FRIDAY MASS Every Friday (kung wala akong urgent na gagawin), lagi akong nag-aattend ng mass sa simbahan sa kabilang baranggay. At, ngayong araw, ang punto ng banal na ebanghelyo ay: "Hindi maaaring akayin ng isang bulag (sa paglalakad halimbawa) ang isa pang bulag, dahil maaari silang maaksidente, matumba or kung ano pa man." ***Dahil sa punto na ito, naalala ko yung madalas ipaalala saamin ng Prof namin nung college. Sabi niya, "You cannot give what you do not have, as well as, you cannot teach what you do not know." Tama nga naman! Kagaya nang sa puntong nabanggit, paano nga naman maaakay ng isang bulag ang isa pang bulag, kung mismong siya ay walang makita? Paano mo maibibigay ang isang bagay kung wala ka ni-kapiranggot nito? At paano mo maituturo ang isang leksyon, kung hindi mo ito alam at di mo pa nararanasan? Kaya, dapat "HUWAG TAYONG LAGING BIDA-BIDA", sa kahit anong bagay o sitwasyon. Tanggapin na lang natin kapag wala tayong alam, kapag hindi natin kaya, at kapag mali na tayo, para maiwasan nating makapahamak ng ibang tao at makaperwisyo. At, hangga't maaari huwag tayong magpresenta ng mga bagay-bagay na alam naman nating hindi natin ini-aapply sa sarili nating mga buhay. Ika nga sa kasabihan, "Bago mo punahin ang uling ng iba, ang uling mo muna ang sya mong pahirin." Bago ka mag-bigay ng mga suhestyon o komento sa iba, gawin mo muna ito sa sarili mo. That's all! Magandang umaga sa lahat! Happy Friday! Weekend na naman bukas, ano kaya ang magandang gawin bukod sa maglaba? Lol. @Marigioia00
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet