read.cash Log in
M@Mariagioia00

SKY BLUE Have you ever wondered why the sun only comes out when the sky is clear and blue, but hides when the sky is crying? ***This is to remind us that in our lives, there's always someone out there who would rather stay behind us to give us time for ourselves and cry alone, and who will only show up and sit beside us when everything is already calm but blue. Calm kasi manhid na, at blue as in na sa point of miserableness ka na. Minsan, nakakainis ang mga taong ganun, kasi mapapatanong at mapapaisip ka na lang na, "Hindi ba ako ganun kahalaga para damayan mo ako sa oras na kailangan kita?" Pero ito kasi ang point dun eh, may mga oras na nahihirapan tayo na akala natin kailangan natin ng tulong ng iba, pero yun pala kayang-kaya naman nating lagpasan nang tayo lang. Alam ng mga taong iyon (na nagsisilbi bilang mga Araw natin) kung kailan kailangan na kailangan na natin ng tulong. Dumadating sila sa ganoong punto ng paghihirap natin dahil alam nilang hindi na natin magagawa o malalagpasan iyon ng tayo lang. Napatunayan ko ito nang minsang maharap ang pamilya namin sa isang malaking dagok. Bago pa iyon, hirap na hirap si Mama at si Papa na makahiram ng kahit maliit na halaga ng pera sa mga kapatid nila. Pero nang dumating itong dagok na ito, wala pang paghiram at paghingi na nangyayari ay nagsipuntahan na agad ang mga tito at tita namin para makiramay at tumulong sa pagresolba sa dagok na iyon. Kaya tandaan, sa oras na kailangan mo ng tulong at walang nagbigay saiyo. Isipan mo lamang na baka gusto nilang harapin mo iyon ng mag-isa, gusto nilang matuto ka roon kaya hindi ka tinutulungan. Darating naman sila kapag lugmok ka na, at hindi mo na kaya. @Mariagioia00 Hindi ko alam kung sang-ayon kayo sa aking sinabi, pero iyon ay mga reyalisasyon ko lamang. Magandang hapon sa lahat! PS: Hindi ko nasamahan ng litrato dahil medyo makulimlim dito sa amin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.