag itinanim ng tag-araw kaya sa tuwing…
Super init ngayong araw, Heto na ang sinasabi ko kaninang Peanut plant ng kaibigan ko. Ayan na! Ang sarap latagan ng sapin at mahiga. Kaganda at ang lamig sa mata. Marahil walang manok sa kanila kaya gumanda ng ganyan ang tanim niya. Maaari din daw itong gumapang sa pader, nisearch ko itong halaman kay google, ang tawag dito ay mani-mani at Peanut groundcover plant naman sa English, nalaman ko rin na pwedeng kainin ang bulaklak nito, gagawing salad. Pwede ng pamalit sa…
Napakaalinsangan mula umaga hanggang hapon, ang tagal ng preparasyon sa pagbagsak ng ulan. Pero ngayong gabi natuloy din, malakas ang buhos ng ulan, may kulog at kidlat pa. Pag ganito nanginginig na naman sa takot si Zorro.
Late lunch Tanghali na nagising tapos pinaliguan pa ang dalawa naming pet dog kaya ngayon pa lang maglulunch. Tirang ulam kahapon itong ginisang ampalaya, ininit at pinarisan ng fried dilis at tinapang isda. Kain tayo kaingay! Maalinsangan na naman ang panahon.
Sikat na burger ng bayan itong Angel's Burger. Tanyag sa kanya ang birong linya na "sa unang kagat tinapay lahat" pero kahit ganun hindi naging hadlang ito para hindi tangkilikin ng masa. Sa halagang 25 pesos noon meron ka nang dalawang burger pero dahil sa pagtaas ng bilihin kalaunan ang paboritong 25 pesos na buy 1 take 1 burger ay naging 37 pesos na. Magkagayon man pinipilahan pa rin ito ng marami. Ito ang aming hapunan ni bunso.
Sa dami ng letsugas hindi ko na alam kung ano pang gagawin, kaya naisip kong ulitin ang recipe ko noon at i revise ng bahagya ang recipe ng chicken fingers sa ibang bersyon. Hinaluan ko ng kinchay ang batter at naglagay ng bahagyang baking powder. OK pa rin naman, masarap at nagustuhan pa rin ni bunso. Feeling ko kapag kumakain ako ng lettuce parang hindi ako nabubusog siguro dahil magaan sa tiyan. Kung walang rice mapapadami ang kain ko nito. Happy lunch sa atin!
Dahil linggo ngayon at saka umuulan kaya hindi nakagala si bunso, andito lang sa bahay, para hindi mabored heto nag movie marathon, pagbusy ang mata at isip busy din ang kamay at ngipin sa pagnguya. Dukot subo at ibat-ibang reakyon sa pinapanood, ayaw iwanan ang pinapanood kahit nangangailangan ng pangtulak, andiyan naman kasi si granny Nengste handang mag-abot ng pangangailangan niya. Basta sa anak at wala tayong ibang ginagawa, handa tayong umalalay sa kanila. Sana sila…
Pagoda gid kaayo kay katatapos ko lang maglaba. Ok na ok na itong Okoy ni manong sa pananghalian, buti may dumaan nagtitinda 10 pesos per pcs lamang ito, at may masarap na sawsawan pa. Ang kwento ni Manong (may ari at tindero sa stall) tumatanggap din siya ng made to order na okoy para sa mga may okasyon, 42 pcs na okoy sa halagang 400 pesos with suka na. Sulit na sa bulsa wala ng pagod hindi ba?
Ordered online ni bunso itong ube maja with latik sa kanyang highschool classmate na ang specialties ay ang pagluluto. Nag support muna ito sa small business ng classmate niya at mukha namang masarap ang pagkagawa nitong ube maja. Matikman nga kung gaano kasarap gumawa itong kaklase niya noon.
Sa mahal ng Spam ngayon nag try akong bumili ng ibang brand ng luncheon meat. Isang lata lang naman para mapagbigyan ang cravings ni bunso. Medyo nagulat lang ako kanina sa presyo ng Spam 197 pesos. Samantalang Prem original ay 156 kaya naman sinubukan ko ito, at ang lasa? Kapareho lang ng Spam, mas moist ang laman at hindi dry. 10/10 ang rate sa akin at syempre gayundin si bunso. Cravings satisfied!
Sana kasing fresh din ng Rosas na puti ang umaga nating lahat! Maganda ang Klima ng panahon ngayon dito sa amin, sa mga hindi pa nakapaglaba pwede ng magsalang ng labahin siguradong matutuyo ang sampay maghapon. Heto ibinilad ko na sa araw ang mga damit na hindi natuyo kahapon.
Kung ang Dynamite ay pinagbabawal gamitin sa pangingisda, ito naman ang Dynamite na pwedeng kainin. Inabot lang ito ng isa kong anak, malaking siling berdeng panigang na pinalamanan ng ham at cheese, at talaga naman parang Dinamita dahil umuusok, ang anghang!
Kumain na ba ang lahat? Ngayon pa lang ako magluluto dahil late na kaming kumain ng almusal. Mabuti na lamang mabilis lutuin itong ulam na aking lulutuin ngayon. Ginataang tulingan nga pala ito kaingay na may dahon ng malunggay.
Sa bagong work ni bunso, dahil work from home, sagot ng company ang gamit nila katulad ng laptop at internet reimbursement. Kaya ako napabili ng patungan ng laptop, ito ang aking napili may isang fan, ito lang ang kaya. Kahit papano makatulong din ito sa pagbabawas ng init sa matagal na paggamit ng laptop.
Flex ko lang itong unang bunga o pitas sa isang puno na nakatanim sa paso. Siling panigang para ang ulam ay may sipa ng anghang. Madalas gamitin sa lutuin gaya ng tinola, sinigang at sinampalukan. Hindi lamang ito inilalahok sa ilang lutuin kundi maaari rin itong maging bida sa pagkain katulad ng bicol express at dynamite na patok na street food ngayon.
Kalabasang pampalinaw ng mata at sitaw na nakakapagparayuma kapag pinagsama may masarap ka ng ulam, oh di ba? Kapag ito ang inihahain ko laking tipid sa budget namin ni bunso. Ang gastos ko lang dito ay 150 pesos para sa ginataang kalabasa with tinapa, kapag karne 200 pesos pataas, kaya madalang lang makita sa hapag namin ang ulam na karne sa taas ng presyo hindi pa kasama ang rekado. Kaya heto si granny Nengste "gulay again" !
Cookies with edible plants. Share ko lang itong isa kong friend na kinahiligan niyang gumawa ng cookies at nilalagyan ng design ng isang halaman at bulaklak nito. Katulad nitong isang larawan na ibinahagi niya sa isang social media. Na curious ako kung anong halaman itong inilagay niya sa cookies na niluto niya, sa sobrang pagkausi ni chat ko siya at sinabi niyang halamang marigold daw po ito at edible, pwedeng kainin o gawing tsaa.
Napaorder ako sa Shopee nitong gamit sa pagdrawing, isang set 14 pcs. na graphite at 3 pcs. na charcoal pen. mahilig kasing magdrawing ang isang apo ko na babae. Noong huling drawing niya pinakita niya sa akin via messenger at tinanong ko siya kong ano ang ginamit niya sa pagguhit, ang sagot niya ay Monggol 1 lang daw. Sabi ng anak ko pupunta ang magkapatid (apo) bukas dito, hindi pa niya alam na binili ko na siya nito. Magandang gabi sa lahat!
