Bitcoin Cash save our 15 days.
Blog#28
Kamusta po ang lahat? Ako hindi maayos kasi naman hindi ako nakapagsulat ng artikulo ko kahapon dahil nasa anak ko na naman ang phone ko. Kaya minsan talaga naiisip ko bumili ng bago kaso nga lang,wala pa kong ipon para doon kaya tiis tiis nalang na may kaagaw ako.
Unang araw na naman ng isang linggo at busy na naman ang lahat sa kani- kanilang trabaho. Sana all may trabaho! Hehe kung may trabaho ako madali nalang magipon ng pambili ng bagong cellphone. Sa tingin niyo?
Sa tagal ko ng taong bahay, naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng may trabaho. Yung tipong may inaasahan kang sahod pagpatak ng kinsenas at katapusan. Magsusuot ka ng uniporme at makakahalubilo ng mga tao sa loob ng public vehicle. I miss that all alot.
Pero minsan naiisip ko din na once na may trabaho ka nandiyan yung hindi talaga sasapat, lalo na kung nagtataasan na ang bilihin at pamasahe. Kaya maswerte yung mga nagwowork na nasa bahay lang katulad ng partner ko. Gayunpaman hindi parin sumasapat ang kinikita niya samin, kulang na kulang talaga dahil sa daming kailngan bayaran at nagtaas ang bilihin. Bakit ito ang topic ko ngayon? Siguro nagtataka kayo ano po?
Naisip ko ito dahil Bitcoin Cash save our 15days. Bakit? Kahapon kasi naubusan na kami ng stock na bigas. As in wala ng laman ang aming lagayan ng bigas, i ask my partner if my pambili siya pero sadly wala (nga-nga ang lolo niyo) biruin niyo ika-apat palang ng buwan pero wala na kaagad siyang sahod.
Yan ang mahirap kapag lalaki talaga ang may hawak ng pera at hindi ang may bahay. Pero ayos nalang sakin kasi hindi pa naman kami kasal, kaya hindi ko talaga siya inoobliga na ibigay ang sahod niya sakin. At dahil nakasanayan ko narin siguro na kung ano lang ibigay niya,okay na ko kayulad noon. Dahil ang isip ko ay marunong naman ako magtrabaho para sa mga kailngan ko, katulad noon na may tindahan ako. Ang sagot lang niya noon ay ang gatas at diaper ng anak namin. Never siyang nagbigay pambili ng ulam o pang-upa sa bahay. Lahat ng expenses ay ako ang nagbabayad kasama ang bill sa kuryente,bahay at pagkain. Nahahandle ko yun lahat ng dahil sa tindahan ko noon,kaya gusto ko ulit magkaroon ng tindahan. How i wish na magawa ko ulit,pero mukhang malabo dahil nga sa hindi an naman nadadalaw ni rusty at isa pa may kaagaw ako sa cellphone. Pero hindi ako susuko at hindi ako titigil sa pagsusulat,kahapon lang talaga ako hindi nakapagsulat dahil nasa anak ko yung cellphone ko.
So back to topic..
Bitcoin cash save our 15days, dahil nga iilan lang naman kami sa bahay yung 25kilos na bigas ay tumatagal na samin ng 15 days. Kaya i am happy na kahit papano may ipon at may kinikita ako ngayon. Nakakatulong ako sa partner ko kahit pambili ng bigas. Ito nga pala ying bigas na nabili ko kanina, nung pagbaba ko para bumili ng ulam sinabay ko na para isang lakaran lang.
Yan yung bigas na nabili ko sa baba, last time na bili ko is galing sa isang application na ginagawa ko. At ngayon naman galing dito sa Butcoincash we were lucky to have this platform. Yung unang nabili ko is mabuhaghag daw, hindi ko alam itong nabili ko. Bulas namain malalaman if maganda ba siya or hindi. May natira pa kasing sinaing kanina kaya hindi na kami nagsaing,kasya naman dahil nga tipid naman kami sa kanin. Sabi ng parents ko noon dibale ng hindi masarap ang ulam basta masarap ang kanin,kaya bukas malalaman if masarap ba siya o buhaghag din. Hindi kasi ako magaling pumili ng bigas, kayo ba marunong ba kayo timingin ng bigas? O nagbabse lang din akyo sa presyo? Kapag mahal maganda yun,pero kaapg mura panget isaing yun? Ganyan ba kayo? Speaking of ulam pala ito ang aming ulam kanina na iniluto ko.
We had hotdog, fried egg at fried tofu with chicken breeding.
Parang almusal lang ano po? Kaso ang hirap talaga magisip ng ulam kapag wala ka ng budget. Haha kaapg bagong sahod,alam na masarap ang ulam pero mga ilang araw lang eh back to alam na. Ulam na kayang magsave ng budget hanggang makasahod muli lik ng itlog,hotdog at kung ano pang frozen na affordable.
So this is my blog for today. And i am very thankful on this site kasi dahil sa site na ito at sa noise.cash i can warn some bitcoincash. Gustuhin ko man maghold ng bitcoincash pero hindi ko magawa dahil sa mga ganitong panahon na kailngan dumukot. Hindi ko din matiis ang aking mga anak na magutom o magtiis kaya kung may maggawa ako apra makatulong gagawin ko. Kaya thank you sa laaht ng bumubuo ng read.cash at sa noise.cash dahil dito kumikita ako ng bitcoincash na siyang nagsisilbing tagapagligtas sa oras ng pangangailangan.
Bitcoincash save our 15days
Thank you very much! To all the peoplo in this Sponsors block.
You may visit their work and you will see how great they are.
Summary of my blog's
📌 Summary of articles for-february2022
LEAD IMAGE: Edited by me
Malaking tulong tlga sis ang may bch in case of emergency may madudukot