AKALA KO... "Maraming MASASAYANG PAGKAKATAON ang maaari nating MAPALAGPAS kung patuloy nating paiiralin ang salitang AKALA." -magioia- ***Few days ago, napag-usapan namin na magkaroon ng outing sa last day ng training namin sa TESDA. Sang-ayon ang halos lahat sa aming mga kaklase, maliban saakin. I was really hesistant kung magjojoin ba ako sa outing or not. Iniisip ko kasi na baka hindi ako mag enjoy since sa loob ng 29 days training namin iilan lang talaga ang masasabi kung close ko. Balak ko lang talaga mag-ambag sa contribution, and wag na sumama. However, there was something yesterday that changed my mind. I don't know what was really that, all I know is, it pushed me to join the outing today. And buti na lang nagbago ang isip ko, dahil nag-enjoy ako ng sobra sa outing namin. Ang lamig-lamig ng tubig na parang may ilang bucket ng yelo ang inilagay. Pero kahit ganun, preskong-presko ako na parang ayaw ko ng umahon mula roon. Dagdag pa, mas lalo rin akong nag-enjoy sa mga pakulo na pinaggagagawa ng mga kaklase ko. Akala ko maa-out of place ako sa grupo, pero "AKALA KO LANG PALA" talaga. 'Kaya kayo mga kaibigan, kung may pinaplano kayong gawin or abutin subalit nababalot kayo ng mga AKALA. Huwag na lamang kayo magpadala sa akala ninyo--try to take risks, dahil malay mo, doon ka pala talaga magiging masaya at kontento.' Magandang gabi sa lahat! Maghapon akong di nakapagbukas ng noise, busy kasi. Anyway, I hope masaya ang naging maghapon nyo, masaya kasi yung akin. Lol @Mariagioia00 #originalcontent PS: Yan po yung lugar kung saan kami nag-swimming. Marami ng kaibigan ko ang nag-ayang pumunta kami rito, pero di ko napaunlakan. Kaya, ngayon palang talaga ako nakapunta rito kahit super-lapit lang nito sa barangay namin.
No comments yet