Dahil linggo ngayon at saka umuulan kaya hindi nakagala si bunso, andito lang sa bahay, para hindi mabored heto nag movie marathon, pagbusy ang mata at isip busy din ang kamay at ngipin sa pagnguya. Dukot subo at ibat-ibang reakyon sa pinapanood, ayaw iwanan ang pinapanood kahit nangangailangan ng pangtulak, andiyan naman kasi si granny Nengste handang mag-abot ng pangangailangan niya. Basta sa anak at wala tayong ibang ginagawa, handa tayong umalalay sa kanila. Sana sila din handang umalalay pagtanda natin.
2 comments
Masarap po talaga na kutkutin ang mga chips habang nanonood ng tv 😋
Ang bait talaga ni granny Nengste! Tiyak gayundin ang gagawin nila sa iyo granny! Have a nice day ka-noise!