read.cash Log in

@Moonlightarcher

Joined 8 September 2022 · 23 posts

"Saying nothing sometimes says the most" ☺️

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Moonlightarcher

Tutubing-karayom! Minsan na lang kitang makita tutubing-karayom. At ang minsang makita ka ng aking mata'y pinupukaw ang damdamin ko sa nakaraan, ang nakaraang masaya na ang ngiti'y mamamasdan sa labi't umaabot hanggang sa mata. Bawat masasayang kahapon ay hinding-hindi mawawaglit sa isip kailanman. Parehong damdamin pa rin ang nasa puso ko kapag nakikita ang mga bagay na nagpapaalala ng nagdaan. Share ko lang ulit itong nahagip ng aking kamera. Isa sa mga nagpapaalala ng nakaraan. May napapansin pa rin ba kayong tutubing-ka rayon sa ngayon? Good morning. ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Sabi sa kanta ng Mayonnaise, Jopay, Kamusta kana? Palagi kitang pinapanood, nakikita Jopay, pasensiya ka na Wala rin kasi ako makausap at kasama 'Wag ka nang mawala ('wag ka nang mawala) 'Wag ka nang mawala ('wag ka nang mawala) Ngayon Dadalhin kita sa aming bahay 'Di tayo mag-aaway Aalis tayo sa tunay na mundo Hay hindi ako si Jopay kaya malamang hindi mo maiisip at maaalalang kumustahin ako. Kagaya lang ako ng langaw sa picture na kapag dumapo sayo ay itataboy mo. Walang magugustong dumampi sa balat. Isang langaw na kapag nagpumilit lumapit ay baka katapusan na ng buhay. Isang langaw na katapat ay hampas, pitik, at pandidiri. Isang langaw na hindi mo gugustuhin na makasama at sabihing wag ka nang mawala. Ayos lang, tanggap ko na wala na. Tanggap ko naman na wala kang pakialam pa. Oo, ayos lang talaga! Kumusta Jopay este kumusta ang lahat? Sana ayos lang din. Share ko lang pala itong nahagip ng lente ng camera ko. Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Ilang ulit namutawi ang salitang paalam Ngunit hanggang ngayon isip ko ikaw ang laman Sana hindi lang masambit ng bibig Matanggap din sana pati ng dibdib Pagkapit ko sayo'y katulad ng tanikala Kalawangin at nakakandado na Walang susi na makakapagbukas pa Ng mga alaala mong nakakadena Sige manirahan ka sa'king isipan Bahala ka kung hanggang kailan Kahit pa sa dulo ng walang hanggan Ikaw ay akin nang hahayaan Alam ko namang sa mga araw na darating Palagi ka pa ring iisipin Ngunit hindi na gugustuhing makapiling Maging masaya ka lang, yan ang tanging hiling Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Ligaw na bulaklak Tumubo sa parang kahit hindi itinanim Mag-isang lumaban sa araw at dilim Laging nangangamba na baka ay bunutin Pagkat walang puwang na ilipat sa hardin Kahit anong ganda mo sa paningin Halamang ligaw pa ring maituturing Ang buhay mo'y kailangang putulin Luntian ka man ngunit dapat ay dukalin Para sa nakararami ikaw ay perwisyo Ibang halaman pilit winawasak mo Gandang mapanlinlang at di totoo Marapat nang ikaw ay lumisan sa mundo Ngunit anong sekreto at ang tibay mo Muling nabubuhay at namemerwisyo Akala mo siguro'y hindi ka mabibisto Nagbalatkayo at nag-iba lamang ng anyo Ang ganda mong mapanikil at mapangahas Kung makaagaw ng buhay ng iba ay wagas Pataba para sa iba'y iyong inaangkin Kung tumira ka nga ay pailalim Anong tago mo ma'y mahahalata rin Mga mata'y hindi mo kayang linlangin Bumalik ka man nang paulit-ulit Ang buhay mo pa rin ay ipagkakait ----------------------------------------- Hindi natin kailangan ang katulad ng isang magandang ligaw na halaman na kayang manlinlang ng kapwa. Dahil ang mga ganitong tao ay walang puwang sa buhay mo. Dapat natin silang iwasan dahil panigurado masisira tayo. Ang kailngan natin ay ang mga taong totoo sa atin. Ang kagandahan ng kalooban pa rin ang dapat manaig. Maging mapanuri tayo sa mga nakakasalamuha natin. Magandang umaga! ☺️ PS: Kuha ko lang yang ligaw na bulaklak sa likod-bahay. Akalain mo yun, pati damo ginagawan ng kontent haha. Post ko po ito sa NC 2 months ago. Nilipat ko lang dito gawa nang hindi ko nga mamigrate dito yung content ko sa kabila. Copy and paste na lang muna. Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Alam ko na ang mga nandito sa noise ay may iba't ibang religion at pinapaniwalaan. Ako ayaw kong makipagdebate kapag usapang religion na. Say something wrong, and you might offend someone, say something right and you could be judged or even contradicted. Sometimes, just because there are differences, we tend to divide ourselves. The problem is, some of us claim to be the better among others. Worst case scenario, people shove what they believe, or what they don't on another's throat. Thus there comes hostility, so I really couldn't blame you if you find it hard to imagine different religions coinciding in harmony. At hindi lang naman sa religion nangyayari ito dahil kahit sa ibang bagay na may kanya-kanya tayong pinaniniwalaan. Mas better na irespeto na lang ang bawat isa para mas matiwasay ang samahan. Siguro ang ibang sainyo nakakaramdam na ng antok. Wag pong kalilimutang tumawag at magpasalamat sa Kanya, kung ano man po ang tawag ng inyong religion sa Kanya.Bukas pong muli mga kanoise. PS: 3 months ago na post ko ito sa NC. Post ko lang ulit dito. Good night! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