Inihanda ko na ang gagawin kong siomai dahil may dadating akong dalawang bisita (apo) masarap kumain pagtag-ulan kaya dapat may nakahandang pagkain. Marahil pamayamaya ay narito na sila. Chicken meat nga pala ang ginamit ko dito dahil hindi sila mahilig sa pork. Nilagyan ko rin ito ng 1 pc carrot, sibuyas, 1 egg, dahon ng sibuyas, asin, paminta, paprika. Yung kulay white sa mangkok ay cornstarch na may tubig pang sealed ko lang sa siomai, 1/2 tbsp ang pangsukat ko sa meat…
Homemade Siomai Gloomy pa rin ang weather dito sa Bulacan. Nakakaakit umidlip ang lamig ng panahon, heto nga pala ang Siomai na pinagkakaabalahan ni granny Nengste kaninang umaga, kung wala kayong makitang siomai na swak sa panlasa natin, aba'y gumawa gamit ang mga fresh ingredients para mas maenjoy ang pagkain nito kasama ng pamilya natin, pwedeng fried pwedeng steam.
Ito lang ang nag-iisang parcel ang aking inorder sa shopee na inaasahan kong madeliver, ngunit ang laking gulat ko nang dumating ang rider at sinabing 600 mahigit daw ang aking babayaran dahil dalawang parcel. Tiningnan ko ang isang parcel manipis at maliit parang christmas card o birthday card lang ganoon ang description mas mahal pa sa aking legit na parcel, kaya hindi ko tinanggap, ingat po tayo sa mga manlolokong nilalang.
Opportunities don't happen, you create them.” Good morning every-Juan! Naghanap ako ng motivational quotes na pwedeng ibahagi ngayong umaga at itong oportunidad ang nakakuha ng atensyon ko. Lahat tayo ay naghahangad ng opportunity o chances sa buhay. Oportunidad man ito para maging sagana o masaya, makahanap ng trabaho o mangibang bansa. Sa lahat ng ito tayo ang maghahanap,kikilos at gagawa. Happy Friday morning po sa lahat!
Late lunch Ngayon palang kami kakain dahil inayos ko ang mga damitan hindi na namalayan ang oras tapos nang lulutuin ko na ang gulay hahah ayaw ng sumindi ang kalan. Nagpadeliver na ako kaso ang tagal dumating at may tinatapos pa daw silang mga naunang order kaya heto nagbukas ng de lata at sinalang sa oven dahil gutom na rin si bunso. 868 daw yung phoenix lpg na de salpak
Good night na po sa lahat. Maagang matulog at magpahinga para bukas fully charge na. Share ko muna itong picture ng ginigisa kong ulam kanina. Ito ang parating ginagawa ng mga ina sa bahay, kung mapalad 3 times a day kung magluto at kung hindi naman at mahigpit ang budget 2 times a day naman dahil pwedeng initin na lamang ang ulam ang importante kompleto ang meal per day. Good night kanoise!
Ang dalawa kong apo andito ulet dahil may lakad ang kanilang magulang, at ito may dalang paketeng mixed gulay na gagawing Lumpiang Togue. Nagisa ko na at heto umpisahan ko ng balutin sa lumpia wrapper. Paborito nilang pamilya itong Lumpiang togue, kwento ng dalawa kong apo.
Dumilim na ang kalangitan, nagbabadyang babagsak ang malakas na ulan. Tuwang tuwa na naman ang mga halaman, bakit nga kaya pagtubig ulan ang nadilig sa halaman ang bilis tumaba ng mga halaman. Ano naman po ang ulat panahon sa inyong lugar? Tamang tama ang pagbagsak ng ulan sakto sa siesta, talagang makatulog ang mga team bahay.
Ngayon lang nakasilip dito, ang dami ko kasing inayos sa bahay pagkatapos sumamba dahil na rin kailangan ng icharge ang cp kaya gumawa ng pagkaabalahan. Dahil rest day ni bunso kaya naisipan kung magluto ng simpleng spaghetti. Argentina cornbeef ang sahog nito tapos dahil may natirang cheese sa fridges kaya ginadgad ko ito at hinalo sa sauce, nilagyan ko rin ng 1 can na maliit na evaporated milk at 2 tbsp na sugar. So, ito ang kinalabasan. Spaghetti with love ❤
Puto Ginawa ito ng aking panganay na anak. Ang primerong sangkap ay karaniwang giniling na bigas, ngunit ito ay gawa sa harina. Ang pagkakaiba nga lang ay mas gusto ko ang tradisyonal na recipe na gawa sa bigas, ito kasi ay parang nakakahirin. Meryenda tayo kaingay! Medyo makulimlim na naman ang panahon sa oras na ito.
