May mga araw na pakiramdam ko hindi na magiging ok. Yun bang nakakawalang pag-asa. Ganyan ako kanegatibo mag-isip talaga. Yung kahit nakakarinig o nakakabasa ako ng wisdom/inspirational words parang wala ng talab sakin. Ewan, ayaw ko ng ganito. Bumabalik ata ang depresyon ko. Kulang ako ng tiwala sa sarili ko. At siguro nagkukulang na din ang pananalig ko sa Kanya. Parang gusto kong bigla maglaho. Pero naiisip ko, bakit ba ako susuko. Meron nga dyan iba na mas grabe ang problema pero kinakaya. Bago pa tuluyang maging madrama itong post ko, bahagi ko na lamang itong nakuhanan ko ng larawan sa likod-bahay habang naglilinis ako kanina. Para kahit sa ganito kasimpleng bagay madivert ang anumang iniisip kong negatibo. Malapit na naman lunch. Alam ko busy na naman ang karamihan sa kusina. Magandang araw! ☺️ Moonlight_Archer
10 comments
Sa Buhay natin asahan na natin na hindi Lahat ng gusto natin ay makukuha natin I ibinigay sa atin. Kasi may mga minimithi Tayo sa Buhay na gusto nating makuha na pag nakuha na natin, hindi pa rin Tayo makuntento at dahil sa kagustuhan pa na makamit Ang iba pa , di na natin namamalayan na naiiba na Tayo sa pag uugali, napapakayo na Tayo sa mga taong mahalaga sa atin, at maging sa Diyos mismo. Kaya kung may pinagdaraanang malaking problema , hingin sa Diyos ang paggabay kung paano haharapin Ang problema at umasa Tayo sa solusyon na ipapakita Nya sa atin. Ang problema ay nararanasan natin hindi para Tayo ay wasakin kundi palakasin Ang pananampalataya natin . Bawat problema ay may karampatang solusyon. Hindi forever Ang problema . Kung Ang problema ay nagiging oaulit ulit ibig lang sabihin hindi pa natin natutunan Ang dapat nating matutunan sa problema.
Salamat po sa koment n'yo. Siguro nga nagkukulang na din ako ng pananalig. Tinatablan na naman ako ng depresyon. May mga bagay na kung tutuusin hindi naman dapat nang problemahin pa pero natatalo ako ng isip ko. Gandang hapon po.
Minsan ganyan din ako mate, feel ko wala nang pag-asa itong buhay ko pero hindi ako nagpapatalo sa depression..
Ayaw ko ng bumalik sa depression na yan. Labanan natin yan. Mahirap kapag nagpapatalo tayo sa mga negatibong naiisip natin.
Tama ka mate..
Aaminin ko madalas dumaan din ako sa gnyang sitwasyon.. dasal at faith na magiging maayos din ang lahat.. sa awa ng Diyos nararamdamn kong hindi siya nagkukulang ang dami pa rin Niya biyaya binibigay.. malagpasan monrin sana yan mate..
Mahina lang talaga ako. Natatalo ako ng sarili ko lang din na isip. May mga gabi na napapaiyak na lang din ako. Nahihiya ako sa sarili ko, feeling ko saka ko lang Siya naalala kapag tinatalo na naman ako ng depression. Pero totoo nakakagaan din ng bigat sa dibdib kapag tahimik na kausapin Siya.
Hindi natin maiiwasan na maging negative thinker dahil na din siguro sa pag aalala natin.
Iwasan na lang siguro natin mag-isip ng mga negative. Focus na lang kahit sa mga maliliit na bagay na nagpapasaya. Ang problema palagi naman nandyan.
Pray mulang yan mate, prayer is the most powerful weapon for us, lahat naman tayo may mga pagsubok, need lang talaga natin si God sah buhay natin.