"Ayos lang, wala sa bokabularyo ko ang sumuko" sabay tawa ngunit pilit nga lang. Dumadating tayo sa punto ng buhay na halos sumuko ka na, na halos hindi mo na alam kung ano pa ba ang pinaglalaban mo. Sabi ng iba hindi lahat ng laban kailangan labanan dahil minsan mauubos lang ang lakas mo pero sa dulo hindi mo pa rin makakamit ang inaasam mo. Kailangan din daw sumuko dahil hindi ito nangangahulugan ng karuwagan. Siguro nga tama sila. Alamin din natin kung tama pa ba ang mga bagay na pinaglalaban natin. Kung alam mong hindi ka mananalo, sumuko ka at mag-iba ng landas. Baka sa bagong tatahakin mo dun mas maganda ang maabot mo. Post ko galing sa noise.cash 3 months ago. Dahil ayaw maimport kaya copy and paste na lang. https://noise.cash/post/lr6z268k Minsan tinatamad na ako mag-isip ng ipopost kaya simula siguro ngayon kukunin ko na lang muna ang post ko sa kabila. Sayang din naman ang mga memories na nabuo sa kabila. Magandang hapon sa lahat! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Sinusubukan ko sanang mag-import ng post galing sa noise.cash papunta dito sa noise.app pero ayaw kahit tama naman ang nilagay kong gmail. Naalala ko magkaibang gmail pala ginamit ko sa NC at dito sa NA kaya siguro ganun. Sayang din naman ng mga memories galing sa kabila. Siguro copy and paste na lang ang gagawin ko. Maganda din naman na sulyapan ulit ang nakaraan. Mapapasabi ka na lang na ganito pala ang damdamin ko noong nakalipas na buwan base sa post mo sa noisecash. Gandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Huling buwan na ng taon. Hindi porket patapos na ang taon ay magtatapos na din ang alaala mo. Walang magkakapagsabi kung kailan kita malilimot. Siguro nga'y hanggang katapusan. Nababatid kong mahihirapan akong limutin ang isang tulad mo na minsang dumaan sa buhay ko. Wala eh, bakit ang hirap na ika'y tumbasan ng iba. Bakit ikaw at ikaw pa rin ang s'yang naalala. Bakit kahit sa tingin ko ay kaya ka din namang lamangan ng iba pero umaasa akong ikaw ay siya. Hinahanap ko ang katauhan mo sa kanya. Hindi pa rin talaga magawang ibaling ang pagtingin sa iba. Kahit pa nakatingin sa iba subalit mukha mo ang palaging nakikita. Gawa-gawa ng content para may maipost ngayong unang araw ng Disyembre. Sa tingin ko lang naman, ganyan siguro ang masasambit ng sino man kapag totoong minahal mo ang isang taong hindi naman nakatadhana sayo. Kadramahan kunwari para ngayong petsa uno ng huling buwan ng taon. Mamasko na lang ako sainyo! Magandang gabi. ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Habang nag-aalmusal ang mag-asawa ay s'ya namang pagsampay ng kapitbahay ng mga nilabhan nya. Babae: Ang dumi ng pagkakalaba nya. Tingnan mo sa bintana. Sumunod na araw ay ganun pa rin ang eksena. Babae: Hindi pa rin talaga sya marunong maglaba. Kailangan n'ya ata magbago ng sabong panlaba. Dapat siguro magtide sya. (Commercial haha) Makalipas ang isang buwan. Babae: Nagbago na ata sya ng sabong panlaba. Sobrang linis na ng pagkakalaba nya. Lalaki: Maaga akong nagising kanina. Nilinis ko kasi ang bintana natin. Minsan mauuna nating mapansin ang dungis ng iba na kung tutuusin ganun din pala tayo. Hindi natin inaalam ang totoo basta lang may masabi. Kung ano lang kasi ang nakikita o napapansin akala natin yun na ang totoo. Kagaya din kapag nakikita natin na porket nakatawa akala natin masaya. Hindi porket nakikipagbiruan ay palaging ayos. Tingnan natin ang mga bagay bagay sa malalim na kahulugan. Wag tayong papadaya sa nakikita o napapansin lang natin. Maging mapagmatyag para lubos mong maunawaan. Bahagi ko lamang ang larawan ng pusang ito na nagmamatyag sa mga taong dumadaan kung sino ba ang maaawa sa kanya para bigyan sya ng makakain. Magandang Umaga! ☺️

