Kinakapanayam ni San Pedro ang iba't ibang propesyonal bago makapasok sa langit. San Pedro: Pumila ang lahat batay sa antas ng inyong propesyon at sa dami ng inyong nagawa sa lupa. Sa unahan ng pila ang mga kilalang propesyonal at nahuhuli ang guro. Engineer: Sobrang dami kong nagawang proyekto. Ang lahat ng nagawa ko ay laking tulong sa mga tao. Ako ang dapat na mauna. Abogado: Ako ang dapat na mauna, ang propesyon ko ay napakahirap. Nakaparami ko nang naipanalong kaso. Doctor: Masasabi kong ang propesyon ko ang pinakamahirap sa lahat dahil buhay ang inililigtas ko. Ako dapat ang mauna sa pila. San Pedro: (Nakatingin sa isang matanda nasa pinakahulihan ng pila) Ikaw, ano din ba ang propesyon mo at nagawa mo sa lupa? Matanda: Isa lang akong guro pero lahat ng mga nakapilang propesyonal ay dumaan sa aking pagtuturo. Lahat po ng propesyon ay mahalaga at ang pagiging guro ay isa ring kahanga-hangang trabaho. Isang pagpupugay po sa lahat ng mga guro. HAPPY TEACHER'S DAY! PS: Ano man ang trabaho basta marangal ay dapat bigyan ng pagpupugay (White collar at Blue collar job). Ang kwento po palang aking ibinahagi ay nakwento lang din samin ng dating kong guro. Magandang hapon! ☺️ Moonlight_Archer
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
9 comments
Good listener ka pala kanoise noon. Husay! Natatandaan ko parati akong tulog noon,ahe
Hehe yung kwento na lang ang natatandaan ko pero yung mga lessons wala na😅
Teacher din ang malaki ang naitulong sa bawat propsyonal na tao ngayon.
Saludo sa mga guro na palaging nagbabakasyon sa London haha. Loan dito at loan doon😅. Kilala kasi mga teachers sa ganyan dahil hindi naman ganun kataas sahod depende na lang kung master teacher ka o may mataas na posisyon.
yiee tama nmn nga po jan lht nag umpisa sa guro nagtuturo ng mga dapt malaman sa kht anung propesyon yan
Laking ambag ng mga guro para mahubog ang nga kabataan. Syempre kasama dyan pati ang mga magulang na tumatayong guro sa mga anak kapag nasa bahay.
truee po sila ang mGkatuwang
Tama kng ano tayo ngayon sila ang dahilan
Ang galing ng kuwentong iyan, mate!