read.cash Log in
@Moonlightarcher

Ligaw na bulaklak Tumubo sa parang kahit hindi itinanim Mag-isang lumaban sa araw at dilim Laging nangangamba na baka ay bunutin Pagkat walang puwang na ilipat sa hardin Kahit anong ganda mo sa paningin Halamang ligaw pa ring maituturing Ang buhay mo'y kailangang putulin Luntian ka man ngunit dapat ay dukalin Para sa nakararami ikaw ay perwisyo Ibang halaman pilit winawasak mo Gandang mapanlinlang at di totoo Marapat nang ikaw ay lumisan sa mundo Ngunit anong sekreto at ang tibay mo Muling nabubuhay at namemerwisyo Akala mo siguro'y hindi ka mabibisto Nagbalatkayo at nag-iba lamang ng anyo Ang ganda mong mapanikil at mapangahas Kung makaagaw ng buhay ng iba ay wagas Pataba para sa iba'y iyong inaangkin Kung tumira ka nga ay pailalim Anong tago mo ma'y mahahalata rin Mga mata'y hindi mo kayang linlangin Bumalik ka man nang paulit-ulit Ang buhay mo pa rin ay ipagkakait ----------------------------------------- Hindi natin kailangan ang katulad ng isang magandang ligaw na halaman na kayang manlinlang ng kapwa. Dahil ang mga ganitong tao ay walang puwang sa buhay mo. Dapat natin silang iwasan dahil panigurado masisira tayo. Ang kailngan natin ay ang mga taong totoo sa atin. Ang kagandahan ng kalooban pa rin ang dapat manaig. Maging mapanuri tayo sa mga nakakasalamuha natin. Magandang umaga! ☺️ PS: Kuha ko lang yang ligaw na bulaklak sa likod-bahay. Akalain mo yun, pati damo ginagawan ng kontent haha. Post ko po ito sa NC 2 months ago. Nilipat ko lang dito gawa nang hindi ko nga mamigrate dito yung content ko sa kabila. Copy and paste na lang muna. Moonlight_Archer

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.