Tutubing-karayom! Minsan na lang kitang makita tutubing-karayom. At ang minsang makita ka ng aking mata'y pinupukaw ang damdamin ko sa nakaraan, ang nakaraang masaya na ang ngiti'y mamamasdan sa labi't umaabot hanggang sa mata. Bawat masasayang kahapon ay hinding-hindi mawawaglit sa isip kailanman. Parehong damdamin pa rin ang nasa puso ko kapag nakikita ang mga bagay na nagpapaalala ng nagdaan. Share ko lang ulit itong nahagip ng aking kamera. Isa sa mga nagpapaalala ng nakaraan. May napapansin pa rin ba kayong tutubing-ka rayon sa ngayon? Good morning. ☺️ Moonlight_Archer
1 comment
Ako din bihira na ko makakita ng ganyan. Madalas may ganyan sa probinsya namin.