Hinihintay ko ang paglabas ng buwan dahil sabi lunar eclipse ngayon pero masyadong madilim ang langit. Walang buwan na nagpapakita ngayon dito sa lokasyon namin. Habang naghihintay ng paglitaw ng buwan ay nakita ko itong tanim naming sampaguita. Meron na palang mga bulaklak. Pumitas ako ng dalawang piraso sabay inamoy ang halimuyak nya. Dahil medyo sensitive ang pang-amoy ko kaya feeling ko sinipon ako. Kaya wala akong hilig sa mga pabango kasi sumasakit ulo. Ayos lang naman yung mild lang, wag lang yung sobrang tapang na amoy. Kung hindi man magpakita dito samin ang buwan, tiyak makikita ko naman sa mga post dito sa noise. Alam ko marami ang magpopost ngayon ng tungkol dyan. Magandang gabi! ☺️ Moonlight_Archer
14 comments
Hinihintay ko din. Makaakyat nga ng bubong haha. Natatakpan kasi. May mga bituin na nagpakita.
Picturan mo haha. Hintayin ko ang entry mo dito. Masyadong madilim dito samin.
Medyo di masyadong mapula.
Dito rin hindi nagpakita maulap ngayon. Kaya nga mag aabang nalang ng post dito hehe
Haha mukhang sa post na lang ng iba natin makikita ang lunar eclipse ngayon.
anung oras po ang eclepse sis sna mpsnuod ko dn
Kita ko lang sa mga post, sabi simula pa kanina bago mag6pm hanggang 9pm daw.
Penge akong sampaguita hehe ilagay ko sa poon namin 😊
Nasasayang lang mga bulaklak nyan, nalalaglag lang. Nawawala sa isip na maglagay din sa altar dito.
Samantalang dito mahal ng sampaguita tas tataka ako wala man lang ka amoy amoy
Gudnyt!
Sa ibang lugat nga daw ay wala
Dito walang nagpakitang buwan haha. Sayang inabangan ko pa naman.
Meron talagang mga bulaklak na mild lang ang Bango, meron Naman yung sobrang mahalimuyak na kahit malayo ka ay naaamoy mo na.