Buti naihatid ng aking anak ang mga ito bago bumagsak ang ulan. Ito ay mga produkto ng gawing south luzon, pumunta kasi ng Tagaytay ang aking anak kasama mga co teacher niya kaya may uwing Buko pie. Pag galing gawing south ang Buko pie ang sarap dahil purong buko at malalaking tipak na buko ang palaman at mainit init pa nang dinala dito baka ito na lang ang aking magiging hapunan.
Noong sabado nandito ang mga apo ko may dala silang toge para gawing lumpia. Sa dami ng toge hindi ko inubos lahat. Pag check ko kanina sa ref OK pa, kaya heto ginawa kong toge balls o vegie balls. Nilagyan ko ng mga ganitong sangkap, all purpose flour, cornstarch , baking powder,pampalasa at konting tubig, halo haluin, iprito at presto, may ulam na! Kain na!
Pagpapala mula sa nagdala. Itong prutas na ito ang madalang naming mabili, may pagka pricey kase. Ang murang lychee na nabili ko noon ay kulay magreen at brown, panget ang balat kung ikukumpara dito, marahil magkaibang variety. Nag try akong magbukas ng isa, mukhang fresh pa sa pitas, malintog at malutong pa. May meryenda na si granny Nengste, kuha na kayo!
May dinala na namang Dynamite ang isa kong anak. Ang hilig ko sa maanghang na pagkain ngunit hindi ko nakaya ang kakaibang anghang nitong ginamit na siling haba. May mga uri ito minsan walang anghang pero ito grabe hindi ko nakaya hahah, kaya palaman na lang ang kinain ko.
May naalala akong trading site na nakalimutan kong silipin, ang tagal ko ng hindi nakapaglog-in sa trading site na ito kaya ito ay aking inopen. May $17 pang laman at saka may feature na for withdrawal kaya sinubukan kong iwithdraw kaso ayaw dahil dapat daw naka tier 3 ang aking account, kailangan kong mag deposit muna ng $10 bago magtransact ng withdrawal. Baka meron din kayong morpher trading account, baka makakuha ako sa inyo ng info regarding this sites.
Ang aga ng byahe namin papuntang bukid. May kailangang kausapin kaya 5am palang nakagayak na kami. Flex ko itong Lemon tanim ng pinuntahan namin, maliit lang ang puno ngunit ang laki ng bunga. Basa pa ang lupa gawa ng pag-ulan buong magdamag. Ang sarap sa bukid. Ang dami pa nilang tanim tulad ng talong,sitaw, saluyot, kamatis, bayabas, alugbati, kamote at marami bang iba. Sa dami tinamad na akong i type 😆. Kung papipiliin ako, mas masarap sa bukid kesa sa siyudad. Tahimik na…
Taste like "Joylabee " chicken joy ang tanghalian ni granny! 28 pesos each mula sa tindahan sa may kanto. Wala ng time magluto si granny dahil abala. Dami kong gutom sa pagod kaya ikakain ko muna ito. Masarap sana ang sauce kaya lang parang masebo.
May pagtitipon akong dinaluhan ngayon kaingay, sa pagtitipon expected na talaga na may kainan kaya ishare ko sa inyo ang mga pagkain na aming pinagsaluhan. Late afternoon na kami kumain kaya palagay ko hapunan ko na rin ito.