@Moonlightarcher

May mga araw na pakiramdam ko hindi na magiging ok. Yun bang nakakawalang pag-asa. Ganyan ako kanegatibo mag-isip talaga. Yung kahit nakakarinig o nakakabasa ako ng wisdom/inspirational words parang wala ng talab sakin. Ewan, ayaw ko ng ganito. Bumabalik ata ang depresyon ko. Kulang ako ng tiwala sa sarili ko. At siguro nagkukulang na din ang pananalig ko sa Kanya. Parang gusto kong bigla maglaho. Pero naiisip ko, bakit ba ako susuko. Meron nga dyan iba na mas grabe ang problema pero kinakaya. Bago pa tuluyang maging madrama itong post ko, bahagi ko na lamang itong nakuhanan ko ng larawan sa likod-bahay habang naglilinis ako kanina. Para kahit sa ganito kasimpleng bagay madivert ang anumang iniisip kong negatibo. Malapit na naman lunch. Alam ko busy na naman ang karamihan sa kusina. Magandang araw! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Hinihintay ko ang paglabas ng buwan dahil sabi lunar eclipse ngayon pero masyadong madilim ang langit. Walang buwan na nagpapakita ngayon dito sa lokasyon namin. Habang naghihintay ng paglitaw ng buwan ay nakita ko itong tanim naming sampaguita. Meron na palang mga bulaklak. Pumitas ako ng dalawang piraso sabay inamoy ang halimuyak nya. Dahil medyo sensitive ang pang-amoy ko kaya feeling ko sinipon ako. Kaya wala akong hilig sa mga pabango kasi sumasakit ulo. Ayos lang naman yung mild lang, wag lang yung sobrang tapang na amoy. Kung hindi man magpakita dito samin ang buwan, tiyak makikita ko naman sa mga post dito sa noise. Alam ko marami ang magpopost ngayon ng tungkol dyan. Magandang gabi! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

