Miracle fruit/Calabash Gumala ako kahapon at napadpad sa bakuran ng isang kakilala. Habang minamasdam ang ibat ibang tanim sa paligid, nakita ko itong bunga ng isang puno parang buko ang itsura sa kalayuan. Ito raw ay tinatawag na miracle fruit o Calabash, miracle fruit dahil marami itong taglay na benepisyo sa ating kalusugan, nakakatulong daw ito sa pagpapagaling ng ibat-ibang karamdaman. Kinakayod saka pinapakuluan at iniinom ang katas nito. Gaano kaya ito katotoo?
1 comment
Hindi pa ako nakakatikim ng ganyang prutas.