Sa sulating ito, pag-uusapan natin ang tatlong bagay. Una ang gender empowerment. Ang pangalawa ay gender equality. Ang panghuli naman ay mga kababaihan na nagpamalas ng kanilang kakayahan.
Ngunit bago ang lahat, maaaring napansin niyo na madalas akong magsulat ng mga artikulong nakasulat sa wikang Filipino. Ang unang dahilan ay buwan ng wika ngayong Agosto. Ang pangalawa ay nais kong gamitin ang ating wika para mas lalong mapayabong ito at upang mas madama ng mga Pilipino kong mambabasa ang nais kong ipahatid sa bawat sanaysay na aking inilalahad.
Kung ikaw man ay bago pa lang sa aking profile, nais ko lang sabihin na sana ay magustuhan mo ang aking mga sinulat. Madalas ay sa Ingles ako magsulat pero dahil nga sa mga dahilang sinabi ko, sana'y kahit papaano ay magustuhan mo pa rin ito. Marami na akong nasulat dito. Mga mga kwento, mga tula, mga sanaysay, at marami pang iba. Kung gusto mo ng buong listahan, maaaring gumawa ako nito. Ngayon, dumako na tayo sa ating usapin dahil baka malimutan ko ang nais kong sabihin sa artikulong ito.
Gender Empowerment
Layunin ng gender empowerment na lalong pagtibayin ang mga karapatang pantao ng bawat isa mula sa kahit ano mang kasarian. Ito ang ‘pag- eempower’ sa lahat ng tao mula sa lahat ng kasarian upang makamtan ang buong potensyal ng bawat isa na mahalaga sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito rin ay mahalaga sa pagbuo ng isang mayabong na ekonomiya, at mapayapang pamayanan.
Gender Equality
Ang gender equality ay ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan sa mga karapatang pantao, responsibilidad, at mga oportunidad. Ang pagtrato sa mga kalalakihan at kababaihan ay pantay lang at dapat hindi dinidiskrimina. Parehas na naipapakita ang mga talento at kakayahan nang hindi tinitignan ang kasarian at walang mga limitasyon ng pagtatangi.
Gabriela Silang
Maaaring kilala niyo na siya dahil isa siya sa mga may malaking parte ng ating kasysayan. Perp sa nga hindi pa nakakakilala o mga nakalimot na, si Gabriela Silang ay ang Joan of Arc ng Ilocos at nagsilbing ehemplo ng pagiging matapang na babaeng pinuno sa ‘independence movement’ ng mga Ilocano laban sa kolonyalismong Espanyol noon.
That is all for today, guys. I hope you have learned something today from this article I have published. May God bless us all. Mabuhay!
1 - Digital Wellbeing: Fine-tune your Tech Habits/ 2 - Promote Better Growth/ 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Limang Letra, Isang Salita/ 10 - Make it Righteous
Special Notes:
All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.
This is original content.
Sana naman yung mga susunod na generation ei maapply na nila yan. Kadalasan kasi tinuturo lang, nalalaman naman yun mga bata but minsan di nila inaapply yung natututunan nila. Importante kasi to na mga topic. It shows respect kasi sa sarili as well as sa ibang tao.