Bougainvillea Hahayaan ko na lang na hangaan at tanawin ka mula sa malayo kesa ang lapitan ka pero alam ko namang mas masasaktan lang ako. Maihahalintulad kita sa bougainvillea na bagamat napakagandang pagmasdan ngunit may mga tinik na nakakasugat. Tunay nga na kahit mahal mo, minsan hindi mo din makukuha at kapag pinilit mo mas magiging komplikado. Ang mga katagang mahal kita ay hindi naman nangangahulugan na dapat maging akin ka. Mahal kita, ibig sabihin masaya ako basta nakikita kitang masaya. Mahal kita, ibig sabihin kahit mula sa malayo mapagmasdan lamang kita ay ayos na. Mahal kita, ibig sabihin kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan mo ay tatanggapin ko. Mahal kita, ibig sabihin ayaw ko na mawala ka sa paningin ko kahit alam kong hindi mo ako nakikita o napapansin. Wala lang maipost haha. Kuha na lang ng dating post sa kabila. Paraan po. Good night! ☺️ Moonlight_Archer
17 comments
Good night narin hehe pahinga na jan
True, love is not always reciprocates. And knowing that you're truly in love.
Gandang tula..buti pwede ditong ilipat ang post sa kabila..
Good na sissy
Owwwhhh mapanakit na pagmamahal:D
OK lang yan mate.
Isang makata ka mate anyway ang kyutie ng mensahe
Totooyan ang salitang pagmamahal is hindi naman nakasalalay sa nandiyan siya lagi sa tabi monkasi kubgtalagang mahal mo ang isnag tao kahit malayo kayo or hinxi kayo magkasama ay okay lang. Kasi nga mahal mo siya.
Ganyan talaga ang hiwaga ng pag-ibig . Masaya at malungkot talaga kapag nagmamahal. Sobrang late reply na haha.
mapanakit na umaga po 😅 though di ko pa ranas napakasakit na tila ramdam ko yung sinasabi 😅
Wag mo na din sanang maranasan na masaktan dahil sa pagmamahal na yan haha. Pero kung talagang mahal mo naman magagawa mo ding unawain na talagang hindi sa lahat ng oras masaya, minsan kailangan mong magparaya. Gandang gabi.. Ngayon lang nakareply hehe.
At yan ang totoong nagmahal masaya na kahit Hindi ikaw ang dahilan Ng kasiyahan niya :)
Ang ganda Naman ng ibig sabihin ng salitang Mahal kita. Salitang dapat ay hindi basta Salita lang. Nawawalan Kasi ng kabuluhan Ang Isang salita na sinasabi kung di nakikita sa gawa di ba ?
Totoo po yan, hindi lang puro salita kundi dapat pati sa gawa. Walang saysay ang magagandang sinasabi kung hindi naman inaapply sa sarili. Magandang gabi po.
Ganiyan din ang ginawa ko ka-noise iyong ginawa kong tula inilipat ko dito. Hehe! Good evening!
Magandang gabi din. Ok lang naman daw na ilipat dito yung content na napost na sa kabila eh. Sayang din naman hehe. Saka hindi ka na mahihirapan pa na mag-isip ng ikokontent mo dito.
Oo nga, ka-noise! Dahil busy din tayo nawawalan tayo ng time na gumawa ng iko-content natin.