Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong

9 1506
Avatar for McJulez
3 years ago

Habang bata pa ay tamasahin na ang pagiging masaya.

Para sa marami, ang kabataan ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao. Dito namumukadkad ang isang tao na paran bulaklak. Sa panahong ito, nagiging makulay ang buhay. Subalit, sa panahon ding ito nagkakaroon ng maraming problema at mas nagiging emosyonal ang isang kabataan. Nakakaalarma na dumarami ngayon ang mga kabataang nakararanas ng depresyon. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang depresyon ang karaniwang dahilan ng kondisyon sa mga kabataan mula sampu hanggang labing-siyam ang edad.

Maraming pwedeng maging dahilan ng depresyon para sa mga kabataan. Ayon sa WHO, ang depresypn ay resulta ng interaksyon ng sosyal, pisikal, sikolohikal at bayolohikal na paktors. Ang depresyon ay maaring magmula sa ilang mga pisikal na aspeto gaya ng mga sakit sa puso, pag-iba-iba ng hormone levels at paggamit ng ilegal na droga. Ang mga ito ay nakaapekto sa mga emosyon ng tao na maaaring magresulta ng depresyon.

  1. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, nangyayari ang mga kakaibang pangyayari sa ating katawan. Ito ang minsang dahilan ng pagiging emosyonal ng kabataan sa mga bagay na di-inaaasahan. Marai rin na ang mga kabataan ngayon ay nalululong sa droga. Ang pag-abuso sa mga droga ay nagdudulot ng kakaibang aktibidad sa utak ng tao na maaaring magresulta sa di pagkakontrol ng mga damdamin. 

  2. Isa ring dahilan ang istres. Ang pagka-istres ay karaniwan o normal na para sa mga kabataan lalo na sa mga kumukuha ng mahihirap na kurso o dikaya naman ay may minemaintain na grado. Hindi masama ang kaonting istres dahil may mabuti rin namang itong idinidulot ngunit ang sobrang istres ay nakasasama sa pisikal at sikolohikal na paraan na maaaring magresulta sa depresyon. Ang mga maaaring dahilan ng depresyon dahil sa istres ay maaaring paghihiwalay ng mga magulang, pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o seksuwal na pang-aabuso, seryosong aksidente, o 'd kaya naman ay malubhang sakit.

  3. Maaari ring maging dahilan ang hindi makakatotohang ekspektasyon sa pamilya at kahit sa sariling kakayahan sa paaralan. Ang pambubully mula sa ibang bata ay maaaring mapahina ang motibasyon ng ibang bata. Ang kawalan ng kasiguraduhan ng kinabukasan lalo na sa mga kabataang kailangan nang magdesisyon sa kung anong daan ang kanilang tatahakin ay maaaring magdulot ng pagkasira ng konsentrasyon.

Minsan, hindi rin maitatanggi na ang mga magulang ay nagiging malaking dahilan sa pagkadepres ng kanilang mga anak. Bakit naman? Baka naitanong mo sa iyong isipan. Ganito kasi 'yan. Kung ang isang anak ay masyado ng naprepressure dahil sa mga kagustuhan ng kaniyang mga magulang, may punto rin na hindi na kakayanin ng anak ang mga 'yun. Palaging napupuyat at pumapayat na rin para lang mapunan ang kagustuhan ng mga magulag minsan. At kapag nabigo lang sa isang bagay, magbibitaw na ng masasakit na mga salita ang ila sa mga magula. Diyan na papasok ang depresyon.

Sa pagkadepres ng isang kabataan, ano ang maaaring magawa niya at ng mga magulang niya?

  • Ang karaniwang ginagawa ng mga taong may depresyon ay pag-inom ng gamot at pagpapatulong sa mga propesyonal sa mental na kalusugan. Ngunit, ikaw mismo, ang dapat unang tumulong sa sarili mo. Maipapayong gumawa ng paraan upang mapangalagaan ang pisikal at mental na kalusugan. Kailangang kumain ng tama at sapat na pagkain, matulog at mag-ehersisyo. Ang pag-eehersisyo ay nagtatanggal ng mga kemikal na magpagagaan ang mabigat mong pakiramdam, mgapapalakas ka at magpapadali ang iyong pagtulog. 