Tanglad o Lemongrass Mabangong morning sa inyo! Share ko ngayong araw itong tanim na halaman sa pinuntahan naming bukid kahapon. Itong tanglad ay kilala bilang isang pampabango, pampawala ng lansa at pampasarap sa mga pagkain. Maaari din itong gawing tsaa na mahusay sa tyan bilang panunaw. Mahusay din ito sa pananakit ng ulo at muscle pain. Kung may tanim kayong tanglad sa bakuran maaari kayong magpakulo nito sa dalawang tasang tubig na mayhalong pandan leaves. Ang…
Lindol Nakahiga hawak ang selpon ng naramdaman ko ang paggalaw ng aking paligid, akala ko ako ay nahihilo tapos pinakiramdaman ko ang paligid lumilindol pala kaya kaagad akong bumangon at sumigaw ng lindol para lumabas din si bunso. Sana wala ng aftershock. Magandang umaga pa rin sa ating lahat!
Hindi kompleto ang ulam na Adobo kung walang toyo. Ito ang nagpapaalat sarap dito. Kung ang toyo ay nagpapasarap sa lutuin ang toyo sa ulo naman ay nagpapasira ng mood sa maghapon. Kaya maging matalino sa paggamit ng toyo. 😅 Use wisely.
Gumala si granny Nengste, Nag crave sa pizza, napabili ng meryenda. 2 slice ng pizza sa pizza hut. Isang cheesy bacon at hawaian. Solve na sa 69 pesos. Sa brand ng makamasang pizza 1 box na ang presyo nito (Rafael's pizza) pero OK na din ito para maiba naman ang lasa dahil ibang cheese ang gamit.
Naging abala ang umaga ko dahil sa isang emergency. Share ko itong chat ng asawa ng pamangkin ko. Naaksidente kase ito at kailangang operahin. Noong umpisa kala namin bali ang buto pero mabuti na lang at na dislocate lang at hindi na kailangan pa ng masinsinang operasyon. Nasugod nga sa JBL kahapon at kaninang madaling araw inoperahan. Sana magtuloy-tuloy na ang paggaling niya.
Flex ko sa inyo itong sling bag na nakita online. Bagay sa apo kong nagdadalaga na. Lalagyanan ng abubot gaya ng pulbo , panyo, at wallet. Bawal pa sila sa selpon kaya walang ilalagay na gadget. Plano kong bilhin next month kapag nakaipon ako. Kapag mataas ang value tsaka ako pipitas ng konti. Kakatapos lang ng ulan dito ngayon, ang lamig ng hangin. Nakakagutom, sayamg at wala ng stock si bunso sa kabinet. Timpla na lang muna ako ng gatas.
Good night na mga kaingay! Kita kitz uli tayo dito bukas. Naging busy man ngayong araw si granny Nengste pero hindi nawala sa isip ko si noise. Mag enjoy lang tayo everyday. Lalo na at tumataas na ang value. Magsipag pa tayo dahil malay natin makaipon tayo ng 1 bch. Huwag tayong masiraan ng loob dahil bawat araw may pagbabago. Goodnight!
Vacuum cleaner Happy Friday day sa lahat! Maglilinis muna ng bahay ngayon si granny dahil marami na naman balahibong nagkalat gawa ng dalawa naming alaga. Matrabaho talagang magka pet pero keri lang dahil parang parte na ng pamilya itong dalawa. Para kaming may maliliit na bata dito. Nakakatanggal sila ng stress at may malalambing pa. Naging madali ang paglilinis ko dahil sa vacuum na nabili ko online. Laking ginhawa na sa pagwawalis at hindi ko na kailangamg yumuko ng…
Ginisang mais with Ampalaya At Pritong Galunggong Healhty lunch sa lahat! Maiba naman. Kapag Friday monggo day. Bakit nga ba? Nakadalasan na nating naririnig ang linyang ito hanggang sa paglaki. Ano bang kaugnayan ng monggo kapag araw ng Biyernes? Iniuugnay ba ito kapag Biyernes sañto na hindi dapat kumain ng karne bilang paggalang sa sakripisyo ni Jesus na buhat sa tradition ng mga katoliko? Kung ano man ang sagot, ito ay hindi ko rin alam😅. Nagluto ako ng mais para sahugan…
Ilipat ko sana ang konting bitcoin cash mula sa bitcoin.com wallet papunta sa coins.ph kaso ang laki ng transaction fee $11 mas malaki pa sa halagang ililipat ko. Sino nakakaalam kung bakit ganito nangyayari ngayon?
