Kanina madami pa itong sahog na atay naubos lang kakapili ng sumasandok. Ito nga palang pansit sotanghon na ito ang parating inirerequest ng marami na iluto ng kaibigan ko, ang sarap ng kanyang timpla, iba din ang texture ng sotanghon, hindi ko nga lang naitanong sa kanya ang brand ng sotanghon na kanyang ginamit, kaya binabalik-balikan talaga. May kamahalan lang ang sotanghon pero ang sarap niyang gawing pansit.
1 comment
Kaya ito nag po masarap sa sotanghon na sinabawan super lasa po niyan lalao pag may unting gulay. Nakakatakam lang talga.