Asul Katatapos lang ng isang nanay magsampay ng napakaraming nilabhan. Nasa loob na sya ng bahay at tinuturuan ang kanyang apat na taong gulang na anak tungkol sa mga kulay. Hawak ng ina ang aklat at sabay banggit ng "anak, ito ang langit. Ang kulay nito ay ASUL". Sabay takbo ng bata sa labas upang tingnan ang langit. Bakit mama walang asul? inosenteng tanong ng anak nya. Hindi na nag-abalang sagutin ng ina ang anak. Dali dali na s'yang lumabas at kinuha ang mga sinampay. ------------------------------------------------- Problema ng mga nanay talaga ang biglang pag-ulan lalo na kung maraming sinampay. Para kang nakikipagpatintero sa ulan. Kasalukuyang umuulan dito sa lugar namin. Sa mga pauwi at paalis, mag-iingat po. Dapat palaging may dalang payong panangga sa ulan. Magandang Hapon!☺️ Moonlight_Archer
15 comments
Gandang hapon😊
Good morning.. Late na ang reply hehe.
Oks lang yun😊
yun an masaklap yung uulanin ang mga damit mo na niabhan mo na pinaghirapan mo bukas mukhng magiging magnda ag panhon para kahit papaano matutuyo pa sa araw ang nilabhan mo
Lalo pa kung mga kumot ang nilabhan talagang mayayamot ka hehe. Para kang nakikipag habulan palagi sa pag kuha ng sinampay. Magandang umaga.
Biglang umulan ulit dito sa amin.
Nong isang araw nga eh asul ang langit naaraw pa pero bigla nalang bumuhos ang ulan tas sabay hinto ahaha.
Haha scam din minsan yang asul na langit.. Akala mo maganda ang panahon sa maghapon tapos biglang bubuhos. Good morning.
Good morning din ayon makulimlim pa puyat si haring araw:)
Galing magkwento ni nanay sakto sa buhos ng ulan haha.
Mapapatakbo ang nanay kapag ganyan.. Kahit siguro nagmamarites sa kapitbahay biglang iiwan ang kausap para kunin ang sinampay haha
Talaga naman mate sinabi mo pa mabilis pa sa alas dos haha
Parang pang asar lang ang kalangitan no sis. Kung kelan nakasampay dun uulan
Madalas ganyan ang panahon ngayon. Tingin tingin sa langit baka magbanlaw ulit ang sinampay hehe.
Naistorbo ng paparating na ulan ang kuwento ni nanay! Sayang!