Para sa akin, ang bagay o simbolismo na maiuugnay ko sa aking sarili ay isang puno na nagbubunga tulad ng isang mangga.
Alam nating lahat kung ano ang puno ng mangga. Napili ko ito dahil maiuugnay ko ang sarili ko sa isang puno. Katulad ng paglaki ng isang puno ay ang paglaki ng aking sarili. Noong maliit pa tayo ay nakakararanas na tayo ng mga problema. Ang isang maliit na mangga mahirap itong mabuhay kapag nakararanas ito ng matinding hangin at ulan na nagdudulot ng baha na puwedeng ikamatay nito. Katulad sa akin, sa atin, kahit bata pa tayo nakakaranas na din tayo ng iba’t ibang problema o pagsubok sa buhay na maaaring dulot ng pamilya, iskwela at iba pa na kailangan nating lampasan.
Gaya ng isang puno, kapag nalampasan nito ang isang delubyo, ito ay unti-unting lalaki at nagiging matatag. Katulad nito ang paglaki ko, sa paglampas ng mga problema o pagsubok ay natututo ako.
Ang mga pagsubok na ito ay nagsisilbing gabay at aral sa aking pagtanda na gaya ng isang puno habang lumalaki, ito ay tumitibay. Kailangan nating harapin ang anumang pagsubok sa buhay dahil hindi natin ito maiiwasan.
At sa ating pagtanda, mas lalo nitong pinapatibay ang ating mga sarili na tulad ng isang puno ng mangga na habang lumalaki ito ay mas lalong tumitibay. Sa ating paglaki marami tayong natututunan sa buhay na makakatulong sa hinaharap, na habang tayo ay tumatanda kailangan natin maging mas matatag dahil hindi natin malalaman ang oras at kung kailan darating na mga problema o pagsubok sa buhay.
Tulad ng isang puno ng mangga, kailangan nitong manatiling nakatayo at malampasan ang mga delubyo na darating. Sa paglipas ng panahon, tulad ng isang mangga ito ay magbubunga. At maihahantulad ko ito sa mga nakamit tagumpay, sa dinanas na mga pagsubok at problema na siyang bunga ng aking tagumpay. Maihahalintulad ko rin ang bunga bilang mga aral o kaalaman na magsisilbing gabay ko pa sa hinaharap at sa mga darating pang pagsubok sa buhay. Hindi naman natin maiiwasan ang pagkabigo minsan dahil hindi sa lahat ng oras tayo ay wagi.
Tulad ng isang mangga, kapag nakaranas ito ng malakas na hangin ay puwede itong matumba. Ang pagtumba ng puno ay maihahalintulad ko ito sa aking pagkabigo. Pero hindi ibig sabihin nito na kailangan ko nang sumuko. Gaya ng puno ng mangga kahit ito ay natumba dahil sa malakas na hangin ay wala na itong silbi, ito ay matatag parin at nagbubunga pa rin ng prutas.
Kapag tayo ay nadapa o nabigo, kailangan pa rin maging matatag sa buhay at ito ay magsisilbing aral sa ating buhay. Hindi lang ang ating tagumpay ang puwede nating isipin kundi rin ang puwede nating maitulong sa iba.
Tulad ng isang puno, ang mga sanga ay may paggagamitan din tulad ng paggawa ng isang bagay. Tayo naman ay kailangang iabot ang ating mga kamay sa iba, kailangan man nila ng tulong o hindi. Dapat nandirito tayo palagi para sa kanila, magsisilbing gabay at proteksiyon na tulad ng isang puno ng mangga na puwedeng silungan o sandalan.
That is all for today, guys. I hope you have learned something today from this article I have published. May God bless us all. Mabuhay!
1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Promote Better Growth/ 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Limang Letra, Isang Salita/ 10 - Make it Righteous
Special Notes:
All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.
This is original content.