  • Ang pagpaplano ay makakaiwas din sa mga problema. Kailangang maging handa ang isa upang hindi maging malala ang ekepto nito. Ang tao ay hindi sa lahat ng oras ay nakararadam ng depresyon. May mga panahong lumilitaw ito sa mga oras na mahina ka dahil mismo sa sarili mong pag-iisip at kapaligiran mo. Kaya kung wala ka rin lang matinong masasabi sa isang tao, huwag ka na lang sumtsat dahil minsan, kung sino pa 'yung mga taong akala mo ay okay lang ay hindi talaga okay.

Kahit pa sabihing ang sarili mo ang dapat tumulong sa iyo, hindi ibig sabihin na mag-isa mong haharapin ang problema. Magpatulong sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan at pamilya. Ang suporta nila ang tutulong sayong harapin ang depresyon sa epektibong paraan. Ang mga magulang ay dapat maalam sa sitwasyon ng anak. Tandaang hindi ka nag-iisa. Marahil, ang depresyon ay parang pagkalunod at hirap na hirap kang umahon dahil unti-unti kang nalulunod. Parang mag-isa ka lang nalulunod at wala nang ibang makakatulong sa iyo kundi ikaw pero hindi. May darating din. Para sa ilan, ang mga mahal nila sa buhay ang nagtutulak sa kanilang mabuhay pa. Para sa ilan, nakahanap sila ng kaginhawaan sa piling ng Maykapal sa pamamagitan ng patuloy na pananalig sa Kaniya.

Kahit sino man ang dumating, kumapit ka at huwag na huwag kang susuko ka. Ang depresyon ay isang kondisyon. Kondidyon na naaagapan naman. Tulad ng ibang kondisyon, saka lang ito magiging dahilan ng kamatayan kung pababayaan mo lang na lamunin ka nito. Kaya naman, kapit lang. Marami pang magagandang bagay sa mundo ang hindi mo pa nakikita. Maraming tao ang iyong makikilala. Ang buhay na ito ay para sa iyo upang tamasahin. Huwag hayaang ang depresyon ang magtanggal sa ngiti mo. Manalig lang at magiging maayos rin ang lahat.

Photo via Pixabay

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

9
$ 5.82
$ 5.63 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 3
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
3 years ago

Comments

So true na minsan talaga magulang din ang dahilan kung bakit nakakaramdam sila ng depression. Tapos hindi nila nanonotice dahil mas inuuna nila yong ibang bagay. Pero syempre, hindi lang un kasi marami pang iba. Pag hindi naagapan ang ganitong pakiramdam, maaaring makaapekto sa isipan ng nga kabataan na maaaring mauwi sa pagpapatiwakal 🤕

$ 0.01
3 years ago

Tama ka diyan ate Parot. Good morning :)

$ 0.00
3 years ago

Pinalala pa ng pandemic ang depression, sa sitwasyon, sa studies, naghalo halo na😢

$ 0.00
3 years ago

Ang depresyon ay hindi talaga joke. Kaya kung wala rin lang masasabing maganda sa isang tao, huwag na lang magbibitaw ng ibang salita dahil baka makaapekto ito.

$ 0.01
3 years ago

Opo. Tama po kayo diyan sa sinabi niyo :)

$ 0.00
3 years ago

Hindi talaga biro ang magkaroon ng depresyon. Maraming kabataan ang kinikitil ang sariling buhay dahil sa sakit na ito. Totoong iba't-iba ang dahilan ng depresyon kaya't kinakailan na mas maging aware tayo sa mga nangyayari sa kabataan natin.

$ 0.01
3 years ago

Hindi naman po siya talagang mmatatawag na sakit pero tama po kayo na nakakaalrma talaga to lalo na't ang daming kabataan ang nadedepress at pinipili na lang na magpakamatay.

$ 0.00
3 years ago