Ito yung sweet na mahirap tanggihan pag ako ay pagod, pero ignore ko muna ang taglay niyang tamis dahil hindi ako nasasabik kumain ngayon. Pasalamat ako na kahit may edad na ako wala pa akong maintenance sa hypertension o kaya hindi rin mataas ang sugar ko. Sa mga pagkaing kung anu-ano hinay lang ako sa pagdampot. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala akong nararamdaman dahil hindi ko na abuso ang katawan ko sa sobrang pagkain ng matataba,matatamis o pagkain ng may preserbatibo. Team gulay lang si granny Nengste. At kung wala talagang pagkain at budget nandiyan ang kape na hindi ako binibigo, pampatanggal ng gutom pero nakakasama pala uminom ng kape pag tayo ay gutom, ayon sa aking nabasa.
1 comment
Kahanga-hanga ang disiplina ninyo sa sarili, kaya naman healthy pa rin kayo. Magandang hapon, noisemate!