"Pinili mong wag Piliin" Magulo ano haha. There may have been big important choices, or small ones, or perhaps choices not to choose at all. Those count as choices, too. Bakit ba may pagkakataon na hindi natin pinipili ang isang bagay? Syempre sasabihin natin, kasi nga ayaw natin. Pero dumating din ba kayo sa puntong gusto mong piliin pero hindi pwede? Bago kasi tayo gumawa ng hakbang, iniisip muna natin ang magiging consequences nito. Gusto mo nga pero may masasagasaan ka namang iba kaya mas pinipili mong wag piliin. Masaktan ka man pero malinis naman ang konsensya mo. Ang sakit nawawala lang, pero ang konsensya palaging nakasunod. Hindi lahat ng gusto natin pwedeng mapunta satin. May mga bagay naman na kahit hindi natin hiniling pero nandyan,kaya yun na lang ipagpasalamat natin. Yung tamad ka mag-isip ng content kaya nagcopy paste na lang galing sa post sa kabila. Hm Lunar eclipse daw mamaya. Mukhang karamihan aabangan yan. Mauuna na akong magpost ng buwan kahit umaga pa lang. Good morning! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Sa kadiliman ng gabing ito Ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip ko Wala eh, hindi na ata mababago Hindi maihambing kahit kanino Palaging ikaw ang lamang sa puso Salamat dahil minsa'y pinagtagpo Kahit pa hanggang lang tayo dito Sasariwain lagi ang mga alaala mo Magpahanggang wakas aking itatago Aalagaan at pakaiingatan ko ito ------------------------------------------ Wala ng maidugtong eh kaya tinapos ko na agad. Gusto ko lang naman talaga ishare itong bulaklak na napicturan ko kanina bago magdilim. Hindi lang gaanong malinaw pagkakuha ko pero para syang bituin sa langit na nagniningning. Magandang gabi! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Bougainvillea Hahayaan ko na lang na hangaan at tanawin ka mula sa malayo kesa ang lapitan ka pero alam ko namang mas masasaktan lang ako. Maihahalintulad kita sa bougainvillea na bagamat napakagandang pagmasdan ngunit may mga tinik na nakakasugat. Tunay nga na kahit mahal mo, minsan hindi mo din makukuha at kapag pinilit mo mas magiging komplikado. Ang mga katagang mahal kita ay hindi naman nangangahulugan na dapat maging akin ka. Mahal kita, ibig sabihin masaya ako basta nakikita kitang masaya. Mahal kita, ibig sabihin kahit mula sa malayo mapagmasdan lamang kita ay ayos na. Mahal kita, ibig sabihin kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan mo ay tatanggapin ko. Mahal kita, ibig sabihin ayaw ko na mawala ka sa paningin ko kahit alam kong hindi mo ako nakikita o napapansin. Wala lang maipost haha. Kuha na lang ng dating post sa kabila. Paraan po. Good night! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Halloween muna ang kape bago inumin, at wag din hintayin na lumamig pa. Nakapagkape na ba? Tara pangalawa kape na hehe. Ang ganda ng panahon ngayon. Asul na asul ang langit. Tiyak matutuyo ang mga sinampay namin na pagkarami-rami, natambak kasi dahil sa ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan. Sana maganda din panahon sainyo. Good morning! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

"Kung puro init at walang ulan, malamang disyerto na ang buong mundo." Sa buhay naman palaging kaakibat ang pag-ulan o mga pagsubok dahil ito ang huhubog satin lalo. Tayo ay katulad ng mga halaman na kapag naulanan ay mas lalong yayabong at matututo. Darating ang araw na matatanaw din ang pag-sikat ng araw. Sana hindi literal na mabasa ng ulan ang maisip nyo dahil gamot ang katapat nyan. Kalat ang pag-ulan ngayon dahil sa bagyo kaya mag-iingat po. Makulimlim na hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Ikaw May mga tao talaga na mahilig pumuna ng kamalian ng iba. At meron din magaling magbintang kahit walang basehan. Ang daling ituro ang mga daliri at sabihing "ikaw ang mali" na kung tutuusin lahat naman tayo ay hindi perpekto. Sa bawat pagturo ng daliri mo sa iba, pansin mo ba na ang tatlong daliri ay nakatutok sa sarili mo. Isipin muna bago pumuna kung ikaw ba ay totoong malinis. Pero kung ang pagpuna ay para sa pagbabago at ikabubuti ay sige na lang. Sino ang maganda? Ikaw👇. Oh sakin nakaturo ang tatlong daliri haha. Maulan na umaga sa lahat. May sama ng panahon siguro kaya ganito na naman. Mag-iingat na lamang at wag kalilimutang magdala ng panangga sa ulan. Sa lugar n'yo maulan din ba? Good morning! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

When you talk ill of others, you are actually revealing yourself; to speak ill of anyone is to speak of oneself. Sa mga taong ganito, ito ang masasabi ko, hindi ka kagaya ng bulaklak na maganda tulad ng nasa larawan, kundi kagaya ka ng higad na nasa ilalim nito. Hindi ko na pahahabain pa dahil alam kong alam nyo na rin ang pinupunto ko. Umiinit at umuulan dito samin. Ano daw ba ang kinakasal kapag ganito ang panahon? haha. Basta ang nasisiguro ko lang, ang katulad na panahon ay pampalagnat at pampaubo. Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Asul Katatapos lang ng isang nanay magsampay ng napakaraming nilabhan. Nasa loob na sya ng bahay at tinuturuan ang kanyang apat na taong gulang na anak tungkol sa mga kulay. Hawak ng ina ang aklat at sabay banggit ng "anak, ito ang langit. Ang kulay nito ay ASUL". Sabay takbo ng bata sa labas upang tingnan ang langit. Bakit mama walang asul? inosenteng tanong ng anak nya. Hindi na nag-abalang sagutin ng ina ang anak. Dali dali na s'yang lumabas at kinuha ang mga sinampay. ------------------------------------------------- Problema ng mga nanay talaga ang biglang pag-ulan lalo na kung maraming sinampay. Para kang nakikipagpatintero sa ulan. Kasalukuyang umuulan dito sa lugar namin. Sa mga pauwi at paalis, mag-iingat po. Dapat palaging may dalang payong panangga sa ulan. Magandang Hapon!☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

