FRIENDZONE My heart's weak, I fall. I crossed lines though t'was tabooed, Can I blame Cupid? -magioia- ***Mahirap magkaroon ng malalim na feelings sa kaibigan. Marami ka kasing dapat ikonsidera bago ka makapagdedesisyon kung itutuloy mo ba o ititigil ang nararamdaman mo. Dapat mo ring timbangin ang resulta ng alin man sa pipiliin mo. Kaya lang, anu man ang pagtitimbang ang gawin mo, asahan mong kaakibat pa rin sa resulta ang isang malaking pagbabago sa pagkakaibigan ninyo. Kung pipiliin mong itigil ang nararamdaman mo, syempre kailangan mong baguhin ang pagtrato mo sa kanya. As much as possible kakailanganin mong bawasan ang interaksyon mo sa kanya para mabilis ang pagmomove on mo. Kung pipiliin mo namang ituloy, asahan mo naman ang dalawang resulta, either rejected ka as in friendzone, or mutual ang feelings nyo. Kapag rejected or friendzone, syempre magiging awkward na kayo nyan. Lalawak ang gap ng pagkakaibigan nyo hanggang sa umabot sa puntong "he's near yet so far." Ngunit...kapag mutual naman ang feelings nyo edi much better, mas positive ang magiging relationship nyo at baka umabot pa sa puntong maging official magka-IBIGAN na kayo. Gayunman, alin man ang mapili mong gawin, dapat lagi kang handa at dapat tanggap mo ang magiging resulta nito. Subalit, kung ako ang papipiliin, itutuloy ko pa rin at aaminin sa kanya ang nararamdaman ko, gaano man ka-imposible na masuklian niya ang aking pagsinta. Naniniwala kasi akong mas mabuti na ang maagang ma-heart broken (kung marereject), kaysa magtagal sa kakaassume at kaka-what if. At least kapag nalaman mo na ang resulta, mas madali na lang sayo ang mag-isip ng mga dapat gawin. Pero sa ngayon, hindi pa ako ready umamin. Chos! Hahah Good night everyone! Itulog ko na lang po ito hahaha. @Mariagioia00
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet