Halloween muna ang kape bago inumin, at wag din hintayin na lumamig pa. Nakapagkape na ba? Tara pangalawa kape na hehe. Ang ganda ng panahon ngayon. Asul na asul ang langit. Tiyak matutuyo ang mga sinampay namin na pagkarami-rami, natambak kasi dahil sa ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan. Sana maganda din panahon sainyo. Good morning! ☺️ Moonlight_Archer
42 comments
Harinawa na makatuyo agad ng sinampay ang lakas ng hangin nangangalag ang sinampay.
Haha lalim sa "harinawa". Ihanda lang ang pang ipit dahil baka makarating sa kapitbahay ang sinampay mo nyan.
Hahaha! naway nahallow mo ng mabuti yung kape mo.
Haha nahalow na ang pangalawang kape.. Mamaya ulit ang pangatlo.
Hahahha tama naman po yan talaga yung ginagawa sa kape bagu inumin.
Haha hindi masarap kapag hindi hahalloween
Oo nga hahaha nagets ko din yung joke 😅
Hahaha buti naman naintindihan mo. Tara magkape ulit para may hahalloween na naman.
Ay gagawin ko tung joke dito sa bahay hahhaha
Ito talaga angg nakakatakot ngayon, yung pagkatapos mong Halloween pero iba ang iinom haha. Nangyayari yan sa mga kapatid haha.
Oo halo in 4 short✌️😆😆😆😆
Sakto ngayong Halloween haha
Yess
Hanggang 3 mugs lang Ako per day.... Kakatakot na Minsan kapag sobra..magugulatin na sa maliit na kalampag😂
Masarap kasi ang kape, yun nga lang nakakasobra naman sa kaba haha.
haha
hahaha tama haloween hanggang matunaw ang kape at asukal hehehe
Ganyan nga hahah.. Mapait kapag hindi mo hahalloween ng mabuti haha.
Good morning, din ka-noise! Kaninang paggising ko ang ganda ng panahon pero kanina, biglang umulan. Ngayon naman huminto na! Pabagu-bago pa rin ang weather dito.
Ganyan din samin.. Kanina akala ko maganda kasi asul na asul ang langit tapos ngayon makulimlim na naman.
Sana all nakalabas ang sinampay sis
Maulan pa rin dyan?
Dito,pawala wala ang araw mabuti diyan ma6 araw na makakatuyo sa sinampay.
Makulimlim na ulit. Pero ok na kahit papano kasi medyo natuyo na ang iba.
Hindi ako nakatuyo sa aking nilabhan umulan kasi pagsapit ng hapon. Gandang gabi.
Hahaha benta ang joke mo noisemate haha, tho I'm not into coffee.
Gatas ba ang hahalloween mo? Haha. Gandang hapon.
Milo sis hahaha
Tapos na akong nagkape. Salamat. Haha. Dadagdagan ko pa sana to pero wag nalang pala. 🤭
Wag na magkape dyan haha. Maggatas ka. Yan ang Halloween mo.
Hahaha. Halloween. Walastik. 😂
Hahaha paano namab halloween ang nilulutong ulam🤧
Hahha gamitin mo yung sandok tapos ako ang alukin mong kumain. Ganyan ang tamang pagluluto.
Hahaha. Hallow-een ng ma-buh-tih ang ka-pih. 🤣🤣🤣
Happy halloween dear
Happy Halloween din
Kaka efbi mo yan 😁😂
Wag kang maingay haha.
Sshhhh 🤐
Halow in ang kape😂😂
Happy Halloween haha.. Halloween na ang kape dyan.
ahahah ang taba talaga nang utak nang mga pinoy