May naalala akong kahapon lumipas, noong kabataan ko tungkol sa larawan na ito, sa tuwing umuuwi kami ng probinsiya ng aking tatay noon at sa tuwing bibisita kami sa mga kamag-anak ni tatay ang init ng kanilang pagtanggap sa amin, aakyat sila sa puno ng niyog para kumuha ng buko para ihain sa amin o kaya ay kukuha ng hinog na bunga ng langka at kung ano-anung meron sila sa kanilang sinasaka. Ilang dekada na rin na hindi na ako nakauwi sa probinsiya na iyon na aking bayang sinilangan.
3 comments
ang naalala ko naman kapag may langka na ibibigay namin sa kamag anak namin na luluwas sa ibng lugar ayw nila dalhin ang langka kasi ang katwiran nila baka daw ma flat ang gulong kasi may langka na dala dala sila
Ang sarap po balikan ng nakaraan..mapapangiti ka nalang
Ang babait naman po ng mga kamag anak ninyo sa father side ninyo sis