Good news ito sa mga gcash user, may susuportan na crypto na rin ang gcash coming soon daw. Ang paymaya meron na rin crypto, ayos po ito madali na nating maconvert into fiat ang alinmang crypto meron tayo.
Late lunch Ang daming pinagkaabalahan kaya heto ngayon pa lamang kakain ng aking lunch. Bumili lang po sa tabi tabi ng ulam para may makain kaagad, ito ay isang putahe ng pusit na tinatawag na Calamares, isang klaseng street foods na kilala ng lahat, pampawi ng gutom na mabibili sa kalye.
Nakatambay ako ng binance para icheck ang galaw ng bch market nang nakita ko itong Binance earn, staking,auto invest,flexible savings,pool at etc at pinag-aralan ko. Pinili kong magpasok ng konting Bch sa flexible savings parang mining lang, pwedeng kuhain ang investment kahit anong oras o araw na gusto mo. Tapos nakita ko rin ito laro na Wodl, sinubukan ko din laruin, sabi dito pag naka 5 wins makakareward ng shares from 10,000 busd. Try natin baka totoo, naka 3 play na ako…
Makabayan Damdamin ng isang nagmamahal sa tinubuang lupain. Ngunit ibang Makabayan itong tinutukoy ko. Isang uri ng tinapay na mabibili sa panaderya. Hindi ito nalalayo sa itsura ng muffins at cupcake kumbaga pinoy version ito ng dalawang nabanggit na tinapay. 4 pesos each. Bago at masarap ang gawa.
Hindi ko na niluto ang isdang bangus na pritohin ko sana kasi tinanong ako ni bunso kung ano daw gusto ko sa jabe, pagganyan ang tanong ibig sabihin oorder siya sa Jollibee ng foods pang dinner namin. Heto po kakadelivered lang, ang dami palang inorder, samantalang ito lang ang aking share, champ,french fries at peach mango pie. Fast foods muna si granny Nengste ngayon dahil may patreat si bunso kasi payday.
Pagkain ng sikat na Filipino fastfood ang aking hapunan kahapon kaya ngayon ay nagluto ako ng ginataang gulay na Langka pambawi sa kinain kagabi na tinatawag sa english na junk foods. Hindi naman masama kumain ng mga pagkain sa fast foods kung ito ay madalang lang naman natin kainin, huwag lang araw-arawin. Late lunch ulet dahil nabusy si granny Nengste sa pagsolve ng pinahulaang word sa WODL.
Ang balat ng manok ang paboritong kainin ng marami sa atin ito man ay mapainihaw o fried chicken. Gusto natin yung teksture ng pagkalutong at pagkajuicy nito. Nakakatulo laway sa sarap ang hatid nitong lasa dahilan upang mapadami tayo ng kain at extra rice. Ito nga pala ang larawan ng isang tindahan na nagtitinda ng piniritong balat ng manok at Calamares na kinunan ko kahapon, ang masipag na mag-asawang vendor na binilhan ko ng Calamares at Chicken skin. Kahit masarap hinay…
Sinilip ko ang aking isang social media account at napansin ko itong isang post at binasa. Kaya siguro naging interesado ako sa post na ito dahil ito ay tumutukoy sa aking sarili bilang isa sa mga may personality na introvert. Minsan akala nila suplada ako dahil ayokong makihalubilo sa grupo pero nagkamali sila dahil ang hanap at gusto ko ay tahimik na kapaligiran.
Good night na mga maiingay! Umuulan kaya masarap matulog ngayon. Work mode na naman bukas kaya matulog na ng maaga ng makapagrecharge ng sapat na lakas para sumigla ang bangon at may lakas sa mga gawain natin bukas. Nauna ng natulog si Zorro, good night!