Inihanda ko na ang gagawin kong siomai dahil may dadating akong dalawang bisita (apo) masarap kumain pagtag-ulan kaya dapat may nakahandang pagkain. Marahil pamayamaya ay narito na sila. Chicken meat nga pala ang ginamit ko dito dahil hindi sila mahilig sa pork. Nilagyan ko rin ito ng 1 pc carrot, sibuyas, 1 egg, dahon ng sibuyas, asin, paminta, paprika. Yung kulay white sa mangkok ay cornstarch na may tubig pang sealed ko lang sa siomai, 1/2 tbsp ang pangsukat ko sa meat mixture para pantay-pantay ang laman pagbinalot. Sana maging masarap ang kalalabasan. Magandang araw kahit maulan!
4 comments
Hindi pa ako nakakagawa ng sariling siomai kasi lagi lang kami nabili sa labas.
This food looks very tempting I am very hungry that's why I am so happy to see your food. I'm sure this dish will be delicious to eat too, thanks for sharing this dish.
Siguradong masarap po yan sis..happy mga apo mo nyan po.
Marunong kapo pala Ma'am magluto ng siomai. Ako hanggang bili na lang, hehe.. I'm sure masarap po yan.