2021 Goodbye, but no goodbye to online shopping

5 17

Kung may mga 2021 Spotify, Youtube, Tiktok wrapped, dito tayo kay Shopee. Malaki ang pasasalamat ko kay Shopee, since nagpandemic sa totoo lang. For sure marami din ang nagenjoy sa pagoonline shopping kasi napakaconvenient in a way na di ka na lalabas ng bahay.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Nagwork ako sa isang sports online retail store kaya kahit papaano may idea ako na hindi ako confident pagdating sa mga size ng damit, shoes or anything that requires yung pagsusukat. Ang ending palagi is return, refund, reorder. SUPER bilang ang mga store na nagkaroon ng exchange policy, take note store meaning physical store but when it comes to online stores parang wala pa akong nakikita, pero usually if maganda ang customer service and fault ng warehouse or courier, nisshoulder ng seller ang replacement without returning the item. Complimentary na lang ganern. Pero anyways, bilang suki ni Shopee may pa year end din sya.

Bigla akong napalunok ng konting laway nung nakita ko to. Malaking pasalamat ko sa asawa ko na sumusustento sa pamilya namin habang wala pa akong work. At salamat sa read.cash na nakakakuha din ako ng pandagdag sa mga supplies ni bb.

OOPS! Teka lagyan ko ng konting disclaimer. I am posting this not to brag but to help other online shoppers, first time moms or moms, or other people who may also be interested in the stuff that me and my husband buy. Plus, minsan naauubusan na ako ng content so bilang full time housewife, ito lang madalas kong nagagawa. Pasensya at pasintabi nalang po sa iba. hihi

Ayun, bilang buntis ako at nanganak (padedemom), bihira akong makalayas ng bahay so ang karamihang needs ng anak ko at needs naming magasawa ay sa Shopee ko binibili. Dahil sa province nagwwork si husband ko, dito ko lagi pinadedeliver kasi mas mahal ang shipping ng provincial unless shipped from overseas yung item.

Hindi naman ako lagi nagoonline shopping, si husband ang lagi may pinapabili sa totoo lang hahahah. (Alam mo naman mga lalaki). Pero natutuwa din ako kasi madalas mas nakakita ako ng mas mura from other sellers, plus naghihintay pa ko ng free shipping.

Tipid tips

Checkout separately

Kapag malaki, mabigat, or masyadong maraming items yung bibilihin nyo sa isang store, I strongly suggest na icheck out nyo separately. Syempre may pros and cons pa din yern.

P: during monthly sale or payday sale, maraming free shipping voucher na with 0 minimum spend na pwede mong magamit up to 7 times until maconsume yung vouchers na yun ng mga users. You can get free shipping sa lahat ng items if you checkout separately, kasi if you checkout in one order with multiple items or magexceed sa maximum weight, mas mahal ang shipping fee.

C: Mas matrabaho, kelangan mo bumalik balik sa checkout page para makita mo kung anong item/s yung pwede mong isama sa checkout mo. 2nd, mas maraming basura pero you can always recycle.

Choose sellers na may cashback

kung super konti ng price difference sa store na walang cashback, dun na ko sa may cashback kasi pwedeng may cashback voucher ka at makakaipon ka ng Shopeecoins.

Gcash findshare

May Gcash ka ba? gamitin mo yung Findshare na cashback doon. Mas malaki ang makukuha mo and mas mabilis mo sya makukuha unlike sa ibang Cashback apps.

Shopeepay

Almost lahat ng free shipping is available sa Shopeepay checkout option, pati yung sa membership mo. Pros and cons pa din to.

P: cashless delivery, more free shipping vouchers and di mo na kelangan ng authorization letter or id sa representative na magrereceive (which is barely naman ginagawa ng mga riders)

C: You need to pay as soon as you checkout, kelangan mong loadan yung shopeepay mo with the amount na kasama yung shipping to avail of the free shipping (so may butal na maiiwan sa shopeepay), and prone to scams or receiving defective items.

ITO YUNG PINAKAADVISE KO SA INYO KUNG NAGSHOPEEPAY or COD na din. TEST THE PRODUCT FIRST BEFORE PRESSING ORDER RECEIVED. Galit all caps?hahahhaa! Char! De ganito kasi, pwede mo namang di pindutin muna yung ORDER RECEIVED. Madalas trigger happy tayo basta nareceive na yung item kahit di pa nabubuksan.

PERO, SABALIT, DATAPWAT! Wag natin kalimutang itest or i-video ang unboxing lalo na kung mahal or pwedeng madeliver ng damaged or defective ang item. KAPAAAAAAG ang item ay defective or damaged, ang pindutin mo ay RETURN/REFUND. AAAAAT madalas ayaw irefund to ni seller pwede ka naman magcontact sa CS ni shopee lalo na kung naorder receive mo na.

Napansin ko lang dn na kapag galing China ang item tapos nakareceive ka ng wrong, defective or damaged item, hindi na nila pinarereturn matic refund na nila kapag nagrequest ka ng return/refund.

Ayun, lang yung natatandaan ko na pwede kong maadvise mga repapips.

1.1 purchase

Hahahahaha nakaligtas naman ako pero nagorder pa dn ako. Wet wipes lang naman ni lil b. Mejo nabudol ako kasi nung nagadd to cart ako a few days before 1.1 may nakalagay sa item na GET THIS FOR 17 P ON 1.1, so naghintay ako. Nung malapit nako magcheck out, nawala yung tag na un. Kaenes!!!

2021 recap

Eto naaaaaa! May parecap si Shopee, tignan natin...

(Lunok laway)

For my mudra na binili ko after ko manganak

Ayoooon na nga! Wag na natin isama yung total. Sumasakit ulo ko.

Happy 2022 goize!!

shopee 12.12

Let me buy a few things before sale.

Shopee 11.11 c/o BCH

Shopee 10.10 checkout

Personal Shopper. I U

Shopee budol 9.9

Baby Essentials Shopee shopping

3
$ 2.11
$ 2.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Lhes
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Nabili din ako sa shopee pero mga hindi naglagpas ng P200 ang price per item, mahirap madale ng expectation vs reality

$ 0.01
2 years ago

Shru yan. Kelangan suyurin ang ibang sellers tska reviews

$ 0.00
2 years ago

Haha truth, tagal tuloy bago magplaced order

$ 0.00
2 years ago

Budol na budol yan madam hahahaha pero sa true mas nakakatipid talaga pag online shop lalo na kapag magaling ka pag dating sa mga vouchers and pa promo pa minsn hahhaha kaya namn talagang platinum na shopee naten whahaha salamat shopee whahaha

$ 0.01
2 years ago

salamat shopee for reals!!!!

$ 0.00
2 years ago