ANTI-FALLING IN LOVE ACT OF 2014 "Innocent mind suggests innocent solution." -magioia- ***Simula na naman ngayong gabi, ang linggo-linggong sayawan dito saamin. Dahil dito, bigla kong naalala ang isang nakatutuwang pangyayari nung ako ay nasa ika-siyam na baitang sa hayskul. Binigyan kasi kami ng practice teacher namin nun sa ESP ng assignment patungkol sa topic namin. Ang topic namin sa oras na yun ay tungkol sa tumataas na kaso ng Teenage Pregnancy, at ang assignment na binigay ay "kung maging isa raw kaming opisyales sa aming lugar, anong batas o regulasyon ba raw ang isusulong namin para mabawasan ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis." May mga kaklase akong ang isinagot ay pagpapatupad ng curfew, paglimita sa sayawan, pagbabawal sa PDA at pagkakaroon ng regular na seminar tungkol sa Teenage Pregnancy. Ilan lamang ito sa mga natandaan kong sagot nila. So, eto na nga, ako naman 'tong si Exagge at masyadong general sa buhay. Ang isinagot ko sa assignment ay pagsusulong ng ANTI-FALLING IN LOVE ACT OF 2014. Ang rason ko pa nun ay ito kako ang madalas dahilan ng mga kabataan kung bakit sila nai-involve sa pre-marital sex. Kesyo mahal nila kaya nila nagawa yun at nag-bunga. Tawang-tawa yung teacher namin sa sagot ko, at dun ko lang totally narealize na masyado palang imposible yung batas na gusto kong ipatupad haha. Gusto ko lang naman maalis ang main reason kaya ko naisip yun, kaso di ko naisip na di naman pala talaga madali ang awatin ang puso na magmahal. Hindi naman madali mapigilan ang pagtibok ng puso para sa isang tao. Kaya, gaano man kaepektibo pakinggan ang batas na ito, hindi pa rin ito posible. Magandang gabi sa lahat! At good night sa lahat ng matutulog na! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Para sa mga taga-lungsod na di alam ang sayawan, yan po yung probinsya-version namin sa mga club parties na nasa lungsod. Lol!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet