read.cash Log in
@Nengste more from that month

Vacuum cleaner Happy Friday day sa lahat! Maglilinis muna ng bahay ngayon si granny dahil marami na naman balahibong nagkalat gawa ng dalawa naming alaga. Matrabaho talagang magka pet pero keri lang dahil parang parte na ng pamilya itong dalawa. Para kaming may maliliit na bata dito. Nakakatanggal sila ng stress at may malalambing pa. Naging madali ang paglilinis ko dahil sa vacuum na nabili ko online. Laking ginhawa na sa pagwawalis at hindi ko na kailangamg yumuko ng matagal kapag naglilinis ng bahay. Alam nyo namang ang buto ng nakakaedad ay marupok na.😅

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.