read.cash Log in
M@Mariagioia00

PAGTITIWALA Ang pagbuo muli sa nasirang pagtitiwala Ay parang pagpapalipas ng araw, Pwedeng mangyari, pero kailanma'y di na magiging gaya ng dati. -magioia- ***Maraming bagay ang sumisimbolo sa tiwala. Mayroong nagsasabi na ang tiwala ay kagaya ng mababasaging bagay, kapag nahulog, nabasag at nasira - hindi na muling maibabalik pa. Subalit, iba ito sa aking paniniwala tungkol sa 'tiwala'. Naniniwala ako na kaya pa nating maibalik ang tiwala sa atin nang sinuman, iyon nga lang hindi na ito katulad ng dati. Mas sensitibo na ang pagtitiwalang maibibigay nila, pagka't may lamat na. Konting kibot, konting mali, madadamay ang nakaraan. Kaya kung ayaw mo ng ganitong tiwala, pakaisipin mo palagi nang makailang ulit ang mga desisyon at gagawin mo sa buhay. Timbangin mo palagi ang mga kahihinatnan at ang maaaring mawala sayo sa oras na gawin mo ang isang bagay. Gayunman, kung nangyari na ang pagtitiwala sayo ay naging sensitibo na. Ang payo ko lamang ay pakaingatan mo na itong mabuti. Seryosohin ang pangalawang pagkakataong binigay sayo, dahil kung nahihirapan kang alagaan o ingatan ito, tandaan mong mas mahirap magbigay ng bagong pagkakataon at pagtitiwala sa mga nanakit o nakasakit na. Magandang umaga sa lahat! Kayo, ano ba ang paniniwala nyo sa PAGTITIWALA? @Mariagioia00

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.