"Never argue over unimportant details, for if you win, you will have gained no advantage" Kaya bakit pa tayo makikipagsagutan kung wala din naman pala tayong mapapala. Masasayang lang ang laway mo, sabagay tulong din pala yan para hindi mapanis haha. Minsan nga kahit alam nating tama tayo kung sarado naman ang utak ng kausap mo mas mabuti pang manahimik na lang din. Sabi nga, mahirap gisingin ang utak ng nagtutulog-tulugan. Pero sa mga oras na ito masarap matulog dahil parang gabi na ang paligid gawa ng sobrang dilim ng kalangitan. Panigurado mamaya lang babagsak na ang malakas na ulan. Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Eroplanong papel Kagaya tayo minsan ng eroplanong papel, bumabagsak at nawawalan ng hangin. Paanong makakalipad kung wala ang tulong ng iba. Hindi ibig sabihin na dumepende sa iba bagkus nagpapahiwatig na hindi sa lahat ng oras kaya mong mag-isa. Kahit pa ikaw ay maituturing na malakas umaasa ka pa rin na may magtanong sayo ng kumusta ka? Ano kaya mo pa? Ano ayos ka lang? Ang isang barbero ay kailangan din ng kapwa barbero. Hindi n'ya magugupitan ng maayos ang sarili kundi kailangan nya ng iba para magawa ito ng maayos. Ang doktor kung minsan ay kailangan din ng kapwa doktor dahil hindi n'ya magagawang operahan ang kanyang sarili. Ang bawat isa sa atin ay nagbibigay ng kahulugan sa kapwa. Maging isang instrumento tayo ng kabutihan sa kapwa. Magandang Umaga! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Kinakapanayam ni San Pedro ang iba't ibang propesyonal bago makapasok sa langit. San Pedro: Pumila ang lahat batay sa antas ng inyong propesyon at sa dami ng inyong nagawa sa lupa. Sa unahan ng pila ang mga kilalang propesyonal at nahuhuli ang guro. Engineer: Sobrang dami kong nagawang proyekto. Ang lahat ng nagawa ko ay laking tulong sa mga tao. Ako ang dapat na mauna. Abogado: Ako ang dapat na mauna, ang propesyon ko ay napakahirap. Nakaparami ko nang naipanalong kaso. Doctor: Masasabi kong ang propesyon ko ang pinakamahirap sa lahat dahil buhay ang inililigtas ko. Ako dapat ang mauna sa pila. San Pedro: (Nakatingin sa isang matanda nasa pinakahulihan ng pila) Ikaw, ano din ba ang propesyon mo at nagawa mo sa lupa? Matanda: Isa lang akong guro pero lahat ng mga nakapilang propesyonal ay dumaan sa aking pagtuturo. Lahat po ng propesyon ay mahalaga at ang pagiging guro ay isa ring kahanga-hangang trabaho. Isang pagpupugay po sa lahat ng mga guro. HAPPY TEACHER'S DAY! PS: Ano man ang trabaho basta marangal ay dapat bigyan ng pagpupugay (White collar at Blue collar job). Ang kwento po palang aking ibinahagi ay nakwento lang din samin ng dating kong guro. Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer

@Moonlightarcher

Balang araw maunawaan n'yo rin na ang pag-ibig ay parang ampalaya. Matitiis mo ang pait makita lang s'yang masaya. Marahil hinahanap n'yo ang ampalaya. Wala d'yan sa picture. Ganyan din ang pag-ibig, minsan mahirap mahanap, mahanap mo man minsan sa maling tao pa haha. Nag-iisip kasi ako ng pangkontent kaso yang picture ang nakita ko eh. Kung saan saan na naman naglakbay ang utak ko kaya kung anu-ano na naman sinasabi ko. Good night! ☺️ Moonlight_Archer